Kinabukasan ay nag-aya nga si Benjamin na pumunta ng mall. Matapos kong paliguan at bihisan si Jerson ay ako naman ang gumayak. White fitted blouse at skinny jeans na tinernuhan ng dollshoes ang napili kong suotin. Naglagay lang ako ng konting pulbos sa mukha at pinahiran ng konting lipstick ang aking mga labi. Pagkatapos kong gumayak ay bumaba na kami ni Jerson sa sala upang doon hintayin si Benjamin. Napanganga ako habang tinitingnan si Benjamin na bumababa ng hagdan. Nakasuot ito ng white casual shirt na hakab na hakab sa kaniyang katawan kung kaya naman mababanaag mo ang magandang mga muscle na nakatago roon. Makailang ulit pa akong lumunok ng laway nang bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang ibabang harapan na umuumbok kahit pa nga nakasuot ito ng maong pants. “Oh my gosh Anna

