“O? Good mood ka yata?” pansin sa akin ni Jonalyn. Lalo namang lumapad ang ngiti ko. “Halos tatlong araw nating hindi nakita si Krissalyn. Mukhang talagang pinaghahandaan niya ang contest,” komento ko. Pero ang isip ko ay nasa gagawin ko sa kaniya mamaya. Bago matapos ang gabing ito ay malalaman na ng lahat ang ginawa ng babaeng iyon sa akin. “Pero mas curious ako sa binabalak mo. Kakaiba ka rin, ha? Ni hindi mo man lang ako sabihan. Wala man lang bang clue?” hirit na naman niya. Noong isang araw pa siya nagpipilit pero hindi talaga ako nagsasalita. Sumapit ang gabi at naroroon kami nina Jonalyn at Ranz na nakaupo sa may left wing ng balcony nitong university auditorium. Dito ay mas kitang-kita ang lahat ng mga nangyayari sa stage. “Good evening, ladies and gentlemen! We are now down t

