Natigagal ako sa narinig na sinabi ni Rey sa kaniyang pamilya. Hindi ako makapaniwalang sa pangalawang pagkakataon ay muli na naman akong nagoyo nito. “Nandito ka lang pala Annalyn!” Untag sa’kin ni Arlyn at tinapik pa ako sa balikat. Nilingon ko siya at yumakap sa kaniya nang mahigpit. “Gusto mo bang pag-usapan natin ‘yan?” tanong niya sa'kin. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon at inakaya na niya ako palabas ng bahay. Napunta kami sa may bakuran. Umupo kami sa may bandang sulok kung saan malayo sa maraming tao at madali ring makikita kung may paparating naman na ibang tao. “Arlyn…” tawag ko sa kaniya. “Alam kong may problema ka kaya kita dinala rito.” Mataman itong tumingin sa'kin at naghintay ng aking sasabihin. Tumingin din ako sa kaniya at nagsalubong ang aming mga pani

