Natatawang pinagmasdan ko ang dalawa buhat dito sa sulok. Nagtatalo ang mga 'to at kitang-kita ang pagpipigil ni Rey na mapalakas ang kaniyang boses. “Akala ko ba kakausapin mo lang siya?” galit na wika ng w*l*ngh*y*ng si Angel. “Nag-usap nga lang kami, Babe,” sagot naman ni Rey rito. "BABE pa pala endearment niyo ha!" ani ko sa isipan. “May nag-usap bang namumula ang nguso mo sa lipstick at pati polo mo may bakas din ng labi,” bulyaw ni Angel kay Rey. “Stop this nonsense issue!” mahina ngunit mariing saad ni Rey na tila nauubusan na ng pasensiya. “Nonsense issue?! Nakita mo lang lumabas ang dibdib ni Annalyn sa suot niyang damit tumulo na ulit ang laway mo sa kaniya. So ano, makikipagbalikan ka na ba ulit sa walang kwenta mong asawa?!” litanya ng w*langh*yang si Angel. Nag-init

