Idinilat ko ang mga mata nang maramdaman ang paghaplos sa aking pisngi. Sinalubong ako nang nakangiting anyo ni Rey. “Annalyn…” usal nito. Napabalikwas ako ng bangon nang maalalang nasa bahay nga pala ako ni Rey. “Magaling ka na ba?!” nag-aalalang tanong ko sa kaniya at sinalat ang kaniyang leeg. Ngumiti siya sa’kin, “Oo, magaling na ako. Salamat!” Nakahinga naman ako nang maluwang sa kaniyang sinabi. “Mabuti naman kung gano’n!” Tiningnan ko ang orasan at nanlaki ang mga mata ko nang makitang ala-una na at pagsilip ko sa may bintana ay madilim na rin ang kapaligiran. “Patay!” nakasimangot kong sambit. “Bakit?” takang tanong naman niya. “Ala-una na pala ng madaling araw?! Pa’no pa ako makakauwi nito kay Jerson? Mahirap pa namang sumakay ng taxi rito,” nakalabi kong sagot sa kaniy

