Pagkatapos ng ilang oras na nakakabagot na byahe nila Andrew at Sam ay nakarating na sila sa isang bansang hindi pamilyar kay Sam. Naninibago siya sa paligid. Sa mga tao... Sa wika...
"We'll meet my family" ang sabi ni Andrew habang nakasakay sila sa isang kotseng sumundo sa kanila. Hindi naman umimik si Sam. "Hanggang kailan mo balak umarte ng ganyan, Sam. Naririndi na ako sa hindi mo pakikipag-usap sa akin."
"Sa tingin mo; ganun na lang ba kadali para sa akin ang lahat ng nangyayari, Andrew?" ang tanong naman pabalik ni Sam. "Nasa Pilipinas, ang buhay ko... Naroon ang pamilya ko"
"At nandun din si Jun" ang dugtong ni Andrew. Tumahimik muli si Sam. Napabuntong-hininga na lang si Andrew. Napapagod na siyang makipag-usap kay Sam na hindi naman siya pinapansin. Pagkalipas pa ng ilang minuto ay nakarating na sila. Pumasok sila ng bahay. Sinalubong naman sila ng mga magulang ni Andrew.
"I'm home" ang anunsyo ni Andrew nang makapasok sila. Natigilan naman ang mga nasa loob. Lahat sila ay nasa dining room at halatang nanananghalian. Napatayo ang may edad na babae ngunit sa unang tingin ay aakalain mong bata pa.
"Oh, my God! What a pleasant surprise!" ang reaksyon niya sabay salubong kay Andrew. "You're back"
"Only because I'm forced to" ang tugon naman ni Andrew.
"It doesn't matter" ang komento naman ng tatay ni Andrew. "Ang mahalaga; narito ka na and then, we can set a meeting with the Aquinos"
"Are you really going to pursue this?" ang tanong ni Andrew. "Well, I have bad news for you. I'll marry someone else"
Nag-iba naman ang reaksyon ng mga mukha ng magulang ni Andrew.
"In fact, dinala ko na nga rin siya rito sa America" ang pagpapatuloy ni Andrew. "Everyone, this is Sam... My fiance"
"What kind of sick joke is this?" ang galit na tanong ng daddy ni Andrew.
"I'm not even joking, Dad" ang tugon naman ni Andrew sabay hila kay Sam at halik sa labi. Walang magawa si Sam kundi ang sumunod kay Andrew. Wala siyang ibang maramdaman kundi takot at takot lamang.
"Satisfied?" ang tanong naman ni Andrew. "Now, if you would just excuse us. We're tired"
Hinila naman ni Andrew si Sam paakyat ng second floor; patungo ng isa sa mga kwarto dun.
"I know you're tired too" si Andrew. "So, let's rest"
Tumango naman si Sam at nagtanggal ng sapatos.
"Pwede bang maligo muna ako?" ang tanong naman ni Sam.
"Feel at home" si Andrew. "You're my fiance after all"
Hindi na umimik si Sam at dumeretso na lang sa banyo. Pagkasara niya ng pintuan ay napaupo siya at ngsimulang umiyak. Hindi niya na kaya pa ang pangungulilang nararamdaman niya para sa kanyang mga magulang; lalo na sa lalakeng mahal na mahal niya. Nais niya nang makauwi na ng Pilipinas.
Pagkatapos niya ngang maligo ay lumabas siya ng banyo. Nadatnan niyang natutulog na si Andrew sa kama. Kinuha niya naman ang isang unan at nahiga sa sahig na may alpombra. Kumportable pa rin kahit hindi kama ngunit sa pagsara ng kanyang mga mata; hiling niya ay sa pagmulat niya ng mga mata ay si Jun ang makikita niya. Hindi naman imposible yun, di ba?
Nagising si Sam na may mabigat na nakapatong sa kanya at may mainit siyang nararamdaman sa bandang leeg niya. Kaagad niyang napagtanto na si Andrew yun. Tinulak niya si Andrew palayo.
"What?" ang galit na reaksyon ni Andrew.
"Parang-awa mo na, Andrew" si Sam. "Wag mong gawin to"
"And why not?" ang tanong naman ni Andrew. "Dahil ang gusto mo; yung Jun na namang yun?"
Hindi naman umimik si Sam. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Andrew. Alam niyang kahit anong rason ang sabihin niya ay hindi siya papakinggan ni Andrew.
"Hindi pa ako handa" ang sabi naman ni Sam. Tumawa naman si Andrew.
"Are you pulling my leg?" ang tanong ni Andrew. "Ginagago mo ba ako? Sa tingin mo; maniniwala ako sayo. Stop playing like you're a virgin"
Pumatong muli si Andrew sa kanya. Pilit namang nanlaban si Sam; "Andrew; ayoko!"
"Bakit? I promise I'm better" si Andrew. "I can satisfy you more"
"Andrew, nagmamakaawa ako sayo" si Sam pero parang bingi lang si Andrew at hindi siya napapakinggan. Pilit niyang hinubad ang mga damit ni Sam pagkatapos ay naghubad siya. Napasigaw si Sam nang sumalakay si Andrew pero kaagad namang tinakpan ang kanyang bunganga ng kamay ng taong gumagahasa sa kanya.
Pagkatapos...
"Shit... Shit..." ang reaksyon ni Andrew nang makitang may bahid ng dugo ang pagkalalake niya. Bukod pa dun ay dinudugo si Sam. "Wag mong sabihing..."
"OO! Hindi pa namin ginagawa!" si Sam habang humahagulgol pa rin sa sahig. Nakakaawa ang itsura niya. "Baboy ka, Andrew!"
"Hi-hindi ko alam" si Andrew.
"Dahil ayaw mong maniwala" si Sam.
"Sorry" si Andrew sabay lapit kay Sam.
"Lumayo ka sa akin!! Halimaw ka!!!!" ang bayolenteng reaksyon ni Sam sabay hawi sa mga kamay ni Andrew. Hindi pa rin humihinto si Sam sa paghagulgol. Ang baba-baba na ng tingin niya sa kanyang sarili. Tumayo naman si Andrew at dumeretso ng banyo. In-on niya ang shower at nagbabad dun. Hindi niya matanggap ang nagawa niya kay Sam.Binulag siya ng galit at selos sa taong malayo na sa kanya... Ngunit hindi niya pa rin maiwasan... Naging isa siyang halimaw dala na rin pag-ibig na nararamdaman niya. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya nadatnan niya si Sam na nakahiga pa rin sa sahig. Marahil ay nakatulog sa pagod at sa sakit na nararamdaman niya. Kinuha naman ni Andrew ang kumot sa kama at tinakpan ang hubo't-hubad pa ring katawan ni Sam. Naupo naman si Andrew sa tabi ni Sam.
"I don't know how to make you love me" si Andrew. "I'm so sorry if I wala na akong magawang tama. I just realized now; you can never fall in love with me. Ang laki ng lamang niya sa akin eh"
May mga luhang namuo sa mga mata niya. Pagkatapos ng isang sandali, natagpuan niya na lang ang kanyang sarili na lumuluha.
"It sucks. Wala pala akong ginagawa para mahalin mo ako. Mula nung kinuha kita sa kanya; sinaktan agad kita at patuloy pa rin kitang sinasaktan."