Santos (POV) Dumaan ako ng simbahan upang magdasal at magpasalamat sa biyayang natanggap ko mula sa Panginoon. Umupo ako sa may bandang harapan ng altar sa may dulong bahagi ng upuan. Katatapos ko lang din gawin ang pinagagawang trabaho sa’kin ni Boss at may natira pa naman sa budget na binigay niya kaya naisipan kong i-donate na lang ang iba rito sa simbahan. Itinuring ko ng kapatid si Boss dahil siya na ang nagpaaral sa akin mula pa noon. Nagsisimula pa lang siya noon sa mundo ng pagnenegosyo pero nagawan niya ng paraan na isali ang budget sa pag-aaral ko kaya naman higit pa sa kapatid kung ituring ko na rin ito. Kahit ilang tao pa ang inalok sa’kin noon na maging amo ko ay mas pinili ko pa ring manatili kay Boss. Bukod kasi sa mabait siya, eh galante pang Boss! Tunog ng

