Chapter 46

3004 Words

JORDANA Nasusuklam ako sa ginawa ni Tito Steven. Binabawi ko na lahat ng mamagandang bagay na nasabi ko para sa kanya. Di ko lubos maintindihan kung paano niya nagawang lokohin nang ganito katindi si tita. Pero may mga pagkakataon na di ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit sa tuwing nakikita ko kung paano siya tumingin kay Tita Tonette, may bahagi pa rin ng puso ko na lumalambot para sa kanya. Kagaya ng nasaksihan ko kung paano niya hinabol ang aming sasakyan nang umalis kami sa bahay niya. Kung paano niya tinitigan mula sa pinto ng lobby ng hotel sina Tita Tonette at Sir Terrence na naglalakad nang magkahawak kamay habang papasakay sa kotse. Hindi ko mawari kung dahil ba may natitira pa rin siyang pagmamahal kay Tita o simpleng nakokonsensiya lang talaga siya sa mga kasalanan ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD