bc

Pain Series 1: Her Pain

book_age18+
13.2K
FOLLOW
36.8K
READ
family
independent
drama
mystery
realistic earth
lies
secrets
slice of life
intersex
wife
like
intro-logo
Blurb

Si Sierra Villaluna ang taong kayang tanggapin ang lahat ng sakit maging masaya lang ang taong mahal niya. Hindi siya naghahangad ng kahit na ano, sa kabila ng lahat hindi siya sumusuko kahit na anong pagsubok ang maranasan niya.

Mananatili siyang matapang at matatag para sa ikakaginhawa ng lahat.

chap-preview
Free preview
SIMULA
"Good morning Mommy!" Nakangiting bati sakin ng asawa ko. Mapait lang akong ngumiti sa kanya. Alam ko ang dahilan kung bakit siya masaya, ito yung araw na may business siya sa ibang bansa. Kung nasaan ang totoong mahal niya Alam ko namang hindi talaga business ang pupuntahan niya, kung hindi ang babaeng naghihintay ngayon sa kanya. Sa dalawang taon na pagsasama namin ng asawa ko, hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ako minahal, ramdam ko ang pagmamahal niya ngunit alam kong may kulang dahil hindi naman ako yung babaeng kailangan niya. Apat na taon niyang hinanap ito Apat na taon niyang hinintay ito Apat na taon na rin siyang umaasa na magkikita pa sila. Kaya apat na taon na rin akong umaasa na makakalimutan niya ang babaeng kahati ko sa puso niya pero palagi akong talo sa babaeng yon. Kahit na kasal na kami, kahit na nasa akin na siya, talo parin ako dahil alam kong hindi ako yung tipo ng babae ang gusto niyang makasama habang buhay. Mapakla akong napangiti kung paano ko nalaman na matagal na pala silang may connection sa isa't-isa. - "Mommy, pakikuha naman yung mga documents sa laptop ko here.." Nakangiti niyang binigay ang Usb sakin. Ngumiti naman ako at dali dali akong umakyat patungo sa kwarto namin at nakita ko yung laptop ng asawa ko na nasa lamesa niya at tila nakalimutan niyang i-off ito. Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi talaga siya marunong magligpit tsk. Napabuntong hininga na lang ako. Habang palapit ako sa lamesa niya , kinakabahan ako sa hindi malaman na dahilan kung saan parang gusto ko na lang umatras. Napahinga ako ng malalim. Calm down sierra! Wala ka dapat ikakaba. Pinilig ko na lang yung ulo baka kung ano ano lang iniisip ko. Dumiretso na ako sa lamesa ng asawa ko at hinarap ang laptop niya pero bago yun may isang mensahe mula sa italya ang bumungad sakin. Hindi lang basta bastang tao ang nagpadala sa kanya ng mensahe. Dahil ang taong tinutukoy ko at yung ikinakaba ko mangyayari na. From: Elaine Delagarcia Napatigil ako sandali at nanginginig kong pinindot ang nilalaman ng mensahe. Napakagat ako sa labi at napahinga ng malalim bago ko tuluyang buksan ang email. Its been a long time na makita ko muli ang pangalan ng babaeng nag-iwan sa asawa ko Ang babae nanakit kay rocco. Kumuyom ang kamao ko at napabuntong hininga na lang bago ko basahin ang email niya. Napatulala na lang ako habang binabasa at iniintinding mabuti ang laman ng email habang tumutulo rin ang mga luha ko. - Hi babe! Yes sobrang kulit na ni Rucco, kailan mo ako pupuntahan rito? I miss you so much and i love you. I know na mali tong ginagawa natin pero mahal kita, mahal ka rin ng anak natin. See you babe! - Nanghihina akong napaupo sa kama namin at napasapo na lang ako sa noo ko ng makaramdam ako ng hilo dahil sa mga nabasa ko. Kailan pa Rocco? Kailan mo pa ako niloloko? Kailan pa kayo may connection ng babaeng yon? Napatakip na ako ng tuluyan sa mukha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan unti unti muna akong minamahal? Bakit ngayon pa kung kailan- Napahinto ako at naalala ang huling salita ang nagpagunaw ng mundo ko. Ang salitang.. "..Mahal ka rin ng anak natin.." M-May a-anak na sila? Kailan pa ito? Kailan pa niya nahanap ang babaeng yon? Hindi ko na alam ang gagawin ko, mahal ko si rocco pero sapat na ba yon para manatili siya sa akin? Kung ganong nahanap na niya ang babaeng pinakamamahal niya? Kaya ko bang iwan ang lalaking nagbigay kulay sa buhay ko? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. - Ilang araw lang din nakalipas ng malaman ko yun, halos hindi ako makatulog, hindi ko alam kung magiging tama pa ba ang magiging desisyon ko. Nakita ko kung paano naging miserable ang buhay niya, ako ang saksi sa lahat ng hinagpis niya. Ako ang sumalo ng lahat nang kalungkutan niya. Kaya kahit alam kong hindi matibay ang nararamdam niya para sakin, pinagsisiksikan ko parin ang sarili ko para sa kanya, hindi ko siya iniwan sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ako nawala sa tabi niya kahit alam kong hindi ako yung taong kailangan niya. Tinignan ko si rocco na nagluluto ng almusal namin, malaking ngiti ang nakapaskil sa mukha niya. At alam ko hindi ako ang dahilan. Gagawin ko lahat para makita ko muli ang mga ngiti mo Gagawin ko lahat para makita ko muli ang mga tawa mo At Gagawin ko lahat para makita ko muli ang saya sa iyong mga mata at labi. R-Rocco.. Tatandaan mo mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Kaya sana maging tama ang desisyon na gagawin ko. Mahal na Mahal kita, kahit ang sakit sakit na. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook