Kinabukasan... Nagising ng maaga si Sam. May pasok pa kasi siya ngayon. Naabutan niya si Jun na pumasok ng kuwarto.
"O, mahal" si Jun. "Mauuna na ako."
"Sige, mahal" ang tugon ni Sam. "Ingat ka sa daan"
"Maraming salamat" ang nakangiting sabi ni Jun. "Oh, nga pala. Suot ko na ang regalo mo. Bagay ba?"
Sabay kindat naman ni Jun sa kanya.
"Oo naman" si Sam. Tuluyan na ngang umalis si Jun nang makapagpaalam sila sa isa't-isa. Kaaagad din namang nag-ayos si Sam at pumasok. Natigolan siya nang may makita sa upuan niya. Isang rosas. Napakunot siya ng noo. Kinuha niya naman yun at linagay sa ilalam ng kanyang upuan.
"Bakit parang wala pa si Ricky" ang bulong niya sa kanyang sarili kinse minuto na ang nakakalipas nang nagsimula na ang klase.
"Para sa finals, bibigyan ko kayo ng isang proyekto. Pair work. Mamili na kayo ng mga partner at isubmit niyo sa akin ang mga pangalan niyo ngayon na" ang utos ng kanilang propesor.
Hinihintay talaga ni Sam ang pagdating ni Ricky. Wala na siyang iba pang gustong makapareha kundi ang pinakmalapit sa kanya sa kanilang klase.
"Samuel! Samuel Dimalanta!" ang pagtawag sa kanya.
"Sir?" ang tugon naman niya.
"Who's your partner?" ang tanong naman sa kanya.
"Si Ricky po" ang tugon naman ni Sam.
"Ricky? Absent siya. Maghanap ka ng kapareha na narito" ang komento naman ng kanyang propesor. "Oh, wala pang kapareha si Andrew"
Nagkatinginan naman si Sam at Andrew. Ramdam niya pa rin ang mga lamig sa pagtitig sa kanya ni Andrew.
"Kayo na ang magpartner" ang sabi naman sa kanya ng Prof.
"Patay" ang iniisip ni Sam. Natatakot kasi siya kay Andrew. Tumayo naman si Andrew at naupo sa tabi niya.
"first things first" ang kaagad na pagsisimula ni Andrew nang magkaharap sila. "I don't know all about your mental capacity... So, are you good with this?"
Nakatitig lang si Sam sa kanya. Humanga ito sa galing niyang sa paggamit ng wikang banyaga. Tunog Amerikano.
"Ang galing mong mag-English" ang nasabi ni Sam. Bigla namang natawa si Andrew kaya mas naguluhan itong si Sam.
"I have been in the US half of my life" ang tugon naman ni Andrew sabay ubo at balik sa pagiging seryoso. "May laptop ka ba o kahit na anong pwedeng pangresearch?"
"Wala eh. Pero pwede namang dumaan ako sa university computer library" ang tugon naman ni Sam.
"Isang oras kang pipili para makagamit ng computer sa dami ng nakapila dun at isang oras lang ang ang alloted time sa bawat isang estudyante" ang pagpapaliwanag ni Andrew. "Sa tingin ko hindi sapat na oras yun"
"Ah, ganun ba?" ang reaksyon ni Sam.
"So, here's the deal" ang pagsisimula naman ni Andrew. "Ako na ang bahala sa researches tapos pagtulungan na lang natin gawin yung output."
"O, sige" ang pagpayag ni Sam. Pakiramdam niya ay wala naman siyang ibang magagawa kundi ang pumayag.
"When is your free time?" ang tanong ni Andrew.
"Linggo ng hapon" ang tugon naman ni Sam.
"Bakit Linggo ng hapon lang?" ang tanong namn ni Andrew.
"Kasi namamasukan akong tindero sa terminal ng bus ng Sabado at Linggo ng umaga" ang tugon naman ni Sam.
"Eh, weekdays?" ang tanong naman ni Andrew. "Pagkatapos ng klase?"
"Okay lang pero ayaw kong magpagabi"
"Are you pulling my leg?" ang retorikal na tanong ni Andrew. "What are you? An elementary student?"
"Ha? Eh hindi ko naman hinihila ang binti mo ah!" ang reaksyon naman ni Sam. "hindi nga kita hinahawakan eh"
Tumawa naman ng malakas si Andrew. Napanganga lang naman si Sam. Hindi niya maintindihan ang taong kaharap niya.
"Ang ibig kong sabihin.. Linoloko mo ba ako?" ang paliwanag naman ni Andrew. "College student ka na, may curfew ka pa rin"
"Hindi lang ako pwedeng magabihan" ang pag-uulit ni Sam.
"Kahit na kailanganin?" ang tanong ni Andrew.
"Pwede naman siguro" ang mahinang tugon ni Sam.
"Good to hear that" ang reaksyon naman ni Andrew.
"Well, then" si Andrew. "See you around"
Tumayo naman si Andrew at naupo sa kanyang upuan sa harapan. Pinagkibit-balikat na lamang ni Sam ang naging pag-uusap nila. Hindi pa rin siya kampante sa pakikitungo ni Andrew sa kanya lalo na at apat na buwan niyang kailangang pakibagayan si Andrew na palaging tinatapunan siya ng malamig na tingin. Kinagabihan ay nakatanggap siya ng text mula kay Andrew: "I'll start researching tonight. I'll give you the notes tomorrow morning. We'll talk about it on Sunday. Would that be okay?"
"Oo" ang simpleng tugon ni Sam kay Andrew. Kasalukuyan niyang hinihintay si Jun. May raket na naman kasi ang taong mahal niya. Nakaluto na siya at nakasaing. Habang naghihintay ay nag-aaral siya ng kanayang mga aralin. Hindi nga nagtagal ay dumating na si Jun na kaagad namang sinalubong ni Sam. Tulad ng mga tipikal na araw ay pinagsisilbihan ni Sam si Jun na parang tunay na mag-asawa. Ramdam nila na swerte sila sa isa't-isa.
Dahil sa binigay na gawain ng kanilang propesor, nakakapag-usap na si Andrew at Sam. Sa pangatlong buwan ng sem...
"That would be all for this day" ang sabi ni Andrew sabay ayos ng notes niya. Kasalukuyan silang nasa cafe na paboritong tambayan ni Andrew. Sa una ay ayaw ni Sam sa lugar na yun dahil ayaw niyang gumastos. May kamahalan ang mga bentang kape at kung anu-ano sa cafe na yun. Napapayag naman ni Andrew si Sam dahil pinilit niya ito. Siya rin naman ang magbabayad ang dagdag pa ni Andrew.
"Uuwi na ako" ang ssbi naman ni Sam.
"Ihatid na kita" ang yaya naman ni Andrew.
"Hindi na" ang pagtanggi ni Sam.
"You know what?" ang pagsisimula ni Andrew. "It's been three months already... At sa tuwing aalokin kita na ihahatid kita; you always turn me down. I want to know why"
"Hindi ka bagay sa lugar kung saan ako nakatira. Marumi.. Magulo... Maraming tambay sa kanto. Mga nag-aaway" ang paliwanag naman ni Sam. "Isa pa. Sayang ang oras at panggasolina mo"
"Wala namang problema sa akin eh" ang depensa ni Andrew. "Gusto ko nga na araw-araw kitang ihatid"
"Ha? Bakit naman?" ang naguguluhan na reaksyon ni Sam.
"It's just that... I-uh..." ang hindi maipaliwanag ni Andrew. "I'm falling for you"
"Andrew, hindi pwede yan" ang tugon naman ni Sam.
"Kasi meron ka na" ang salo naman ni Andrew. Tumango naman si Sam.
"Sam, I was that person..." si Andrew. "Ako yung nagbigay sayo ng polo... Ako yung araw-araw nag-iiwan ng bulaklak sa upuan mo. Ako yun"
Nanlaki naman ang mga mata ni Sam sa mga narinig. "Per-"
"He was just a decoy" ang paliwanag ni Andrew. "Ako talaga yun"
"Pero bakit kailangan pang may magpanggap?" ang tanong naman ni Sam.
"Gusto ko lang makasiguro" ang tugon naman ni Andrew. "Kaya nga I kept my distance nung nalaman kong meron ka na... Pero Sam... The hell I can't control myself anymore. Nung pinagpares tayo ni Prof; hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Natutuwa ako cause I can talk to you now. Natatakot ako na mahulog ako sayo ng tuluyan. And nangyari na nga ang kinakatakutan ko. I fell in love with you."
"Andrew, ayaw kitang saktan. Hindi pa nga tayo masyadong magkakilala pero yun na ang kailangan kong gawin" ang sabi ni Sam. "Andrew, may minamahal ako"
"Alam ko" ang buntong-hininga na lang ni Andrew. "At naiintindihan ko"
Hindi naman umimik si Sam.
"Pero may isang bagay lang akong hihilingin sayo" ang pagpapatuloy ni Andrew. "Sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa akin hanggang sa pagkatapos ng project natin. Pagkatapos nun bahala ka na kung gusto mo pa akong pansinin."
Tumango naman si Sam.
"Ihahatid na kita" ang alok muli ni Andrew. "Gusto ko ring makita ang maswerteng lalakeng minamahal mo"
"Bakit naman?" ang tanong ni Sam.
"For closure" ang tugon naman ni Andrew. Sa huli ay napapayag niya si Sam na ihatid siya ni Andrew. Tahimik lang silang dalawa sa kotse. Nasabihan naman ni Sam na may kasama siya sa pag-uwi.
Panay ang tingin ni Andrew sa kanyang kaliwa at kanan nang ipasok niya nag kanyang kotse sa lugar nila Sam. Tama nga ang paglalarawan ni Sam. Pinilit namang hindi pansinin ni Andrew ang lugar. Sa di kalayuan ay nakatambay si Jun sa tindahan sa tapat ng boarding house. Kakwentuhan niya ang mga tambay sa kanilang barangay.
"Anak ng-ang gara ng kotse oh!" ang reaksyon ng isa nang may makitang magandang kotse na paparating. Natigilan silang lahat at napatingin. Huminto ito sa tapat ng boarding house ni Jun. Nagkatinginan sila. Nakita ni Jun si Sam na bumaba galing sa kotse.
"Oh, si Sam pala eh. Big time ah" ang sabi ng isa samga tambay. Kaagad namang tumayo si Jun. Bumaba naman ang isang maputi at gwapong lalake mula sa kotse. Lumapit naman siya sa dalawa.
"Mahal" ang pagtawag niya kay Sam. Napatingin si Sam at Andrew. Nagkakatitigan silang dalawa. Nahinto lang naman yun nang tinawag ni Sam si Jun. Pinakilala ni Sam ang isa't-isa.
"Ikaw pala yung kaklase ni Sam" ang sabi ni Jun.
"At ikaw yung boyfriend niya" ang tugon naman ni Andrew.
"Oo pare" ang pagkumpirma ni Jun. Inalok niya ang kanyang kamay, tinignan naman ni Andrew yun bago kinuha at nakipagkamay. "Pasok ka; magmeryenda ka muna"
Napatingin naman si Andrew kay Sam. Tumango naman si Sam kaya pumayag siya. Pumanhik sila sa boarding house, deretso ng terrace. Naupo sila dun.
"Maiwan ko muna kayo diyan, bibili lang ako" ang paalam naman ni Jun sa kanilang dalawa.
"Mabait siya" si Andrew. "Maganda ang pangangatawan at gwapo"
"Oo" ang pagsang-ayon ni Sam. "Isa siya sa mga pinakamasipag na taong nakilala ko"
"That's great" ang tugon naman ni Andrew sabay tango habang nakamasid kay Jun sa tapat at bumili ng street food. "Sana ako ang nauna"
Hindi naman nakaimik si Sam. Nang makabili ng makakain ay bumalik si Jun.
"What's this?" ang bulong ni Andrew kay Sam.
'Kwek-kwek" ang tugon naman ni Sam. "Itlog pugo"
Napakunot naman ng noo si Andrew sabay labas ng smartphone niya. Hinanap niya ito sa google. Napatango naman siya ng mapagtanto kung ano yung tatlong bilog na bola sa stick na kulay orange.
"Hindi pa ako nakakakain ng ganito" ang sabi ni Andrew.
"Masarap yan" ang singit naman ni Jun. Isawsaw mo sa suka na may Sili at sibuyas. Ginawa naman yun ni Andrew bago kumagat.
"Not bad. Just an egg" ang komento ni Andrew.
"Subukan mo yang isaw" ang suhestyon ni Jun.
"Alin dito?" ang tanong ni Andrew. Tinuro naman ni Sam kung akin ang isaw.
"Uod?" ang nagtatakang tanong ni Andrew.
"Hindi. Bituka ng manok" ang tugon naman ni Jun. Napangiwi naman si Jun sa narinig pero kumain na lang siya. "ang anghang"
"Sandali, ikukuha kita ng tubig" ang sabi ni Sam bago umalis. Sinamantala naman ni Jun ang pagkakataon upang makausap si Andrew.
"Pare, dederetsuhun na kita" si Jun. "May gusto ka ba kay Sam?"
"Paano mo naman naitanong yan?" ang kaswal na tanong ni Andrew.
"Kung paano mo titigan si Sam... May kakaiba..." ang tugon naman ni Jun. "Pare, alam ko ang titig na yun... Kasi ganun din kung titigan ako ng taong mahal ko."
"HIndi na importante kung may gusto ako sa kanya o wala" si Andrew. "Ikaw ang taong mahal niya at wala akong balak na agawin siya sayo."
"Mabuti na ang malinaw" si Jun.
"Pero wag kang magpakampante. Magbigay ka lang minsan ng isang bukas na pagkakataon. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na kunin siya sayo" ang sunod na sinabi ni Andrew.
"Maingat ako sa mga pagmamay-ari ko" ang sabi naman ni Jun. Napangiti lang naman si Andrew. Dumating naman si Sam dala ang isang basong tubig. Binigay naman niya yun kay Andrew.
"Mauna na ako" ang paalam ni Andrew.
"Sige, pare" ang tugon ni Jun.
"Ingat ka" ang sabi naman ni Sam.