Ayanna’s POV “Ano, kaya mo pa? Grabe, ang intense ng practice ni’yo. Nanonood lang ako pero parang mas sumakit pa iyong katawan ko. Akala ko ba final na iyong kaninang umaga?” nailing na komento ni Jonalyn. Napangiti naman ako habang nagpupunas ng pawis. “May mga hindi pa kasi kami na-perfect na turns kanina. Pero okay na ngayon,” sabi ko naman habang kasalukuyang inililigpit ang iba pang mga gamit ko. “Maliligo ka pa ba?” tanong niya sa akin. “Shower lang saglit. Nakakahiya naman kung amoy pawis akong makikisakay sa kotse ni Sir. Aircon pa naman iyon,” sabi ko lang at mas binilisan ko pa ang lakad. Mabilisan lang ang pagsha-shower ko dahil ayaw ko namang gabihin din si Jonalyn. “Ihahatid ka na namin,” sabi ni Hendrick kay Jonalyn nang marating na namin ang parking lot. Madilim na r

