Simula
Sa mundo ng kataksilan at kasinungalingan, nabuhay ang isang ako dito sa mundo. Minsan, hiniling ko sa kalangitan na sana ay hindi na lamang ako nabuhay kung puro pasakit na lamang ang aking naranasan.
Ang sabi ko sa sarili ko na maghahanap ako ng lalaki na mamahalin ako at hindi lolokohin. Pinapangako ko pa sa sarili ko na hindi ako tutulad sa ina ko na naninira ng pamilya. Ang masaklap pa ay nabuntis si Mama at ako ang bunga.
Pinagkaitan ako ng kompletong pamilya, ang tanging tao na gagabay sa akin ay siya pa mismo ang nagtulak sa akin papalayo.
Akala ko ay hindi ako susunod sa Mama ko. Iba ako sa kaniya at may pinag-aralan. Pero sa mundo ng kataksilan, hindi ko akalain na ako mismo ay makasira ng isang pamilya.
Hindi ko akalain na ang taong minahal ko ay may asawa na. Hindi ko akalain na pinagmukha niya akong tanga.
“Hayop ka!” sigaw ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa nalaman. Tuloy tuloy ang daloy ng aking luha kaharap ang lalaking mahal ko na akala ko ay ako lang. Bigla akong nandiri sa sarili ko nang malaman ko ang lahat.
“Zel, let me explain-” akmang hahawakan na niya sana ang kamay ko pero tinampal ko iyon at umatras sa kaniya.
Narito kami sa condo unit niya kung saan dito kami magkikita. Tinatago niya ako dahil may asawa na pala siya. Tinatago niya ako dahil kabit pala ako.
“Ginawa mo akong kabit!” sigaw ko at napaupo sa sahig.
Hindi ko na kaya ang ganitong sakit.
“Ginawa mo akong kabit! Nandidiri ako sa sarili ko lalo na’t..” hindi ko mabigkas ang salitang iyon dahil nandidiri ako.
Nakikipagsex ako sa lalaking kasal na. Nagmahal ako ng lalaki na pamilya na. Napatakip na lamang ako sa aking bibig para pigilan ang sarili na humagulhol.
Naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking likuran kaya agad agad akong tumayo at lumayo sa kaniya.
“Zel, I don’t love her!” sigaw niya pero umiling lamang ako.
Kahit ano pa ang ipapaliwanag niya, hindi pa rin maipagkaila na pumatol ako sa isang lalaking may asawa na. Naging katulad ko na ang aking ina kaya hangga’t wala pang nakakaalam, titigilan ko na itong kahibangan ko. Kahit masakit.
“Zach, let’s end this,” sambit ko.
Mas mabuti na tapusin ang kataksilang ito.
Salubong na ang kilay ni Zach ngayon at marahas akong nilapitan at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Ang kaniyang mata ay biglang napalitan ng pagkagmamakaawa.
“Baby, let’s fix this, hmm.”
Hinaplos niya ang aking pisngi pero tinampal ko muli ito.
“I’m sorry, I lied. Pero, aayusin ko. I will file an annulment,” mariing sambit ni Zach.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya naman ay sinampal ko siya.
Tumagilid naman ang ulo niya dahil sa ginawa ko.
“Hindi mo pa rin ba narealize na mali itong relasyon na ‘tin? At gagawa ka pa talaga ng kahibangan? You think magbabago ang isip ko sa gagawin mo?” tanong ko.
Hindi naman ito makapagsalita. Inagaw ko ang braso ko mula sa kaniya.
“Hindi! Hindi na magbabago ang isip ko! Nandidiri ako sa sarili ko,” sambit ko muli.
“I love you,” he whispered.
Natigilan ako sa sinabi niya.
“I love you, and I don’t love my wife. Pinagkasundo lang kami-”
“Wala akong pakialam!”sigaw ko na ikinagulat niya.
“Hindi mo man lang ba naiisip kung ano ang naramdaman ng asawa mo na habang wala ka sa bahay niyo ay siya naman ay todo hintay kung kailan ka uuwi. Kaya tigilan na na ‘tin ito. Ayoko na! Ayoko na, Zachary!” sambit ko at tumalikod na sa kaniya.
Napatakip na lamang ako sa aking bibig habang papalabas ako sa building na ‘yun. Hindi pa rin mawala sa aking isip na may asawa na siya. Nagpauto ako sa kaniya ng isang taon. Isang taon na pala ang kataksilan namin at nagbulag bulagan ako. Naniwala ako sa mga sinasabi niya na dapat sekreto lamang ang aming relasyon dahil baka madawit ako sa gulo ng negosyo nila pero ang totoo, tinago niya ako dahil kabit lang pala ako.
Kung hindi ko lang nakita ang mensahe ng asawa ni Zachary sa cellphone nito ay baka hanggang ngayon, hanggang ngayon tanga pa rin ako.
Pumara ako ng taxi at sumakay na rito. Papalayo sa sakit na nararamdaman.