Naamoy ko ang masarap na amoy ng ulam na niluluto mula sa kusina. Bumangon ako at nilinga sa aking tabi si Jerson na kasalukuyan pa ring natutulog. Isang linggo na akong narito sa bahay at tuwang-tuwa ang anak ko nang mapansin siguro niya na halos hindi na ako umaalis ng bahay. Pinagbakasyon din ako ni Benjamin at hinatid pa nga niya ako rito sa bahay para masigurong magbabakasyon talaga ako. Ang akala kong ang mga laruan na pinamili niya ay para sa mga bata sa foundation, iyon pala ay para kay Jerson lahat. Kaya naman tuwang-tuwa ang anak ko dahil marami siyang bagong laruan na nalalaro at halos hindi na nga niya pansin ang binili kong laruan. Hinalikan ko sa pisngi ang natutulog na anak at umahon mula sa kama. Inayos ko ang sarili at nagmumog muna sa banyo bago tuluyang lu

