Kahit nag-aalala ako sa puwedeng mangyari ay mas pinili pa rin ni Hendrick na mag-relax lang daw ako ngayong araw. Dahil sa gamot na ininom ko ay hindi na masakit ang katawan ko. May kaunti pang hapdi sa p********e ko pero kaya ko naman na. “Teka, saan tayo pupunta?” gulat na tanong ko. Bigla niya kasi akong pinagbihis at ngayon ay may bitbit na siyang bag at lalagyan ng mga pagkain na may laman. “Magbi-beach tayo…” nakangiting sagot niya at kumindat pa nga sa akin. “Beach? Bakit may beach ba dito?” hindi makapaniwalang tanong ko. Isa sa pinakahilig namin pareho ni Mommy ay ang mag-beach. Kaya bigla akong nakaramdam ng excitement tungkol sa sinasabi ni Hendrick. “Of course! Maraming beach dito sa Cagayan. We will stay to a private resort. Gusto ko lang sulitin ang buong linggong ito na

