“Jusko, hindi ko na alam ang gagawin ko!” naiiyak na sambit ni Tiya Merna habang pabalik pabalik sa paglalakad. Inaayos ko ang suot ko dahil ngayon ang pagkikita namin ni Zach. Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang nasa likod ng lahat ng prinoproblema ng mga tao sa Zaragosa. “Tiya Merna, kumalma ka lang po,” sambit ko habang nasa salamin pa rin ang paningin. “Maayos din ang lahat, sigurado ako na hindi matutuloy ang plano nila.” “Sana nga Hazel, kung hindi lahat ng tao rito ay maaapektuhan. May bago na palang nagmamay-ari ng buong lupain. Binenta na pala ng anak ng may-ari nito.” Hindi ko maiwasan ang maawa sa kanila at mas lalo lamang umusbong ang inis ko kay Zach. “Ate Merna,” tawag ko at humarap sa kaniya. “Pakibantay po kay Zellos, may kikitain lang po ako,” pakiusap ko. “S

