Papasok na ako sa office nang makita ko si Grace mula sa malayo. Kaya naisipan kong dumaan sa harap ng table nito. "Kumusta ka na Grace?" tanong ko sa kaniya. Sumama kasi ang pakiramdam nito kahapon kaya maagang umuwi ito. “Mabuti na pakiramdam ko, Annalyn. Salamat nga pala sa pag-promote mo sa akin bilang iyong sekretarya. Malaking tulong talaga ito lalo na sa panganganak ko,” madamdaming wika nito. Kinuha ko siyang sekretarya dahil nagbukas na ang bagong branch ng business ni Mr. Ong, kung saan naka-tie up ang business ni Benjamin. Lumipat kaming dalawa ni Grace ng office sa mismong branch sa kagustuhan na rin ni Benjamin at para makaiwas na rin kay Rey. Kinausap ni Benjamin si Mr. Ong at napapayag naman niya ang huli. “Kuh, wala ‘yon. Mabuti nga at ikaw ang kinuha ko, bukod sa

