"Makakalabas ka na bukas" ang maligayang balita ni Estella kay Jun. Napangiti lang si Jun at tumango.
'Anak ko" ang pagtawag naman ng isang babae nang makita siya. Kaagad naman siyang yinakap nito. Napapatingin lang naman si Jun kay Estella.
"S-sino po kayo?" ang tanong ni Jun kay sa babaeng kaharap niya.
"Ako ang nanay mo, Jun" ang tugon naman niya.
"Teka, ho" ang singit ni Estella. "Pwede ko po ba kayong maka-usap?"
"Ha? O,sige" ang pagpayag ng nagpakilalang nanay ni Jun. Lumayo sila kay Jun. "Ano ba yun? At bakit hindi niya ako naaalala?"
"Kasi po. May amnesia siya dahil sa aksidente." ang simpleng paliwanag naman ni Estella. "Sabi ng doktor; makakasama sa kanya ang sobrang stress."
"Kung ganun lang; sana hindi na bumalik pa ang ala-ala niya." ang komento naman ng nanay ni Jun.
Napabuntong-hininga naman si Estella dahil parehgo sila ng naiisip ng nanay ni Jun.
"Ako nga po pala si Estella" ang pagpapakilala niya sa kanyang sarili. "Dati pong kasintahan ni Jun."
"Miranda; ako ang nanay ni Jun"
"Bakit niyo po pala nasabi na sana hindi na bumalik pa ang mga ala-ala ni Jun?" ang nagtatakang tanong ni Estella.
"Iniwan ko kasi siya nung bata pa siyakaya abot-langit ang pagkamuhi niya sa akin" ang tugon naman ni Miranda. "Pero may pagkakataon na akong muling maging ina sa kanya.. Kahit hanggang sa pagbabalik lang ng kanyang mga ala-ala."
"Naiintindihan ko po" ang tugon namn ni Estella. "Sa tingin ko nga rin po mas makakabuti sa kanya ang makapagsimula ng bagong buhay"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sa tingin ko lang po; yun ay kailangan niya" ang tugon naman ni Estella; iiwasan niyang banggitin ang pangalan ni Sam.
"Si Sam nga pala?" ang tanong naman ni Miranda.
"Kilala niyo po siya?" ang gulat na tanong ni Estella.
"Paanong hindi? Kaibait na bata nun" ang tugon ni Miranda. "Isa pa. Kasintahan siya ni Jun"
"Wala na po siya" ang tugon naman ni Estella. "Nagpunta na po siya sa America; sumamas a iba"
"Sigurado ka ba?" ang gulat na tanong ni Miranda. Tumango naman si Estella.
"Kaya sana ho eh... Maiwasan natin ang mabanggit ang pangalan niya kay Jun."
"Naiintindihan ko" ang tugon ni Miranda ngunit hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang iniwan ni Sam ang kanyang anak. Nang hapon ding yun...
"Nay" ang pagtawag ni Jun sa kanyang ina. Labis naman ang galak ni Miranda nang muli siyang ituring na anak ni Jun.
"ano yun?" ang tanong naman niya.
"Si Sam?" ang pagsisimula ni Jun. "Sino siya?"
"Ha? Bakit bigla mo namang natanong?" ang tanong naman ni Miranda.
"Boardmate ko raw siya" ang tugon naman ni Jun.
"Oo, dating boardmate" si Miranda. "Pero wala na siya. Umalis na"
"Ganun ba?" ag tanong naman ni Jun. "Siguro naging malapit din kami sa isa't-isa"
"Siguro" si Miranda. Dumating si Estella pagkatapos tawagin ng doktor para maka-usap.
"Magandang balita!" ang anunsyo ni Estella. "Jun, makakalabas ka na ng ospital. Sabi ng doktor eh, okay naman na ang mga test na binigay nila sayo."
"Mabuti naman kung ganun" ang tugon ni Jun.
"Jun, sa akin ka na uuwi" ang singit naman ni Miranda. Kaagad namang pumayag si Jun.
Sa kabilang dako ng mundo... Hindi kinaka-usap ni Sam si Andrew. Lugmuk siya sa kalungkutan dahil sa sitwasyon niya. Bukod pa dun ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Jun. Isang gabi...
"Sam" si Andrew. Nakatingin lang si Sam sa labas ng bintana. Lumuluha na naman siya. Iniisip niya na sa paggising ni Jun ay labis na ang pagkamuhi niya sa kanya... At ang kaisipang yun ay isa sa mga pumapatay sa kanya.
"Si Jun" ang sabi ni Andrew. "Gising na siya"
Napatingin naman si Sam sa kanya.
"I don't want to keep this from you" ang pagpapatuloy ni Andrew. "You deserve to know this"
"Kamusta ang kalagayan niya?" sa wakas ang wika ni Sam.
"Nasa mabuti naman siyang kalagayan" ang tugon naman ni Andrew. muling tumingin sa labas ng bintana si Sam at napabuntong-hininga. Sa isang sulyap ay nakita ni Andrew ang untong ginhawa sa mukha ni Sam.
"Abot-langit man ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil sa pagkamuhi sa akin" ang pagsisimula ni Sam. "Wala akong pinagsisihan. Magpapatuloy pa rin siya. Unti-unting makakalimutan ang pait ng nakaraan. Maghihilom ang sugat na iniwan ko sa kanya. Magpapatuloy siya.... Wala man ako sa piling niya. Masaya pa rin ako dahil sa akin ay mabubuhay siya."
"Hinihiling ko rin na sana maghilom din ang sugat na nagawa ko sa'yo" ang sabi ni Andrew. "Sam, pangako... Hinding-hindi na kita sasaktan"
"Pinatawad na kita Andrew" ang tugon naman ni Sam. "Mahirap magpatawad pero mas mahirap makalimot.
"Willing akong maghintay, Sam" ang sabi naman ni Andrew. "I know sa lahat ng nagawa ko sa'yo; mahirap talagang makalimot. Nga pala, may mga pamphlets ako ng mga university dito. Mamili ka na kung saan mo gustong mag-aral."
"Mag-aral?" ang tanong naman ni Sam.
"Oo, hindi naman kita dinala rito para ikulong lang sa bahay" ang tugon naman ni Andrew. "Seryoso naman talaga ako nung sinabi ko na gudto kitang pakasalan"
"Gusto mo akong pakasalan para hindi makasal sa iba" ang tugon naman ni Sam. "Sinasangkapan mo lang ako para hindi mangyari yun"
"Mahal kita kaya ka narito; I can just use or pay anyone para gamitin ko" ang paliwanag naman ni Andrew. "All I'm asking is a second chance"
Napatango na lang si Sam. Siguro nga ay kontento na siya na malamang nasa mabuting kalagayan na si Jun. Siguro nga; hindi sila linaan para sa isa't-isa.
"Marami kang binago rito sa kwarto" ang puna ni Andrew. "I see you have a talent on this. Gusto mo bang maging interior designer?"
Napakibit-balikat si Sam.
"May alam akong magandang eskwelahan for interior designing course" ang pagpapatuloy ni Andrew sabay halungkat sa kahon na puno ng mga school pamphlets. Kinuha ang isa at inabot kay Sam. PARSONS NEW SCHOOL FOR DESIGN.... "pag-isipan mo"
Lumabas naman ng kuwarto si Andrew para bigyan si Sam ng oras at espasyo.
Samantala... Nakatingin si Jun sa labas ng bintan ng kwarto niya nang may makita siyang mga estudyante na naka-uniform mula sa isang pamantasan.
"Ano kayang pakiramdam?" ang tanong ni Jun.
"Ng ano?" ang tanong naman ni Miranda habang inaayos ang kanyang mga damit sa aparador.
"Ng nakapag-aral" ang tugon naman ni Jun. "Alam ko na hindi ako nakapag-aral at elementarya lang ang natapos ko. Yun ang sabi ni Estella"
Nalungkot naman si Miranda sa narinig niya. Nasa kwarto din nila ang pinsan niyang si Patrick na kinupkop ni Miranda matapos mamatay ang kanyang mga magulang.
"Ganun ba, Kuya?" ang tanong ni Patrick. Napatango naman si Jun.
"Gusto mo bang magpatuloy sa pag-aaral uli Kuya?" ang tanong naman ni Patrick.
"Hindi na. Nakakahiya naman na pumasok pa ako sa pagiging high school sa edad kong ito" ang tugon naman ni Jun.
"Kuya, hindi mo na kailangan pang bumalik pa sa pagiging high school para makapasok sa isang unibersidad" ang paliwanag naman ni Patrick. Nabaling sa kanya ang atensyon naman ni Jun.
"Paano?" ang sabay na tanong ni Miranda at Jun.
"Sa Recto Kuya" ang tugon ni Patrick. "Pwede kang magpa-peke ng mga papeles dun"
"sira-ulo ka talagang bata ka" si Miranda. "Puro ka kalakohan"
"Seryoso kuya. Possible yun" ang komento naman ni Patrick. "Alternative Learning System ata ang tawag dun. Mag-aaral ka ng ilang buwan tapos mag-eexam ka... Pagnakapasa ka, pwede ka nang mag-aral sa kahit saang pamantasan."
"Eh baka hindi pa pwede sa ngayon" ang komento ni Miranda. "Sa kalagayan ngayon ni Jun-"
"Gusto ko" ang singit naman ni Jun na may determinasyon sa kanyang mga mata. "Ayokong tumunganga lang"
Napabuntong-hininga naman si Miranda bago tuluyang pumayag.
"Sige, Kuya. Kakausapin ko yung kilala ko para makapasok ka na agad" si Patrick.
"Salamat" si Jun.
Naiwan si Sam sa bahay nila Andrew nang magpaalam siya na kailangang pumunta sa isa malayong lugar dahil sa negosyo ng kanilang pamilya. Naka-upo si Sam at gumagawa ng sketch ng bumukas ang pinto ng kuwarto. Pumasok naman ang mama ni Andrew.
"Magandang araw po" ang bati n Sam.
"Sa lahat ng tao at babae sa mundo; hindi ko maintindihan kung bakit isang tulad mo pa ang ginusto ng nag-iisa kong anak." ang bungad ng mama ni Andrew. "Alam ko namang pera lang ang habol mo sa anak ko, di ba?"
Hindi alam ni Sam kung anong isasagot. Bigla na lang niyang naramdaman ang bigat ng kamay ng taong kaharap niya. Napaupo siya napahawak sa pisngi.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo?" ang tanong ng mama ni Andrew. "Nawalan kamo ng mas malaking opurtinadad para lumawak pa ang negosyo at ari-arian namin"
"Sige na. Alam niyo na ang gagawin" ang sabi niya sa mga katulong na nasa likod niya. Binuksan nila ang mga drawer at aparador at pinagkukuha ang mga gamit ni Sam. Habang ang mga guard ay pilit na kinuha si Sam. Inilagay siya sa isang madilim na kuwarto na puno ng mga kahon at alikabok. Kasunod nito ang mga gamit at damit ni Sam.
"Diyan ka na mananatili" ang paliwanag naman ng mama ni Andrew. "You belong there. Siya nga pala; wag na wag kang makakasabay sa pagkain namin... Makisabay ka sa ibang katulong"
Um-exit siya kasama ng mga guard at mga katulong maliban na lang sa isa.
"Okay ka lang ba?" ang tanong ng katulong sa kanila. Tumango naman si Sam sabay ayos ng mga nagkalat niyang damit. Nasa attic sila ng bahay.
"Kung ako sayo; bumalik ka na ng Pilipinas" ang payo sa kanya ng katulong pero hindi siya pinansin at patuloy lang sa pagpulat si Sam. "Mahal mo nga siguro si Sir Andrew kaya ka andito at hinarap mo ang nanay niyang may pagkakampon ng satanas"
"Wala akong magagawa" ang simpleng tugon ni Sam. "Kailangan ko lang magtiis"
"Sa bagay; nasa sayo naman yan" ang tugon ng katulong. "Pero nakakasiguro ka ba na mahal ka ni Sir Andrew?"
"Paano mo naman naitanong yan?" si Sam.
"Marami na rin siyang dinala rito; pinakilala" ang tugon ng katulong. "Dito rin ang bagsak nila. Aalis sila o minsan wala nang pakialam si Sir Andrew. Madali kasi siyang magsawa at ginagawa niya lang ang ganito para asarin ang kanyang mga magulang"
Hindi na importante para kay Sam ang ganitong mga detalye. Ginamit lang talaga siya ni Andrew... Pakiramdam niya ay nasira na ang kanyang buhay.
"Pwede bang iwan mo na muna ako" si Sam. "Gusto kong mapag-isa. Pwedeng padala na rin ng mga panglinis"
Umalis naman ang katulong. Tinignan ni Sam ang paligid; nagbukas siya ng bintana kaya unti-unting nawala ang init sa loob at napalitan ng maginhawang temperatura. Binuksan niya rin ang mga ilaw. Sa isang banda ay may kama siyang nakita na pinagpatungan ng ilan pang mga karton. Tinanggal niya ang mga karton. Inalis niya ang malaking telang naka-takip sa kama. Napaka-elegante ng kama para itago lang dun. Hindi niya maintindihan kunga anong tumatakbo sa isipan ng mga mayayaman. Nasa maayos na kundisyon naman ito at kailangan lang mapunasan. Magagamit pa rin naman ang kutson. Bumalik naman ang katulong bitbit ang mga panlinis na pinakuha ni Sam. Nagsimula naman siyang maglinis.
"Ako nga pala si Jenny" ang pagpapakilalang katulong ng kanyang sarili.
"Sam" ang simpleng tugon naman ni Sam. Napakunot naman ng noo si Jenny.
"Ganyan ka ba talaga?" ang tanong ni Jenny.
"Oo. Anong laman ng mga kahon?" ang tanong ni Sam.
"Mga lumang gamit" ang tugon naman ni Jenny.
"Magagalit kaya sila kung bubuksan ko?" ang tanong ni Sam.
"Sa tigin ko; hindi naman" ang tugon naman ni Jenny. "Hindi naman sila nagpupunta rito at wala naman silang pakialam sa mga gamit dito.
"Nakakapanghinayang yung ibang gamit." si Sam.
"Oo nga" ang pagsang-ayon ni Jenny. "Kailangan ko nang bumaba. Ikaw na ang bahala rito. Tatawagin na lang kita kung kakain na tayo."
"Sige. Salamat" si Sam. Buong magdamag niyang inayos at lininis ang attic ng bahay. Nang matapos ay napaupo siya sa kama. Napatingin siya sa labas ng bintana. Napakaganda ng hardin sa ibaba. Tatlong araw siyang naroon pero hindi naman siya nabagot kahit paano. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay kapag wala ang mga magulang ni Andrew. Nagkukulang lang naman siya roon kapag nasa bahay ang kahit isa sa mga magulang ni Andrew. Isang gabi, natutulog siya nang makarinig siya ng sigawan sa baba. Bigla namang bumukas ang pinto ng attic at biglang pumasok ang isang tao; si Andrew. Kaaagad lumapit si Andrew sa kanya. Yumakap si Andrew sa kanya nang napakahigpit.
"Sorry, Sam" si Andrew. "You don't even deserve this"
Akto namang pumasok sa attic ang mga magulang ni Andrew.
"Utang na loob, Andrew!" ang sabi ng nanay ni Andrew. "Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"
"Mahal ko siya, ma!" ang tugon naman ni Andrew. "Just let me become happy"
"Pera lang habol niyan sayo, Andrew. Mag-isip ka nga!" ang tugon muli ng kanyang ina. "Don't you dare disobey me"
"Sam, pack your things" si Andrew. "Aalis na tayo"
"Itigil mo na ito, Andrew" ang singit naman ng kanyang ama. "enough of these stupid games"
"I'm not even kidding" ang seryosong tugon ni Andrew.
"Ipagpapalit mo kami sa kanya?" ang galit na tanong ng mga magulang ni Andrew.
"All my life; you manipulated me" si Andrew. "He is my life now. I want to be with him even if it means na mawalan ako ng yaman. He's all I need"
"Andrew, wa---"
"Amanda, tama na" ang biglang singit ng ama ni Andrew. "Pabayaan mo na sila. Anak natin si Andrew. Hindi siya bagay na pwedeng ibenta sa iba. Enough is enough, Amanda. Look at your son. Binulag ka na ng pera at hindi mo man lang nasaksihan ang paglaki ng kaisa-isa mong anak. Now is the chance to be a mother to him."
"What's with you?"
"I had enough of these. Let them be" sabay hila sa kamay ng asawa niya palabas ng attic. Naiwan naman si Andrew at Sam sa loob.
"Sam, sorry" ang muling nasabi ni Andrew. "Hindi kita naprotektahan."
"Wala ka namang kasalanan" ang sabi naman ni Sam.
"Pero dahil sa akin..." si Andrew. "Nasasaktan ka ng ganyan. I never wanted anything in my life. And then you came, and I started to want everything"