ANTONETTE Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Nagbukas ako ng laptop para maghanap ulit ng trabaho. Bagamat tapos ako ng abogasya pero dahil siguro sa mahigit isang dekada akong walang office job, nari-reject ako ng mga inapplayan ko. Ni sa preliminary interview ay hindi ako makapasok. Halos lahat ng sagot nila sa akin ay kokontakin na lang ulit ako sa susunod na magkaopening sila. Mga trabaho sa legal offices ang inaapplayan ko. Gusto ko sana ay paralegal dahil nung nagsasama pa kami ni Steven, ako ang nagsilbing paralegal niya kaya medyo bihasa na ako sa trabahong to. Pero kung wala talagang tatanggap sa akin kahit pagiging sekretarya ay papatulan ko na. Kailangan ko ng pagkakakitaan lalo na't may balak akong mag file ng annulment. Dito pa lang ay kailangan ko nang paghandaan

