Tulala ako habang nakaupo habanh nasa opisina ako. Pinagalitan kasi ako ni Boss dahil sa isang linggo 'kong pag absent at tingin ko ay deserve ko naman 'yun.
Nasa isipan ko na rin ang sinabi sa akin ni Sarah kanina kung gaano raw kaganda 'yong asawa ni Zachary. Hindi ko maiwasan ang mainggit.
Napayuko na lamang ako at pinahiran ang luhang tutulo na sana. Marami akong iniisip. Hindi deserve ng asawa ni Zach ang lokohin ng ganito. Kahit pinagkasundo lang sila, hindi. Hindi 'yun rason para manloko at sa akin pa.
Puwede naman nila ayusin ang relasyon nila at tingin ko ay narealize na 'yun ni Zach kasi dinala raw 'yung asawa niya sa kompanya.
Napabuntong hininga na lamang ako at tinapos ang pinapagawa sa akin ni boss.
Natigil lamang ako sa pag-eencode nang may kumatok sa may pintuan ng maliit na opisina ko. Inayos ko naman ang pag-upo ko tsaka tumikhim.
"Come in," tipid kong sabi at nagpatuloy na sa pag-encode.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Ms. Caballero."
Napaangat naman ako ng tingin at nang makita ko kung sino iyon ay napatayo agad ako.
"M-Ma'am," gulat kong sambit.
Si Ma'am Tea ay asawa ng boss ko at bihira lamang siyang bumisita sa opisina ko.
"Gusto niyo po ng coffee, teka ipagtitimpla ko kayo," natataranta kong sabi at akmang pupunta sa may coffee maker ko ngunit pinigilan niya ako.
"Ms. Caballero, I am not here for that."
Natigilan naman ako. Umupo naman si Ma'am sa may upuan katapat ko lamang.
Umupo na rin ako at napakagat sa aking labi. Inilagay ni Ma'am Tea na nakatiklop na kamay sa lamesa at tiningnan ako.
"I am here because I need you," seryosong sambit ni Ma'am.
Umawang naman ang labi ko. "Po? Ako po?" tanong ko at tinuro ang sarili.
Napabuntong hininga na lamang ito. "May party kasi na paparating and our family are invited. But then, me and my husband can't attend dahil anniversarry namin ang araw na 'yun."
Napalunok naman ako at kinabahan sa sasabihin niya pa.
"So, puwede ba ikaw ang magiging escort ng anak ko?" she asked. "Kilala mo naman si Ethan, Right?"
Gusto kong tanggihan ang ganito dahil panigurado ay makikita ko na naman si Zachary.
"Ma'am-"
"It's a mascaraed ball." Putol niya sa akin.
Napalunok na lamang ako. Pero nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin kaya tinanggap ko ang pakikiusap ni ma'am.
Wala naman akong dapat alahanin dahil sila na raw ang bahala sa lahat. Hindi ko naman masyadong kilala 'yong anak ni ma'am dahil hindi naman 'yun namamalagi rito.
**
"Ano na?" tanong ni Sarah.
Kumakain kami ng pananghalian sa canteen ng kompanya at tinatanong niya ako ng gano'n, e hindi ko alam tinutukoy niya.
"Ano ba ang ibig mong sabihin?" tanong ko habang namimili ng ulam.
" 'Yung mascarade ball.."
Natigilan naman ako at napabuntong hininga.
"Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ko at nagpatuloy sa pagkuha.
"Well, kanino pa ba? Kay Janna ko lang naman narinig. Sipsip ka raw kaya ka napili, mga inggitera.." bulong ni Sarah.
Napailing na lamang ako at nagbayad na sa cashier.
"Opinyon nila 'yan, wala tayong magawa," simpleng sabi ko.
Kahit ano pa ang gagawin na 'tin sa buhay, may haters talaga tayo.
Naging mabilis lang ang lunch ko dahil pinatawag na naman ako ni Boss. Kinabahan ako dahil baka pagagalitan na naman niya ako.
"Ano po 'yun, Sir?" tanong ko at tuluyan nang pumasok.
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala si Sir at nang nilingon ko ito ay napagtanto ko na ito si Ethan.
Sa tindig pa lamang, hindi siya basta basta pero kung ikokompara ko siya kay Zachary ay mukhang mas approachable ito.
"Good Afternoon po!" bati ko rito.
Ngumiti naman si Sir Ethan sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ms. Caballero, meet my son, Mike Ethan. Siya ang magrerepresent sa pamilya at kompanya namin kaya please guide him."
Tumango naman ako sa sinabi ni Sir. Si Sir Ethan naman ay nasa akin pa rin ang tingin kaya medyo nailang ako.
"Ihahatid lang 'yung susuotin mo para sa party,"sambit ni Boss at tiningnan ako. "Saan ka na pala nakatira?"
"Sa Center na po," sambit ko.
"Alright. Ihahatid lang ng tauhan ko sa inyo. Alam mo na siguro ang gagawin mo dahil sumasama ka naman sa amin kapag may party."
Tumango ulit ako.
**
Pag-uwi ko sa amin ay nagulat ako na may mga box na sa labas ng pintuan. Tinanong ko naman ang kapitbahay kung kanino ito galing.
"Hindi ko alam, Miss! Ngayon ko lang napansin na may box na sa pintuan mo," sagot ni Herly, ang kapit bahay ko.
Tumango na lamang ako at binuksan ang pinto. Binuhat ko ang box at inilapag sa kama ko. Tinitigan ko pa ito ng maigi bago kumuha ng cutter para mabuksan.
Nang mabuksan ko ay umawang ang labi ko sa nakita. Mga beauty products, may mamahaling perfume at iba pang gamit. Ang higit na nakapansin sa akin ay ang isang sobre na nakadikit malapit sa may perfume. Kinuha ko ito at binuksan.
Meet me at the park -Zach.
Kumalabog ang puso ko nang mabasa ko ang kaniyang pangalan. Tiningnan ko ang mga binili niya at sigurado ako na sa kaniya ito galing.
Ano 'to? Suhol? Dahil hindi ko sinumbong sa asawa niya?
Inis kong ibinalik ang mga products na binili niya at nagbihis. Isasauli ko ito sa kaniya. Kailangan wala na akong utang na loob sa kaniya.
Sakay ng tricycle ay nakarating ako sa Moalboal park. Agad ko siyang nakita dahil nakasandal ito sa mamahaling kotse at wala namang iba ang may pinakamagandang sasakyan kun'di ay sa kaniya lang.
Nakita ko na umayos siya ng tayo nang makita ako. Nasa madilim at walang katao taong parte kami ng park. Ang kaniyang mata ay napatingin sa dala ko na box na dala niya. Inis ko 'yung binagsak sa harap niya.
"Zach, I want a peaceful life. Sana huwag mo na akong dalhan ng ganito,"sambit ko at tumalikod.
Ngunit, napasinghap ako sa gulat nang niyakap niya ako patalikod.
"Zach-"
"I miss you," at nakiliti pa ako nang inamoy niya ang leeg ko.
Nang makawala ako ay hinarap ko siya at sinampal. Hindi na yata siya nagulat sa sampal ko dahil mukhang inaasahan na niya ito. Sobrang sakit nang dinanas ko sa kamay ng ina ko, palaging pinamukha sa akin na bastarda lamang ako. Pero ngayon, ang bastardang ito ay pumatol din sa may asawa.
"Zach, please! Gusto ko nang mamuhay ng tahimik! Mali ito, mali!" sigaw ko.
"Pinagmukha mo akong tanga, niloko mo ako. Niloko na 'tin ang asawa mo at nandidiri ako sa sarili ko!"
Nagsimula nang tumulo ang luha ko habang sinambit ko iyon. Sobrang bigat na nitong nararamdaman ko.
Nilingon niya ako at matalim na tiningnan.
"Kaya naghahanap ka na ngayon ng walang sabit?"
Napasinghap ako sa tanong niya. How dare he?
"Ano, you will date that f*****g Lamosao dahil wala siyang asawa. I told you I will file an annulment.." matigas na sambit ni Zach.
"Zach! Ayoko na. Ayoko na, ano pa ba ang gusto mo? Ayokong magkasala ulit. Ayoko..." sabay iling ko.
Nagmamakaawa na ako sa kaniya na tigilan na niya ako dahil kung palagi niyang ginagawa ito ay baka bibigay ulit ako.
Marahas niya akong nilapitan at hinila papalapit sa kaniya.
"Zach-"
Napasinghap ako nang sinandal niya ako sa kotse niya at siniil ng halik. Ang dalawa kong kamay ay hawak niya, isinandal niya rin sa kotse niya. Iniwas ko ang labi ko ngunit nahuhuli niya pa rin ako.
"I miss you so much.." bulong niya habang aang labi nito ay nasa pisngi ko na.
"Zach.."
"I miss you, please comeback to me."
And before I could talk ay hinalikan niya muli ako sa may labi at kinagat ito para maipasok niya ang kaniyang dila sa akin.
Biglang nag-init ang aking nadarama at napasinghap ako nang hinawakan niya ang binti ko at inilagay sa kaniyang bewang.
I kissed back. At dahil isa akong marupok, bumigay ulit ako sa kaniya. Sa condo unit niya ulit ang bagsak ko.
**
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, tulala ako habang iniisip na naman ang makasasalang nagawa namin. Palihim akong umiyak habang napatingin kay Zach na mahimbing na natutulog.
Nagkakasala na naman kami. I made love with him last night. Hindi ko na naman nacontrol ang pananabik ko sa kaniya.
Pinahiran ko ang luha ko at unti unting inapak ang paa sa sahig. Ang tanging nakabalot lamang sa akin ay ang puting kumot. Hubo't hubad lamang ako at masakit ang katawan ko.
Pinulot ko ang damit ko na nasa sahig at sinuot muli. I need to get out. Hindi ko na kaya itong kasalanang nagawa ko. Nagiging malandi na ako, dahil ngayon, alam ko na na may asawa na siya.
Sinilip ko muli si Zach na mahimbing pa rin na natutulog bago ko sinara ang pintuan ng kwarto niya.
I was crying the whole time habang nagkukulong sa banyo ng inuupahan ko. Mabuti na lamang at nakapag-paalam ako na mag-absent.
Todo sabon ako sa aking sarili dahil maraming mga kiss marks ang iniwan sa akin ni Zach. Parang mas lalo niya lamang pinaalala sa akin at kasalanang nagawa ko.
"Hindi ko na kaya...." naibulong ko na lang.