Annalyn Cruz (POV) Ito ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na masisimulan ko nang maghiganti kay Rey at sa lahat ng mga taong kasama nitong nanakit sa'kin. Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sariling replika sa salamin. Malayong-malayo na ang itsura ko noon kaysa sa ngayon. “Are you ready?” tanong ni Benjamin at lumapit ito sa akin. “Ang ganda mo talaga, Annalyn!” natitilihang saad ni Julie. "Nambola ka na naman," naiiling na turan ko rito at binigyan ko sila ng matamis na ngiti. "Uy, 'di ako bolera noh! Tingnan mo nga 'yang si Benj, kulang na lang lumuwa na ang mga mata niya sa katititig sa'yo," nakairap na tugon ni Julie. Namula ang aking pisngi kaya iniyuko ko ang ulo para 'di nila makita. "Ako na naman ang nakita mo," naiiling namang sagot ni Benjamin. Inaya n

