Warning!!! Some scenes are not suitable for readers below 18 years old. Thank you! Enjoy reading! +++++++++++++++++++++++++++++ Binitiwan ko ang buhok ng w*langhiyang si Angel. Binitiwan ko iyon dahil hinawakan na ni Benjamin ang aking balikat. Nahimasmasan ang aking pakiramdam nang matitigan ang kaniyang mga mata na sinserong nagsasabing ihinto ko na ang ginagawang pananakit kay Angel. “Umuwi na tayo!” mahinahon nitong sabi at tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. Hinawakan niya ang aking kanang kamay at sinenyasan si Julie na sumunod sa amin. Bago pa man kami makalabas ng pintuan ay narinig ko pa ang mga sinabi ni Angel. “Malandi ka rin pala eh!” At humalakhak pa ito bago muling nagsalita, “Akala ko ba ipinaglalaban mo si Rey, eh bakit may ibang lalaki ka ngayong sasam

