Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Mahapdi at namumugto ang mga iyon. Magdamag kasi akong nag-iiyak dahil sa mga nangyaring komosyon sa’min nila Papa. Pilit naman akong pinatahan ni Rey ngunit patuloy lamang akong umiyak nang umiyak hanggang sa makatulugan ko nga iyon. Matapos ang mga pangyayaring ‘yon sa amin nila Papa ay inuwi nga ako ni Rey rito sa bahay niya. Pinilit kong tawagan ang mga numero nina Mama at Papa pero ‘di talaga nila iyon sinagot. Parang may isang bahagi ng pagkato ko ang tuluyang nawala sa akin. Malungkot ang pakiramdam ko dahil sa mga nangyari. Inilinga ko ang aking mga mata sa paligid at hinanap ang presensiya roon ni Rey, ngunit wala ito. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa banyo upang ayusin ang sarili. Naalala kong wala nga pala akong dalan

