“Bakit ang tagal mo?” tanong ni Sarah nang nakabalik na ako. After ko siyang iwan sa kotse niya ay nagmamadali akong bumili ng ingredients. Sobrang tapang ko siyang sinabihan ng gano’n pero masakit din pala. “Uh… Masyado kasing maraming linya, nasa last ako kaya natagalan.” I reasoned out. It was a lie. Ayoko lang na magduda siya sa akin. “Okay..”She said and stood up. Kinuha ko si Zellor mula sa kaniya at kinarga ito. “Mama, t-toys!” Zellor pointed something kaya napalingon ako. “Gusto mo ng toys?” I asked. Pumunta kami roon at sinilip ang laruan na gusto ng anak ko. “Ito ba?” Inangat ko ang laruan na robot at napangisi ako nang inagaw niya ito sa akin. “Yeahy!” Zellor happily said. He even clapped his hand after he took the robot toy. “Happy na si baby!” Nagpaalam sagli

