"OMG!" Tili ni Sarah at kinuha sa akin si Zellor. Gulat na gulat siya nang makitang may kasama ako. Mabuti na lamang at hindi umiyak si Zellor. I put my bag on the sofa at umupo na rin. Pinagmasdan ko ang munting bahay ni Sarah, simple lang ito ngunit sobrang linis. Animo'y parang walang nakatira dahil sa sobrang linis, hindi rin kasi talaga mahilig sa gamit si Sarah, kung ano lang ang gamit at importante ay iyon lang talaga ang bibilhin niya. "May anak ka na?" Gulat niyang tanong while carrying Zellor. Tumango ako at napakagat sa labi. I don't know kung paano ko ito ipapaliwanag sa kaniya. Sasabihin ko ba na anak ito ng boss niya? She knows that Zach has a wife. Umupo siya sa tabi ko, still carrying Zellor. Inilagay ito ni Sarah sa kaniyang kandungan. Ang kaniyang mga mata ay may pag

