“Ako na ang magdedeliver sa kompanya.” Kinuha ko ang mga boxes. I am wearing my usual attire, high waist jeans and tshirt crop top. Pero hindi naman kita ‘yung puson ko. “Ate, sure ako na masarap ‘yan!” Puri ni Diana, ang nakakabatang pinsan ni Sarah. Nakarating na kasi ito kanina lang at nasa kandungan na niya agad si Zellor na pinaglaruan ang buhok. Noong una ay ayaw niya rito at umiyak iyak pa, pero hindi naman nagtagal ang pag-iinarte ng anak ko dahil binigyan lang ng bagong laruan, bumigay na. “Oo hihi. Kumuha ka lang doon kapag nagugutom ka, alas dos, matutulog ang anak ko.” Paalala ko sa kaniya. “Sige po, Ate.” Sinuklay ko saglit ang buhok ko bago lumabas ng apartment. Nadatnan ko pa si Ate Lera na nagwawalis. Nang makita ito ay natigil ito. “Magdedeliver ka na, Hija?” tan

