Chapter 20

2008 Words

Magmula nang makalabas ako ng hospital ay roon na muna ako pinapasok ni Benjamin sa kaniyang kumpanya. Kinausap nito si Mr. Ong at pumayag naman ang isa. Matiyaga rin si Benjamin na bantayan ako sa hospital kahit pa nga ipinagtabuyan ko na sila ni Rey. Si Julie ang naging entertainer naming dalawa no’ng mga oras na ‘yon dahil hindi ko talaga kinausap ang binata. Magkagayon man ay nanatili lamang ito sa aking tabi. Sinusubuan niya ako ng lugaw kahit ‘di ko siya iniimik. Hinahaplos niya ang aking buhok sa tuwing inaakala niyang tulog na ako. Nang sabihin ng doctor na maaari na akong lumabas ay agad niyang pinaayos at pinabayaran kay Julie ang hospital bill. Hinatid nila akong dalawa ni Julie sa condo unit at hindi na rin sila nagtagal pa dahil nga ‘di ko rin naman siya kinikibo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD