"Where do you want to go next?" ang tanong ni Andrew kay Sam.
"I want to go back to the Philippines" ang tugon naman ni Sam. Natigilan naman si Andrew. Napabuhol naman ng mga kamay si Sam habang nakatitig sa kanya. "What are you still afraid of? It's been like four years already"
Napangiti naman si Andrew at tumango. "Perhaps, it's time. Oras na para mapakilala mo na rin sa pamilya mo ang asawa mo"
"Talaga??????" ang tanong naman ni Sam. Halata sa kanya ang pagkasabik. Apat na taon niya ring hindi nasilayan ang kanyang mga magulang. At sa wakas na nga ay makakauwi na siya. Sa apat na taon na yun ay dalawang taong sinuyo ni Andrew si Sam. Panahon na ang gumawa ng paraan para maghilom ang mga sugat ni Sam. Pilit niyang tinakasan ang nakaraan. Hindi niya na nga namalayan; isang araw... Ay naging handa na siya para bigyan ng pagkakataon si Andrew. Nagsimula sila bilang magkaibigan hanggang sa tuluyan nang nahulog si Sam kay Andrew at pagkalipas ng ilan pang buwan ay napagpasyahan nilang magpakasal.
"Hmmm.. I'm considering.." ang panunukso naman ni Andrew sa kanya. "A hug might change my mind"
Kaagad namang lumapit si Sam at yumakap kay Andrew.
"Okay na yun?" ang tanong ni Sam. Ninakawan naman siya ng halik ni Andrew.
"Kelan mo gusto pumunta?" ang tanong naman ni Andrew.
"ASAP" ang maligayang tugon ni Sam.
"So be it" ang pagpayag naman ni Andrew.
Samantala, sa Pilipinas....
"Anak, congratulations" ang bati ni Miranda sa kanyang magtatapos nang anak.
"Salamat ma" ang tugon naman ni Jun. Ngayon ang araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo.
"Hey, Jun!" ang pagtawag ng isang boses sa kanya nang makapasok sila sa gymnasium.
"Harold!" ang pagbanggit naman ni Jun sa pangalan niya.
"You're late" ang komento nitong si Harold.
"I'm not" ang tugon naman ni Jun. "Hindi pa nagsisismula ang graduation ceremony"
"Can we go for a walk first?" ang tanong naman ni Harold. Tumango naman si Jun bago magpaalam sa kanyang ina. Nagtungo sila sa malawak na damuhan at naupo sa silong ng isang puno.
"Remember the first time we met?" ang tanong ni Harold sa kanya.
"Oo. Four years ago" ang tugon naman ni Jun.
"Yeah, right. Hindi ka pa nga nakakapagsalita ng English noon eh" ang tukso ni Harold.
"Nagsalita ang nakakapagsalita ng Tagalog" ang bawi naman ni Jun.
"You can't even differentiate the /p/ sound from the /f/ sound" ang banat naman ni Harold.
"Eh, ikaw lahat ng /a/ mo eh /ae/" si Jun. "Wait a minute. What's with you?"
"Nothing. I'm just happy." ang paliwanag ni Harold.
"Bakit? Are you breaking up with me?" ang tanong naman ni Jun.
Natawa lang naman si Harold sabay kuha sa kamay ni Jun at nagpa-akbay sa kanya.
"Why should I?" ang tanong naman ni Harold.
"Salamat" si Jun. "Thank you for accepting me. Kahit na wala akong ala-ala"
"Wala naman sa akin yun eh" si Harold. "But you know what's worrying me the most?"
"What?"
"Paaano kung nagbalik ang mga ala-ala mo Baka magbago ka"
"My memories... Mahalaga yun sa akin para mabuo ang pagkatao ko. Pero ang nakaraan ay nakaraan na. Walang magbabago" ang paninigurado naman ni Jun sa kanya. "Mahal kita Harold"
"I love you too" ang tugon naman ni Harold sa kanya. "Tara na. Malapit na ring magsimula ang graduation natin"
Makalipas nga ng isang linggo ay dumating na ng Pilipinas si Andrew at Sam.
"Umuwi muna tayo sa town house bago tayo bumyahe sa probinsya niyo." ang suhestyon ni Andrew..
"O, sige" si Sam. "Pwede namang bukas ng umaga na lang tayo bumisita kila Nanay at tatay"
"So, how do you feel that we're here?" ang tanong naman ni Andrew.
"Feels like home" ang nakangiti namang tugon ni Sam. "Hindi ko nga sigurado eh. Baka malaki na ang nabago"
"Ikaw pa ba?" si Andrew. "Nung napadpad ka nga sa America, pagkalipas ng ilang buwan; parang dun ka na nga lumaki eh"
"Wala naman akong choice but to adapt to the place" ang tugon naman ni Sam sabay lakad palayo.
"Makes sense" sumunod naman si Andrew.
"Minsan ba, naiisip mo pa rin siya?" ang random na tanong ni Andrew nang makasakay sila sa taxi. Nakatingin lang naman si Sam sa labas.
"Bakit bigla mong tinatanong yan?" ang tanong naman ni Sam..
"Just curious" ang tugon naman ni Andrew.
"Minsan" si Sam. "I'm just wondering... kung kamusta na siya. If he gained his memories already"
"Do you want him to?" ang tanong naman ni Andrew.
"It's better this way" ang tugon naman ni Sam. "Sana nga hindi na bumalik ang ala-ala niya. So, I won't be afraid of being guilty. But I have to do what I needed to do"
"Sorry" si Andrew.
"I'm not blaming you anymore" si Sam. "Siguro ganun lang talaga yung kwento namin..bakit ba natin ulit siya pinag-uusapan?"
"Sorry" si Andrew.
"Just curious" si Sam sabay tingin ulit sa kalangitan.
"Anyway" si Andrew. "How long does it take to your hometown?"
"Around 5 to 6 hours" si Sam..
"Any interesting places to visit?"
"Hmmm.... it's near the beach. You can do surfing if you want to. A couple of rock formations and waterfalls"
"I-tour mo ako baby" ang paglalambing ni Andrew.
"Oo naman" si Sam sabay ngiti.
"So shall I book a room for two then?"
"That would be fine" si Sam. "Ayaw mo bang magstay sa bahay na lang namin? Medyo maliit pero-"
"I think mas okay na sa ibang lugar tayo. For our privacy's sake. Maingay ka kasi sa gabi" si Andrew sabay tawa. Hinampas naman siya ni Sam..
"Ewan ko sayo" si Sam.
Samantala...
"Signal is going crazy" si Harold. "Pawala-wala. Paano natin iko-contact yung may-ari nung bahay?"
"Pwede naman sigurong magtanong na lang tayo" si Jun.
"Kanino? Sa mga puno mg buko?" ang tanong ni Harold sabay turo sa mga puno sa gilid.
"Magmaneho ka na lang" ang utos naman ni Jun. "Magtanong na lang tayo pag may tao tayong madaanan"
"Fine" si Harold. "I'm worried. Baka walang signal dun"
"Seems appealing to me" ang komento naman ni Jun.."masosolo kita"
Napangiti naman si Harold. "May malapit na viewdeck. Want to drop by?"
"Sure." Si Jun kaya naman nagpunta sila sa viewdeck.
"Signal is back" si Harold sabay dial at may tinawagan. Pumunta naman si Jun sa isa sa mga shed. Humahampas sa kanyang mukha ang hangin. Natatanaw niya ang dagat at mga bakawan sa gilid. Maaga silang nakarating kaya hindi pa sumisikat ang araw. After a while, Harold joined him. "Sabi nung naka-usap ko the house is just ten to fifteen minutes drive away from here."
"Pwede bang... dito muna tayo" si Jun sabay akbay kay Harold. "Ang ganda rito. Paano mo nahanap tong lugar na to?"
"May project tayo rito" si Harold.
"Agad-agad?" ang gulat na tanong ni Jun. Napatawa na lang si Harold. "Ganun lang talaga siguro kung galing sa pamilyang negosyante; hanggang sa anak business-minded"
"Hindi lang naman business at trabaho ang sinadya natin dito" si Harold. "We are here to relax"
"Tara na" ang yaya ni Jun sa kanya.
"wait" si Harold. "Let's take a picture together"
"Sure" si Jun sabay labas ng smart phone niya. Pagkatapos nga nun ay bumyahe ulit sila.
--------------------------
"Nakahanap ka na ng matutuluyan natin?" ang tanong ni Sam kay Andrew. Kasalukuyan silang nasmkasakay sa bus.
"I browsed the internet last night" ang pagsisimula ni Andrew. "But... peak season ngayon. So..."
"Wala kang nabook" ang pagtatapos ni Sam. "Sabi ko naman sayo eh. Dun na lang tayo sa bahay.”
"Actually, may nahanap akong bahay" si Andrew. "Pero may naka-occupy hanggang 10am. So, I said we'll be there around 1pm."
"Pwede tayong dumaan muna sa bahay" ang komento ni Sam.
"Sounds great"
"Sounds great"