Ikalabing-apat na Kabanata

1080 Words
  "Pasok na tayo" ang magiliw na yaya ni Jun kay Sam.   "O, sige mahal" ang pagpayag naman ni Sam.   "Jun" ang pagtawag naman ng isang boses mula sa kanilang likuran. Napalingon naman silang dalawa. Isang babaeng may edad na ang nasa kanilang harap.   "Kamusta ka na?" ang tanong niya. "Anak?"   Hindi naman nakasagot si Jun. Napatingin si Sam kay Jun. Nasaksihan niya ang gulat sa buong mukha ni Jun. Pagkaraan ng ilang minuto ay natauhan siya. Biglang nag-iba ang mukha niya; ngayon ay puno na ng galit.   "Anong ginagawa niyo rito?" ang matigas na tanong ni Jun sa kanyang ina. "Pagkatapos ng ilang taon... Pagkatapos ng kahaba-habang panahon; magpapakita pa kayo sa akin?"   "Anak, pagpasenyahan mo na ako kung natagalan ako sa pagbalik..."   "Tama na. Ayoko na kayong makita pa" si Jun. "Lumayo kayo sa akin. Nasanay na ako"   Bigla namang pumasok si Jun sa boarding house patungo sa kuwarto. Sumunod naman si Sam. Nadatnan niya si Jun na naka-upo sa gilid ng kama; umiiyak. Naupo naman si Sam sa tabi niya.   "Bakit kailangan niya pang magpakita?" ang retorikal na tanong ni Jun. "Okay naman na ako.. Na wala siya.. Na wala sila. Mas masaya ako na wala sila   "Bakit hidni mo muna pakinggan ang paliwanag niya?" ang suhestyon ni Sam.   "Para saan pa?" ang tanong naman ni Jun. "Wala nang salita o paliwanag pa ang kailangan kong marinig. Hindi maibabalik ang panahon... Ang mga pagkakataong nawala.. Ang mga paghihirap ko. Wala na akong ibang kailangan dahil kinaya ko namang tumayo."   Yumakap naman si Sam kay Jun.   "Mahal, palayain mo ang sarili mula sa galit" ang payo ni Sam. "Alam kong mahirap ang magpatawad; lalo na ang paglimot pero naniniwala ako na bakang-araw. Magagawa mo rin yun"   "Sapat na na meron ka sa tabi ko. Wala na akong ibang kakailanganin pa" ang dagdag pa niya. Napayakap na lang si Sam sa kanya. Sa mga sumunod na araw ay walang palya kung pumunta sa boarding house ang nanay ni Jun. Sa tuwing natyetyempuhan siya ni Sam ay nag-uusap silang dalawa. Kay Sam niya pinaliwanag kung bakit umabot ng kay tagal na panahon bago sila muling nagkita, nahabag at nalungkot si Sam; hindi lang kay Jun kundi sa isang inang sabik na sabik sa kanyang nag-iisang anak.   "Alam ko po na wala ako sa lugar para sabihin ito pero... Nasaktan po talaga si Jun. Pero hindi naman po magtatagal; matatanggap ka niyo rin po" ang sabi ni Sam. "maiintindihan niya na may mga dahilan kayo"   "Maraming salamat, Sam" ang pasasalamat ng ina ni Jun sa kanya. "Alagaan mo si Jun"   Hindi na alam ni Sam ang sasabihin niya. Hindi niya matanto kung may alam ang babaeng kausap niya tungkol sa relasyon nila ni Jun.   "Wag kang mag-alala. Alam ko at hindi ako tutol" ang biglang sinabi ng nanay niya. "Nakikita ko rin naman na mahal niyo ang isa't-isa."   Napangiti naman si Sam. Walang alam si Jun na nag-uusap ang dalawa tuwing hapon pag nakauwi si Sam at bago siya makauwi. Napapansin niya rin sa tuwing uuwi siya ay paunti-unting nadadagdagan ang mga gamit nila sa kwarto.   "Sam" ang pagtawag ni Jun kay Sam. "Gusto kong maging matapat ka sa akin. Pumupunta rito ang nanay ko, hindi ba?"   "uhm...oo" ang tugon naman ni Sam.   "At alam mo naman kung ano tung pakiramdam ko" ang sabi ni Jun.   "Alam ko at naiintindihan ko pero bisita ko siya" ang depensa ni Sam. "Jun, sa tingin ko kailangan niyo nang mag-usap"   Napailing naman si Jun.   "Wala na aking balak gawin yan" ang maigting na sinabi ni Jun. Napabuntong-hininga naman si Sam sa tigas ng puso ni Jun para sa kanyang ina.   "Ayoko na nakikipag-usap ka sa kanya at lalo na tumatanggap ka ng kung anu-ano mula sa kanya" ang komento ni Jun.   "Sarili kong desisyon yan, Jun" ang mas maigting namang sinabi ni Jun.   "Ikaw ang bahala" ang tugon naman ni Jun sabay labas ng kuwarto. Sumilip naman si Sam sa bintana at nakitang lumabas si Jun ng gate at nagpunta sa katapat na tindahan kung saan may mga nag-iinuman. Nagsimulang uminom si Jun. Napabuntong-hininga naman si Sam. Kinuha niya na ang libro niya at nagsimulang mag-aral. Batid niya ang pinagdadanan ni Jun at ng kanyang ina.   Maghahating-gabi na ng dumating si Jun. Lasing na lasing siya, kaagad naman siyang inalalayan ni Sam. Walang imik si Sam... Pilit niya lang inintindi ang sitwasyon. Siguro nga... Hindi lang siya sanay magalit.. Binihisan niya ang kanyang kasintahan, at inayos sa kama. Naka-ayos naman na sa papag ang hihigaan niya. Dun niya balak matulog ngayon. Pagkatapos niyang magreview ay nahiga na siya sa papag at natulog. Nagising siya ng madaling-araw na may nakasandal sa kanyang bewang. Si Jun at nakatitig ito sa kanya.   "Bakit ka bumaba?" ang tanong ni Sam.   "Hinihintay kong magising ka" ang tugon naman ni Jun.   "Bakit naman?" ang sunod na tanong ni Sam.   "Gusto kong humingi ng pasensya sa inasal ko kagabi" ang paliwanag naman ni Jun. "Pasensya na kung palagi kitang inaabala at nabibigyan pa kita ng problema"   "Talaga? Kelan pa?" ang retorikal na tanong naman ni Sam.   "Simula nung makilala mo ako" ang tugon naman ni Jun. Napabuntong-hinanga na lang si Sam. Naiintindihan niya at tanggap niya ang insecurities ni Jun. Marahil hindi na yun mawawala sa kabuuan ni Jun. Yun ang mga mumunting halimaw sa ilalim ng kama o sa loob ng aparador ng buhay ni Jun. Wala naman siyang magagawa. Siguro hindi niya mabubura ang mga yun... Ang tangi niya lang magagawa ay... Ang tulungan si Jun na harapin ang mga halimaw na yun.   Napailing naman si Sam bilang hindi pagsa-ayon sa sinabi ni Jun.   "Kasi nagtitis ka" ang pagpapatuloy naman ni Jun.   "Siguro nga" ang pag-amin naman ni Sam. "Kasi inaabangan ko ang panahon kung kailan; maayos ang lahat para sa ating dalawa. Jun, ang hinihiling ko lang... At katangi-tanging ko lang na hihilingin ay ang maging matatag ka para sa ating dalawa.   "Pangako" si Jun at lalo pang yumakap kay Sam.   "Patawad kung nagiging mahina ako. Mahal na mahal kita, Sam"   "Mahal na mahal din kita, Jun"   Lumipas ang mga araw at mga linggo... Matigas pa rin si Jun at hindi pa rin kinaka-usap ang kanyang ina. Pagkatapos ng proyekto ni Sam at Andrew ay mas pinili ni Sam na umiwas dahil sa tingin niya ay ito ang tama... Ito ang nararapat. Bukod pa run ay mahirap na para sa kanya ang makipagkaibigan pa kay Andrew. Hindi ito patas para sa kasintahan niya. Isang hapon, umuwi siya sa boarding house tulad ng kinagawian. Wala si Jun.   "Baka may trabaho" ang naisip ni Sam. Nagtungo siya sa kusina para maghanda ng hapunan nang makarinig siya ng kaguluhan sa labas. Nagtaka siya sa kung anong posibleng nangyayari. Lumabas naman siya para tignan ang nagaganap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD