“Let’s go! I can’t sleep without you…” bigla ay sabi niya nang matapos na siyang tumawa. Pero sa totoo lang ay naasar ako dahil wala man lang akong naintindihan sa trip niya. “Ayaw ko nga. Matutulog na nga ako. Gabing-gabi na,” tanggi ko ulit. Pero totoo iyon. Inaantok na talaga ako. “I am being nice here, Ayanna. Kapag ginalit mo pa ako, kahit isang minuto hindi ka makakatulog buong magdamag,” bigla ay pagbabanta na niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko. “Hindi ka naniniwala?” taas ang kilay na hamon pa niya sa akin. Napamaang naman ako. “Ano ba ang pinagsasasabi mo? Kanina ka pa. Alam mo, matulog ka na kasi mukhang iba na ang tama ng alak sa iyo,” naiiling na tugon ko. Pero nagulat ako nang ibaba niya sa lamesa iyong mga dala niya at ha

