PAIN - 1

1016 Words
Nakatulala lang ako dito sa kwarto namin habang excited na nageempake si rocco ng mga damit niya. Isang buwan siyang mawawala yan ang sinabi niya sa akin. Dahil marami siyang conference na pupuntahan, excited daw siyang ma-close ang deal ng malaking investor ng kompanya. Pero heto akong tanga na naniniwala sa kanya, dahil alam kong hindi yun ang dahilan niya, dahil nakausap ko na ang secretary ni rocco na tapos na ang deal nila ng investor niya. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin, Mahal ko si rocco ayokong maitapon lang ang dalawang taong pinagsamahan namin, dahil alam kong hindi ito magugustuhan ng mga magulang ko. Mapait akong napangiti, hindi ko alam kung anong mangyayari kapag natapos ang araw na to. "Mommy? Are you okay?" Napitlag ako at dali dali kong pinunasan ang mga luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. "O-Oo. Mamimiss lang siguro kita" Napabuntong hininga naman siya at niyakap niya ako. "Isang buwan lang ako mawawala, please? Wag kang umiyak dahil nasasaktan ako.." bulong niya sakin at hinalikan niya ako sa noo. Ako ba rocco? Hindi mo ba ako tatanungin? Kung nasasaktan na ba ako? Kasi ang sakit na rocco, sobrang sakit na Ngayong matagal na palang nakabalik ang taong mahal mo, kailangan mo pa ba ako? Mananatili ka pa rin ba sa tabi ko? Mananatili ka pa rin bang akin? Ako pa ba ang asawa mo? "Please hmm? Hindi ako makakaalis nito kung ganyang iiyak ka babalik naman ako mommy" Hinagod niya ang likod ko na tila pinapakalma ako, kanina pa pala ako hindi makahinga sa kakaiyak. No please.. Alam ko kung gaano ka kasaya na aalis ka, kung yun ang nais mo. Hindi ako hahadlang basta alam kong masaya ka. Wag kang mangangako na babalik ka Dahil alam ko sa pagbalik mo kasama mo na ang babaeng mahal mo Mariin kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ako ng malalim, nakangiti kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha na kahit sinong babae ay mai-in love sa isang kagaya niya. Hinaplos ko ang mukha niya, dahil mamimiss ko ang mukha niya, ang mga ngiti niya, ang mga yakap niya, at ang mga halik niya. Sumiksik ako sa dibdib niya at mariin akong pumikit. "Basta babalik ka ha? mahal na mahal kita daddy.." kahit ang sakit sakit na. Natawa naman siya sakin at kinurot ang pisngi ko. "Of course. Mamimiss ko yata ang asawa ko" 'Asawa' Ang sarap pakinggan ang salitang yan pero kaakibat noon ay ang sakit na dinudulot nito sa buong pagkatao ko. Asawa mo ako roccopero sa papel lang. Isang papel lang ang naguugnay sa ating dalawa. Napilitan ka lang naman na pakasalan ako nung una hindi ba? Dahil alam mong matalik tayong magkaibigan noon. Naaalala mo ba ang unang deal natin na. 'Don't fall in love' Ang hindi mo alam, matagal nakong may gusto sayo, matagal na kitang minamahal pero hindi ko yun sinabi dahil ayokong masira kayo ni elaine , at ayokong masira ang pagkakaibigan natin pero anong nangyari? Sa bawat araw, buwan, at taon na magkasama tayo, mas lalo akong nahuhulog sayo, mas lalo lang kitang minamahal. Kaya nagulat ako na umamin ka sakin na mahal mo na ako, dahil ako ang nasa tabi mo nung mga panahon na na akala mo nagiisa ka, na akala mo pinagkaitan ka ng panahon. Hindi mo alam na nanatili pa rin ako sa tabi mo kahit sobra sobra na akong nasasaktan. At mas lalo mong ipinaramdam sa akin na mahal mo ako, kaya kahit sarili ko naibigay ko sayo. Akala ko magiging masaya na ako habang buhay dahil kasama na kita, akala ko rin na okay na pero panandalian lang pala ang lahat. Panandaliang saya. At ito na yung araw ng katapusan ng kaligayahan ko. Dahil nagbalik na siya Nagbalik na ang taong mahal mo. "Magiingat ka dito okay? Tatawag ako sayo and please wag mong papabayaan ang sarili mo lalo na't wala ako ngayon, I love you mommy" matamis na sambit niya sakin at hinalikan niya ako sa labi at sa noo. "Babalik ako okay?" Pilit na tumango lang ako sa kanya at mapait na ngumiti. "Hihintayin kita Mahal na Mahal kita rocco tatandaan mo yan. Thank you for everything. Thank you na minahal mo ako.." Natigilan ako sa pagsasalita ng makitang kumunot ang noo niya at tila hindi naiintindihan ang mga sinasabi ko. "Sierra.." Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Ano kaba sinasabi ko lang kung gaano ako ka thankful na ikaw ang asawa ko.." natatawang saad ko sa kanya at nagliwanag naman ang mukha niya at mukang nakahinga siya ng maluwag. "Sige na mahuhuli ka pa sa flight mo.." Nginitian ko siya at hinalikan sa labi, bago pako maiyak umayos nako ng tayo at pinilig ang ulo ko para kumalma ako. "Mauuna nako mommy. Take care and i love you.." Huling sambit niya bago siya tumakbo palayo sakin. Habang nakatanaw lang ako habang palayo siya unti unti namang nadudurog ang puso ko. Unti unti ng nilalamon ng dilim ang nagsisilbing liwanag ko. Napatakip ako sa bibig habang humahagulgol ng iyak habang nakatanaw ako sa kanya. Im sorry. Im sorry rocco promise hindi ko ginusto ang desisyon ko para ito sa ikakatahimik nating lahat. Napaluhod na ako habang humahagulgol pa rin ako sa iyak nang hindi ko na siya muli natanaw pa. Inalalayan naman ako ng driver namin patayo at napahawak ako sa tiyan ko kaya mas lalo akong naiyak. "Happy anniversary daddy. Congrats na rin para sa atin dahil magiging isa ka nang ama.." Mapait na bulong ko habang nakahawak sa tiyan ko. 'Baby, nakalayo na ang daddy mo ang sakit pala para akong kinukuryente sa sakit. Wag kang magalala baby. Nandito pa ang mommy. Mabubuhay tayo ng magkasama, hindi ka iiwan ni mommy.' Pinunasan ko ang mga luha ko at sumakay na ako sa sasakyan atsaka ako may tinawagan. "Yes Mrs.Delafuerte?" "Magkita tayo sa ibibigay kong location sayo.." At pinatay ko na yung tawag. Napasandal na lang ako at napatingin na lang ako sa bintana habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Ayokong gawin pero kailangan. Sana maging tama ang desisyon ko. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD