TERRENCE "Atty. Delmundo go to that site now. Lahat ng nagpabaya sa tungkulin nila ay siguraduhin mong mananagot. Pag-aralan niyong mabuti ang nangyari. If you get evidence of negligence, use it to legally fire those who're responsible of this accident!" galit na utos ko sa head lawyer ng aking legal department. Napasugod ako sa palapag nila bago dumiretso sa sarili kong opisina. Kaaalis ko lang ng bahay nang makatanggap ako ng report na may namatay na worker dahil nahulog mula sa pinakamataas na palapag ng tinatayong casino resort. I know accident happens pero hindi madaling tanggaping nangyayari ito sa kumpanya ko. This is my number one rule in construction. Walang dapat masaktan at walang dapat mamatay. Lahat ng mga trabahador, mapamataas man on mabababa ang katungkuan ay mahalaga sa a

