Napangiti ako nang makita ang pumpon ng mga bulaklak sa aking table. Dali-dali kong nilapitan iyon at binasa ang nakaipit na card dito. To the most beautiful girl I’ve ever met! “Napaka-sweet niya talaga!” nangingiting sambit ko. Kinuha ko ang cellphone sa bag at dinayal ang numero ni Benjamin nang biglang pumasok si Rey sa pintuan kaya dali ko ring pinindot ang end button. “May kailangan ka ba, Mr. Alejandro?” malamig kong tanong sa kaniya. “Nanliligaw ba siya sa’yo?” balik tanong niya sa’kin. “Pardon?!” maang kong tanong sa kaniya kahit may ideya nang umuukilkil sa aking isipan. “May relasyon ba kayo ni Mr. Resurrection?” diretsong tanong niya sa'kin. “Hindi ko kailangang magpaliwanag sa’yo.” At bumuntong hininga ako. “Sagutin mong tanong ko, Annalyn!” pagalit niyang sabi. “B

