Chapter 12: Misteryo

3134 Words

Chapter 12: Misteryo SINUNDO AKO NI pinsan Mengil sa pier. Nakangiti siya nang salubungin ako, ngunit nasa mga mata niya ang 'di matagong lungkot. Labis rin siyang naapektuhan sa pagkawala ni Tres. Lagi niya akong tinatawagan upang balitaan sa kanyang paghahanap. Minsan ayaw ko nang sagutin ang tawag niya dahil gusto ko ngang makawala na sa pag-aalala sa pagkawala ni Tres, ngunit kapag ilang araw akong walang balita mula sa kanya sa tawag o text, ako na mismo ang kumukontak kay pinsan. Hindi ako direktang magtatanong, pero kay Tres pa rin mauuwi ang aming usapan. At siya, magtatanong din sa 'kin, kung 'di ko ba nakita o sinubukan man lang hanapin si Tres sa Maynila. Natitigilan ako kapag iyon na ang tanong ni pinsan, dahil makailang ulit din akong umasa na mahanap ko si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD