“Ma’am, kayo po ba si Miss Ayanna Aguilar?” napalingon ako nang may magaang tumapik sa balikat ko. Tumango naman agad ako paglingon ko. “Opo, bakit po?” magalang kong tanong. Mabilisan kong hinagod ng tingin ang lalaking kumakausap sa akin ngayon. Nakapantalon ito ng maong at white t-shirt. Tapos naka-jacket ng dark gray at itim na sombrero. Mas matangkad lang ito ng kaunti sa akin at balingkinitan ang pangangatawan. Maitim din ang kaniyang balat na tila bilad sa araw. “Pinapunta po ako rito ni Sir Hendrick para sunduin kayo. Busy daw po kasi siya ngayon kaya hindi niya kayo masusundo,” pagbibigay-alam nito sa akin. Hindi naman ako nakasagot agad at biglang natahimik. “Ah, ano pong pangalan ni’yo?” lihim ko pa ring dina-dial ang number ni Hendrick pero hindi ito sumasagot kaya lalong n

