Isang linggo na simula nang mangyari iyon at wala na akong balita sa kaniya. Narinig ko na lamang mula kay Joel na umalis na. Mabuti naman. Medyo malungkot dahil ako mismo ang nagtulak sa kaniya papalayo. Kasi may nararamdaman pa ako sa kaniya. Pero what can I do? We can never be together. Kahit ano pa ang sasabihin niya, kapag malaman ng lahat, kabit pa rin ako, sumisira sa relasyon nila. Kaya I am happy that he is not here anymore. Hindi ko pinangarap na bumalik sa kaniya. Kahit na sinabi niyang maghihiwalay na sila ng asawa niya. I am a woman alone. I don’t need a man to make me happy. My child is enough. Sabado, walang pasok kaya naman ay naisipan ko na mamasyal sa palengke kasama ang aking cute na anak. “Ingat kayo, Hazel!” sambit ni Tiya Merna at kumaway pa. Kasama ko rin

