"Koy!" Ang malakas kong sigaw habang patakbong tinungo ang guardhouse na kung saan nakabulagta si Lukas na animo'y wala ng buhay.
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang masaganang dugo na tumagas mula sa kanyang dibdib na naging dahilan para magkulay pula ang puti niyang uniporme.
"Saklolo, tulungan n'yo kami!" Ang sigaw ko habang yakap-yakap si Lukas.
Sapo ng isa kong palad ang kanyang dibdib na pinuruhan ng riding-in-tandem na mabilis din namang umiskapo nang makitang tumatakbo ako palapit kay Lukas.
Napuno na rin ng dugo ang aking damit. Nabalot ako sa matinding takot nang makitang nagsisimula nang maghabol ng hininga si Lukas, napapakagat ng labi na tila ba hirap na hirap na kaya naman sumisigaw ulit ako ng tulong.
Bagama't maraming tao ang nakapalibot sa amin ngunit ni isa man sa kanila ay walang ginawa kundi ang manood at makiusyoso na para lang may pinapanood na shooting ng isang soap opera.
Habang nasa ganoon akong pagtatangis sa kawalang pag-asa na may maglakas-loob na tumulong sa amin ay dumating ang isang rescue unit ng 9-1-1 at daglian nilang kinarga si Lukas upang maisugod ng ospital. Saka lang din dumating ang mga pulis na kung saan paalis na kami.
Sumunod sila sa amin sa provincial hospital para makunan ako ng pahayag subalit sa inis ko sa kanila dahil sa tagal ng kanilang pagresponde ay hindi ko sila kinausap. Mas kailangan ni Lukas ang presensiya ko kaysa ang lintek nilang imbestigasyon na wala rin namang patutunguhan. Naghahangad din naman ako ng hustisya, sino bang hindi? Ngunit hindi na ako umaasa pa.
Sa operating room idineretso si Lukas. Sa nakita kong paghihingalo niya kanina ay alam ko at sigurado akong napakaliit na lamang ng tsansa na siya ay mabuhay ngunit kailangan kong kumapit sa liit ng tsansang iyon. Ayokong mawala si Lukas ng ganoon na lamang. Diyos na ang bahalang maningil sa mga taong responsable sa pananambang sa kanya dahil sigurado akong isa si Lukas sa mga biktima na hindi mabibigyan ng hustisya.
Ang tanging hiling ko lang sa Diyos na sana ibalato Niya sa akin ang nalalabing buhay ni Lukas dahil hindi ko kakayanin kung mawala siya sa buhay ko. Sa daming dagok na dumating sa aking buhay ito na yata ang pinakamatindi sa lahat na sa tingin ko parang hindi ko na kakayanin. Humahagulgol ako nang dumating si Inay. Naitext ko kasi sa kanya ang karumaldumal na pangyayari.
"Kumusta si Lukas, Anak?" Ang naiiyak na tanong niya. Parang tunay na anak na rin kasi ang turing niya kay Lukas.
"Hindi ko pa po alam, Nay. Abala pa po ang mga doktor sa pagtanggal ng balang bumaon sa kanyang dibdib ngunit sa narinig ko kanina, 50/50 po ang kanyang kalagayan!"
"Diyos na mahabagin.." Napatingala sa langit si Inay. "...naipa-blotter mo na ba sa mga pulis ang nangyari, anak?"
"Saka na lang ho. Di rin naman sigurado kong mabibigyan ng hustisya si Lukas. Huwag na po tayong umasa riyan. Ang ipagdarasal natin ay ang kanyang kaligtasan"
Niyakap ako Inay. Hinahagod niya ang aking likod gamit ang isa niyang palad. Paraan niya iyon upang gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam.
At sa ginawa niyang iyon hindi ko na naitago pa ang pagbulwak ng aking mga luha. Sa ipinakita kong labis na pag-aalala na para bang mababaliw na sigurado akong naghihinala na siya sa kung anong mayroon sa amin ni Lukas.
"Hindi ko po kakayanin kung mawala sa buhay ko si Lukas, Nay!" Halos mapiyok na ang aking boses sa kaiiyak.
"Hindi mawawala si Lukas, anak. Napakabuti niyang tao kaya sigurado akong pagbibigyan ng Diyos ang mga dasal natin!"
"Naging masama po ba akong anak, Nay? Bakit po tila hindi napapagod ang langit na bigyan ako ng mga pasanin. Dahil kung ako ang tatanungin, pagod na pagod na po ako, Nay. Hindi ko na po alam kung saan pa huhugot ng lakas ng loob"
"Huwag mong sabihin iyan, anak. Hindi nagbibigay ang Diyos ng mga suliranin kung sa tingin niya hindi iyon kakayanin ng Kanyang mga nilikha. Sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay—sa iyong buhay, isipin mong paraan Niya iyon para lalo ka pang tumibay. May mga dahilan ang Diyos anak na kung bakit binibigyan Niya tayo ng mga pasanin, isa na roon ay upang mas lalo pang tumibay ang ating pananampalataya sa Kanya. Hindi natutulog ang Diyos, alam niya ang iyong mga pinagdadaanan. Huwag kang mag-isip na nag-iisa ka, dahil anak, ikaw at ang mga suliranin mo ay kargo niya!"
Mistulang hinaplos ang aking puso sa pahayag na iyon ni Inay. At kahit papaano gumaan nang kaunti ang aking pakiramdam. May punto rin naman kasi ang kanyang sinabi.
Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang mapurol na balisong at ang mga unos na dumating sa aking buhay ang nagsisilbing hasaan upang ako ay tumalim para may sapat na akong kakayanan na lumaban sa kahit na anumang pagsubok na dumating.
Ngunit tila yata hindi pa ako sintalas ng balisong na aking nabanggit. Sa walang habas na paghagupit sa akin ng tadhana, mula sa pagkasawi ni Itay at pagkakasakit ni Leny na kamuntikan na rin niyang ikinasawi, buong akala ko ay kaya ko ng harapin ang anumang pagsubok na dumating.
Ngunit sa nangyaring pananambang kay Lukas na siyang nagdala sa kanya sa bingit ng kamatayan napagtanto kong hindi pa pala ako ganoon katibay. Nang makita ko ang paghihingalo niya kanina parang gusto ko na ring masawi kasama niya.
Hindi ko lubos maisip ang buhay kung tuluyan siyang mawawala sa aking tabi. Siya ang aking buhay. Siya ang pinagmumulan ko ng lakas. At sa sinabing iyon ni Inay ako kumakapit. Kahit pa nalulugmok na ako sa mga pasakit, sigurado akong hindi ako pababayaan ng Diyos. Hindi man Siya sumasangyon sa relasyon sa magkapareho ng kasarian, ngunit idinadalangin kong nawa'y dugtungan pa niya ang buhay ng mahal ko.
"A-anak, baka gusto mong kumain na muna" Ang nag-aalalang wika sa akin ni Inay nang magdadalawang oras na lang ay wala pa ring doktor na lumabas mula sa operating room.
"H-hintayin ko muna ang paglabas ng doktor, Nay. Hindi rin naman ako makakakain ng maayos kapag ganyang hindi ko pa alam ang kalagayan ni Lukas!" Ang tugon ko.
Ang mga mata ko'y nakapako sa pintuan ng operating room. Nasipat kong may kinuhang biskwit si Inay sa loob ng kanyang bag. Inabot niya iyon sa akin, tinanggap ko. Pinilit kong kumain kahit wala naman akong gana.
Sandaling katahimikan. Subalit gulong-gulo ang aking isip na sinasabayan pa ng tambol sa lakas na kabog ng aking didbdib. Sa bawat paglikwad ng mga minuto ay pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga sa sobrang pag-aalala sa kung ano na ang kalagayan ni Lukas.
"Nay, patawad po!" Ang biglang naibulalas ko.
"Para saan, anak?"
"Sa pagiging ganito ko. Minsan sumasagi sa aking isip na kaya hindi ako tinatantanan ng mga kamalasan ay dahil sa pagkataong meroon ako. Magkasintahan po kami ni Lukas, Nay. Nagmamahalan po kami. Siguro alam n'yo iyon dahil sa inyo ako nanggaling!" Nagsimula na namang umagos ang aking mga luha.
Hinawakan ni Inay ang isa kong kamay.
"Una sa lahat wala kang dapat ihingi ng tawad, anak dahil wala ka namang kasalanan. Tama ka, sa akin ka nanggaling kaya noon pa man natunugan na kita at ang lihim na relasyon n'yo ni Lukas. Hindi ako ganoon kasang-ayon sa relasyon n'yo nang una dahil sa pagkakaalam ko, pera lamang ang habol ng mga lalaki sa isang katulad mo kaya nagawa nilang pumatol.
Subalit akin ring naisip na kung ganoon nga ang intensiyon sa'yo ni Lukas, anong mapapala niya sa isang hamak na working student na kagaya mo? At sa ipinakita niyang pagmamalasakit sa'yo at sa pamilya natin. Ang pagsusumikap niya na igapang at tumayong panibagong haligi ng ating tahanan sapat na iyon para patunayan niya ang kanyang sarili na isang tunay at wagas na pagmamahal ang habol niya sa'yo at hindi ang kung anong materyal na mga bagay.
Nahinuha kong walang kasarian ang pag-ibig. Ito ay para sa lahat ng taong naniniwala nito. Huwag mo ring ituring na isang kamalasan ang pagiging alanganin mo, anak sapagkat hindi mo naman ginusto na isilang ng ganyan.
Walang sinuman ang makapamili ng pagkatao bago sila iluwal dito sa mundo. At sa talino mong iyan, at sa gwapo mong itsura, maituturing bang malas iyan? Maswerte ka, anak dahil sa kabila ng taliwas mong pagkatao nabiyayaan ka naman ng talento na siyang maging sandata mo na maging produktibo sa hinaharap at higit sa lahat nakatagpo ka ng isang lalaking tunay na nagmamahal sa'yo na hindi alintana ang kasarian!"
Niyakap ko si Inay. At laking pasalamat ko dahil kahit hindi man ganoon kataas ang nakamit niyang karunungan subalit napakalawak naman ng kanyang pag-unawa sa isang katulad ko. Tunay ngang walang magulang na kayang tiisin ang kanilang mga anak kahit pa may iilang mga anak na kayang tiisin ang kanilang mga magulang.
"Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?" Agad kaming kumalas ni Inay sa isa't isa. Tumayo ako at hinarap ang doktor. Nababakas sa aking mukha ang labis na pag-aalala.
"Boyfriend ko po ang pasyente, Dok. Sa amin na po siya nakatira!"
Alam na rin lang ni Inay ang tungkol sa amin ni Lukas kaya wala ng dahilan pa para magsinungaling ako sa medyo may edad ng doktor. Pansin ko ang pagtaas ng dalawa niyang kilay. Iyon bang parang hindi pinapahalata ang pagkabigla dahil astigin pa rin naman akong kumilos at lalaking-lalaki kung magsalita.
"Deretsahin ko na kayo. Maselan ang lagay ng pasyente. Dalawang bala ang bumaon sa kanyang dibdib. Natanggal na namin ang isa subalit ang isa ay hindi namin pupuwedeng galawin dahil dinaplisan nito ang left ventricle ng kanyang puso. Kung pipilitin naman namin ay posibleng magkaroon siya ng internal hemorrhage that could cause him to sudden death!"
Pakiwari ko'y gumuho ang buong ospital at natabunan ako dahil sa narinig. Nanlamig ang buo kong katawan at pinagpawisan ng malamig.
Mawawala na ba sa akin si Lukas?
Iyon kaagad ang naibulalas ng aking utak. At bago pa man ako nakapagsalita ay nauna nang pumatak ang aking mga luha. "Wa-wala na po bang pa-raan, Dok para mailigtas ang partner ko?" Garalgal na ang aking boses. Naulinagan ko na rin ang mahinang paghikbi ni Inay.
"There's still thirty percent of chances na makaka-survive siya. Kailangan lang natin siyang madala sa Maynila para doon ituloy ang surgery. Sad to say, Kid. Kulang ang mga kagamitan ng ospital dito to perform the surgery kaya kailangan natin siyang madala sa Manila sa lalong madaling panahon.
"Malaki po ba ang magagastos sa pagpapaopera sa kanya, Dok?"
"Honestly, yes. Pero saka na natin isipin 'yan. We had the best doctors and equipments there at kailangan muna nating unahin ang kaligtasan ng pasyente before anything else. I guess everything's clear, so we must leave now. The patient is in critical condition!"
Bumalik na sa loob ng operating room ang doktor upang asikasuhin ang paglilipat kay Lukas sa isang ospital sa Maynila. Muli akong naupo at nasabunutan ang sariling buhok sa kaiisip sa kung saan na naman kukuha ng malaking halaga para maipambabayad sa operasyon ni Lukas. Kotang-kota na ako sa mabibigat na pasaning dinadala. Buti sana kung simpleng sugat o kaya'y pilay lang ang kanyang natamo ngunit hindi.
"Kailangan na natin sigurong ipaalam kina Pareng Diego ang nangyari kay Lukas, anak at baka may maitulong sila"
Hindi ako umimik. Nanatiling blangko ang aking pag-iisip. Bilang pamilya ni Lukas, kailangan naming maiparating sa kanila ang nangyari sa kanya subalit kung sa tulong pinansiyal, sigurado akong malabo. Kay Lukas lang kasi umaasa ang pamilya niya.
Muling sumagi sa isip ko si Keith. Sa totoo lang hiyang-hiya na akong lumapit sa kanya dahil sa malaking tulong na naibahagi niya sa aking pamilya. Subalit buhay na ng mahal ko ang nakataya rito kaya kinailangan kong kapalan ang aking mukha. Wala na rin kasi akong alam na maaring lapitan maliban sa kanya.
Nang umalis ang ambulansiyang naghatid kay Lukas ay umuwi na muna ako ng bahay sa Mariveles para makapagbihis at maihanda ang mga gamit ni Lukas na dadalhin sa ospital.
Naitawag na rin namin sa pamilya niya ang nangyari sa kanya at nangako naman ang mga ito na may isa kanila ang luluwas ng Maynila para magbantay kay Lukas. Hindi kasi pupuwede si Inay dahil mahina pa si Leny. Ako nama'y may pasok pa sa eskwela at trabaho subalit palagi naman akong bibisita roon at magbabantay kapag day-off ko.
Ang ina ni Lukas na si Aling Teresita ang naabutan kong nagbabantay sa labas ng operating room nang dumating ako. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang labis na pag-aalala, hindi mapalagay at umiiyak dahilan para yakapin ko siya nang mahigpit.
Samo't saring mga katanungan ang ibinato niya sa akin sa kung bakit nangyari iyon kay Lukas at sino ang may gawa noon sa kanya na tanging paghugot ng malalim na hininga ang aking naging tugon.
Maski ako man ay wala ring ideya kung ano ang motibo ng mga nanambang sa kanya. Sigurado rin akong wala namang nakaalitan si Lukas at mas lalong hindi siya tulak ng droga o kaya'y gumagamit nito. Kaya naman naging palaisipan sa amin ang nangyayaring pamamaril sa kanya.
May iniabot sa aking resita si Aling Teresita. Kailangan daw iyong mabili bago mailipat ng ward si Lukas. Hindi raw available ang mga gamot na iyon sa pharmacy ng hospital kung kaya'y sa labas iyon bibilhin at hindi na mako-cover ng Philhealth.
At gaya ng aking inaasahan, nalula ako sa presyo ng mga gamot na niresita ng doktor. Dalawang gamot lang ang aking nakayanan dahil kailangan ko pang mag-abot ng pera kay Aling Teresita pangkain niya. Tanging pamasahe lang daw kasi ang dala niya dahil naghihirap rin daw sila sa probinsiya at wala silang malapitan na pwedeng mautangan. Naiintindihan ko naman iyon. Kalalabas lang din kasi ni Mang Diego ng ospital.
At ngayong may nangyari kay Lukas ay wala ng naghahanapbuhay sa kanila. Iyon namang kapatid na babaeng sumunod sa kanya ay nabuntis at tinakbuhan ng lalaki, kaya pati iyon kargo ni Lukas. Ngunit ngayong hindi makapagtrabaho si Lukas ay sigurado akong mas lumala ang kanilang paghihikahos.
Matapos kong maihatid pabalik ng ospital si Aling Teresita ay kaagad din akong nagpaalam upang makipagkita kay Keith. Nai-text ko na sa kanya ang aking pakay at sa restaurant na madalas naming pinupuntahan kami magkikita. Naka-order na siya ng pagkain nang dumating ako.
"Have a set. Kain muna tayo" Ang sabi niya ng dumating ako. Tumalima din naman ako agad. At kahit walang gana, sinikap ko pa ring maubos iyong mga pagkaing inorder niya para sa akin.
"Kumusta na ang lagay ni Lukas?" Kaswal na tanong niya habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue.
"Kritikal. Nadaplisan ng bala ang kanyang puso at kasalukuyan siyang inooperahan ng mga doktor ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Keith. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag mawala siya"
Nagsisimula na namang tumulo ang aking mga luha. Sumisikip ang aking dibdib na tila ba may mga unan ang nakapatong rito.
"Talaga ngang mahal mo siya"
Tumango ako. "Kaya nga kinapalan ko na ang aking pagmumukha na lumapit sa'yo para muling humiling ng tulong. Napakalaking halaga ang kakailanganin, subalit sisikapin naming mabayaran iyon ng paunti-unti!"
Nakayuko ako. Hindi ko na kasi maiwasang makaramdam ng panliliit sa aking sarili. Kung may kakayanan lang sana akong likumin ang ganoon kalaking halaga ay talagang hindi na ako lalapit pa sa kanya.
"Hindi ko naman kayo inoobligang bayaran iyon, tulong nga diba? At malay mo darating din ang araw na ako naman iyong mangangailangan ng tulong"
"S-sige, magsabi ka lang. Handa akong gawin ang lahat para makabawi sa'yo, maski gawin mo pa akong katulong at hindi papasaruhin ay okey lang"
Iyon lang ang tanging naisip ko pakonswelo sa mga tulong niya sa amin. Kung sakali mang sisingilin niya ako, maski na siguro kaluluwa ko ay hindi sapat na pambayad sa mga nautang ko sa kanya. Sa kemo pa lang ni Leny, halos milyon na siguro ang aking babayaran kasama na ng interes.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Napapailing. Inikot-ikot niya ang basong may lamang alak.
"Katulong...?" Natawa ulit. "...college student and academic schoolar at that? Parang hindi bagay, sekretarya pa siguro o kaya'y isa sa mga staff ko ay pwede pa. But you don't have to be one of those, Mario!" Tumitig siya sa akin. Iyong titig na tagos hanggang sa aking kaluluwa. May nais iparating na hirap kong maarok.
"Paano?"
Hinawakan niya ang aking kamay. Pinisil niya iyon. Titig na titig pa rin siya sa akin. Ewan, pero nakaramdam ako ng kakaiba sa paraan ng paghawak at pagtitig niya sa akin. Nagbago bigla ang kanyang awra.
"Can I ask you something, talaga bang pursigido kang bayaran ako?"
Isang pilit na pagtango ang aking naging tugon. Sa tono ng kanyang pananalita ay mahahalatang mukhang maniningil nga siya sa akin. Bagama't handa ko naman iyong bayaran ngunit matatagalan pa at hulugan. "Pero hindi biglaan. Alam mo namang naghihirap pa kami!"
Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha. "Hindi naman pera ang hinihingi kong kabayaran, Mario dahil marami na ako no'n!"
"E, ano?" Naguguluhan kong tanong.
"Ikaw"
"A-anong ako?"
Lumingon na muna siya sa aming paligid bago nagsalita at, "I mean, you—yourself. Kapag pumayag kang maging lover ko ay limot ko na ang lahat ng utang mo sa akin. Hindi na kita sisingilin dahil alam mo namang hindi mo rin ako mababayaran kahit pa habambuhay kayong kumayod ng boyfriend mo!"
Namilog ang aking mga mata sa narinig. Gulat na gulat. Tinitigan ko siya sa mga mata upang masukat kung siya ba ay nagsasabi ng totoo o kaya'y binibiro niya lamang ako. Parang ibang Keith kasi ang aking kaharap sa oras na iyon.
"P-pero, may partner na ako, alam mo 'yon?" Ang mga katagang lumabas sa aking bibig.
"I know. And it doesn't matter to me. Simula pa lang nang makita kita sa parke ay may nararamdaman na kaagad ako sa'yo. I offered you a help for your sister's medication para maipakita kong kaya kitang itaguyod at maipadama na magbubuhay prinsipe ka kapag ako ang pinili mo.
Masasabing mang-aagaw ako pero nagmahal lang din ako. At ipaglalaban ko itong aking nararamdaman kahit na may masaktan man akong iba. What Keith's want, Keith's get. Minsan na akong naging talunan and I can't afford to lose again this time!"
May diin ang pagkakabigkas ng mga huling salitang kanyang binitawan. May himig pagbabanta. Mas lalo pa niyang diniinan ang pagkakahawak ng aking palad kaya hirap akong bawiin iyon.
"Kaya pala ambilis mong magbigay sa akin ng tulong ay dahil sa may binabalak ka?"
Puno ng disappointment ang aking boses. Hindi ko kasi agad natunugan na kung bakit wala siyang pag-alinlangan na ako ay tulungan sa aking mga suliranin. Buong akala ko ay bukal iyon sa kanyang loob at wala siyang hinihintay na kapalit.
Ngunit higit pa pala sa halagang nautang ko ang magiging kabayaran. Malinaw na ginugulangan niya ako sa simula pa lang. Isa siyang lobo na nag-anyong tupa. Biglang nangilid ang aking mga luha subalit pinigil ko ang mga iyon na huwag pumatak.
"Napakaimposible ng gusto mo, Keith dahil alam mong mahal na mahal ko si Lukas. Hindi ko siya kayang ipagpalit. Naghihirap man kami subalit hindi naman matatawaran ng anumang yaman ang kasiyahang aming nadarama kapag magkasama kami. Sa simpleng pamumuhay na mayroon kami, solved na ako roon at wala na akong ibang mahihiling pa—!"
"—Meroon pa, Mario. Iyon ay ang kanyang kaligtasan. Paano mo pa makakasama ang mahal mo kung susunduin na siya ni Kamatayan? Think twice or even thrice, Baby Boy, wether you like it or not, nasa akin ang susi para mailigtas ang lalaking mahal mo!"
Sa sinabi niyang iyon ay mabilisan kong binawi ang aking kamay, nabitawan naman niya iyon.
"Tuso ka, Keith. Kung alam ko lang sa simula na may iba kang pakay sa akin, hinding-hindi ko sana tatanggapin ang tulong na ibinigay mo. Malinaw na isang panloloko ang ginawa mo!" Pabulong kong panunumbat para makaiwas sa eskandalo. Nasa loob pa kasi kami ng restaurant.
"It already happened, Baby boy. Makakapiling n'yo pa nang matagal ang kapatid mo nang dahil sa tulong ko. Isipin mo na lang kung wala ako, malamang pinagpipistahan na siya ng mga bulate sa ilalim ng lupa, right?"
Nagpupuyos na ako sa galit. Nakakuyom na ang aking mga palad at nakahanda ng makapanuntok.
"Hinding-hindi mangyayari iyon dahil alam kong may iba pang paraan ang Diyos at hindi Niya kami pababayaan. Salamat sa tulong mo, Keith and that's it. Alam kong may iba pa akong malalapitan na hindi kagaya sa'yong tuso!"
Isang suntok ang aking pinakawalan sa kanyang mukha. Hindi niya iyon napaghandaan kaya humandusay siya sa sahig. Sobrang nainsulto lang kasi ako sa sinabi niyang pinagpipiyestahan na ng mga bulate ang aking kapatid kung hindi dahil sa kanya na bagama't totoo din naman.
Mabilis kong nilisan ang lugar bago pa man nakalapit sa aming kinaroroonan ang gwardiya ng restaurant. Tuluyan ko ng pinakawalan ang aking mga luha na kanina pa nagbabadya. Hindi iyon dahil sa panggugulang sa akin ni Keith kundi sa kawalang pag-asa sa kung saan makahahanap ng tulong upang mairaos si Lukas sa ospital lalo pa't nag-text na naman sa akin si Aling Teresita ng panibagong resita na kailangang mabili agad at libo-libo ang halagang kakailanganin. Idagdag pa iyong pitong bag ng dugo na kailangang iabuno sa kanya.
"H-hindi ba pwedeng abunuhan na lang nila si Lukas, Aling Teresita kahit na hindi na muna tayo mag-aabot ng bayad?" Ang tanong ko sa umiiyak na ina ni Lukas.
Ako man ay naiiyak na rin. Parang gusto ng bumigay ang aking katawan sa hirap na aking dinaranas. Kailan ba matatapos ang mga suliraning ito? At kung matatapos man, ano naman kaya ang kasunod?
"Iyon nga din ang sabi ko sa mga doktor, anak eh, kaso naubusan na ang blood bank ng ganoong tipo ng dugo ni Lukas. Kailangan nating maghanap ng donor ng kagaya ng sa kanya"
Napabuntong-hininga ako. Naalala kong AB+ nga pala ang bloodtype ni Lukas na kung saan hirap makahanap. At kung makahanap man, kinailangan mong mag-abot ng bayad sa taong donor.
AB+ din ako, pwede akong mag-donate ng dugo kaso hindi naman ako pwedeng kuhanan ng pitong bag. Isa lang kasi ang pwede kada-tao. Saan ko ngayon hahagilapin ang natitirang anim?
Naglakad-lakad ako sa pasilyo ng ospital habang lumuluha. Biglang lumitaw sa aking balintataw si Keith. Sa yaman niya, lahat posible sa kanya ngunit hindi ko naman kayang ipagpalit si Lukas. Hindi ko kayang baliin ang aking isinumpang pagmamahal sa kanya.
Una pa lang, bagama't napahanga ako ni Keith sa kanyang huwad na kabutihan subalit ramdam ko sa puso kong hanggang sa pakikipagkaibigan lang talaga ang pwede kong maibigay sa kanya.
Oo, nasa kanya na ang lahat, yaman, talino at maging ang kaguwapuhan subalit wala namang impact iyon sa akin. Sa isang simpeng gwardiya pa rin ang puso ko. Pero paano kung wala na talaga akong malapitan maliban kay Keith? Ano ba ang aking dapat na unahin, ang aming pag-iibigan o ang kanyang kaligtasan?
Nakalabas na ako ng ospital. Pumara ako ng jeep, bumaba at muling naglakad hanggang sa huminto ako sa tapat ng Forbes Park.
Binati ako ng gwardiya. Naalala ko sa kanya si Lukas. Ang lalaking aking minahal ngunit napagdesisyunang iwan alang-alang sa kanyang kaligtasan.
Mahirap para sa akin ang napagdesisyunan na halos hindi man lang napag-isipan. Ngunit mas mahirap para sa akin ang mawala siya sa mundo na wala man lang akong ginawa.
Kung ang pakikipagsundo ko kay Keith ang siyang susi para madugtungan pa ang kanyang buhay, kailangan kong sumugal at kumapit sa patalim. Hindi na baleng sa huli ay kahumian niya ako at makitang may kapiling na siyang iba kung ang kapalit naman nito ay ang kanyang kaligtasan.
"Bisita po ako ni Keith de Guzman!" Pahayag ko sa gwardiya at nakita ko ang pag-dial nito ng telepono. Ilang sandali pa'y," Pasok na ho kayo, Sir!"
Mabigat ang aking mga paa habang naglalakad patungong bahay ni Keith. May bumulong sa aking huwag ng tumuloy subalit malakas pa rin ang udyok sa aking pangatawanan ang naunang desisyon.
Alam kong parehong madudurog nang husto ang aming mga puso ngunit kailangan kong magtiis. Kailangan kong isakripisyo ang aming pagmamahalan para sa kanyang kaligtasan.
Nag-doorbell ako, si Keith ang nagbukas. Maluwag ang kanyang pagkakangiti nang pinapasok niya ako deretso sa kanyang kwarto. Mukhang hindi naman siya galit sa ginawa kong pagsuntok sa kanya kanina.
"Pumapayag na ako sa gusto mo. Basta ipangako mong tutupad ka sa ating kasunduan!" Ang mabigat kong pahayag nang makapasok kami sa loob ng kanyang silid.
Nakita kong sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "At kailan pa ako hindi tumupad, baby boy?
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hinimas-himas niya ang magkabila kong pisngi at nagtapos sa aking mga labi.
"Nais ko lang makasiguro!"
"Well..." Tinungo niya ang kanyang drawer. Nakita kong may kinuha siyang blank check. Matapos niyang maisulat ang halaga at mapirmahan, inabot niya iyon sa akin. "...sapat na ba ito?"
Isang milyon ang halagang ibibigay niya sa akin kapalit ng kaligtasan ni Lukas. Nang akmang tatanggapin ko iyon ay biglang,
"Ops, paano naman ako makakasigurong pag-aari na kita nang tuluyan, Baby Boy?"
Inilayo niya ang kamay na may hawak ng tseke. At dahil sa pursigido na ako, nilapitan ko siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Naririnig ko ang paglunok niya ng laway. Idinampi ko ang dalawa kong palad sa maumbok niyang dibdib, bahagyang hinimas-himas na sinabayan ng pagpisil.
Nakita ko ang pagkagat niya ng labi pagpapatunay na tinamaan siya ng libog sa aking ginawa. Ilang sandali pa'y, nanginginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang hinubad ang suot niyang t-shirt. Hindi iyon gawa ng libog kundi sa guilt na aking nararamdaman dahil iyon na ang simula ng malaking pagtataksil ko kay Lukas.
Tumambad sa aking paningin ang magandang hulma ng bawat anggulo ng kanyang katawan. Makinis at maputi ang kanyang balat ngunit ni katiting na libog ay wala akong naramdaman.
Nagpatuloy ako sa pagpapaligaya sa kanya. Sinasaliw ko na lang sa aking isipan ang imahe ni Lukas nangsaganun hindi ako makaramdam ng pandidiri lalo na noong sinimulan ko na siyang isubo.
At nang siguro'y malapit na siyang labasan agad niya akong hinila at hinalikan sa labi. Bagama't labag sa loob ko, tinugon ko pa rin ang mga halik niya para ipadamang gusto ko rin ang aming ginagawa.
Subalit lihim namang nagpoprotesta ang aking puso. Naipangako ko kasing tanging kay Lukas ko lang ipapaubaya ang aking pagkatao ngunit heto ako ngayon, sinisimulan ng angkinin ng iba.
Nagpatuloy siya sa panlalamutak sa akin habang dahan-dahan niya akong inihiga sa malambot niyang kama. Hinubad niya ang lahat ng saplot ko sa katawan at alam ko na kung saan tutungo ang lahat ngunit wala akong karapatang magreklamo. Kalakip na sa ibinigay niyang isang milyon ang maangkin ako kaya wala na akong karapatan pang sawatain ang anumang binabalak niya sa akin.
Umaray ako nang sinimulan niya akong pasukin. Di naman ganoon kalaki ang sa kanya kung ihahambing kay Lukas ngunit damang-dama ko ang sakit at hapdi ng bawat pag-ulos niya
Ganoon nga siguro kapag wala kang nararamdaman sa kaniig mo. Kumbaga parang napilitan ka lang. Kasabay nang pagpulandit ng katas niya sa loob ko ay ang pagbulwak ng aking mga luha.
Tuluyan ko ng isinara ang isang pangakong tanging si Lukas lang ang tanging paghahandugan ko ng aking buong pagkatao. Bagama't wala siyang alam sa mga pangyayari ngunit ako naman iyong labis na nahihirapan. Parang inuusig ako ng aking konsensiya. Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. Pinagbili ko na ang aking dangal at moralidad sa halagang isang milyon at dahil doon bumaba ang tingin ko sa sarili.
Ngunit inisip ko na lamang na sa pagbenta ko ng aking pagkatao kay Keith, maiiligtas ko naman ang buhay ng lalaking kaisa-isa kong minahal. Di bale ng maging mababa makita ko lamang buhay ang lalaking minamahal ko nang husto.
"Simula ngayon wala ng aangkin pa sa'yo kundi ako lang. Mabait at mapagmahal akong tao, Baby Boy. Lahat ibinibigay ko huwag lang akong niloloko. Dahil mahirap akong kalabanin. Sana hindi tayo hahantong sa ganoon. May himig pagbabanta sa boses niyang iyon.
"May hihilingin lang sana ako sa'yo, Keith" Ang sabi ko naman. "Hayaan mo muna akong alagaan si Lukas hanggang sa gumaling siya. Pumayag nga ako sa gusto mo ngunit alam mo naman sigurong siya pa rin ang itinitibok ng puso ko hanggang sa ngayon"
"It's not a problem. You can do it. Basta kapag gumaling na siya, that's the time na sabihin mo na sa kanya ang namamagitan sa akin. Hiwalayan mo na siya at tayong dalawa na ang magsasama, alright?"
Tumango ako. Ngunit sa totoo lang hindi ko alam kung paano simulan ang pakikipaghiwalay kay Lukas. Ako iyong labis na nasasaktan para sa kanya. Parang nakikinita ko na ang labis niyang paghihinagpis ng aming paghihiwalay.
Ano ang mga idadahilan ko? Hindi kaya pagsisihan niya kung bakit hinayaan ko pa siyang mabuhay kung ganoon rin lang na makikita niya ako na pag-aari na ng iba? Hindi kaya niya hihilinging sana tuluyan na lang siyang kinuha ng Maykapal kung sa muling pagising niya may iba na akong kinakasama?
Iyon ang tumatakbo sa aking isip na hirap akong hanapan ng kasagutan. Nahahalata na iyon ni Gina kaya hindi na niya napigil ang sarili na mag-usisa. At dahil sa hirap na rin akong solohin ang lahat ng aking dinadala, naikwento ko sa kanya ang pakipag-deal ko kay Keith. At ang mga dahilan na kung bakit ko nagawa iyon.
"Sinasabi ko na nga ba eh. Iba ang kutob ko sa Keith na 'yan eh. Isa siyang tuso, makasarili. Iba rin ang mga moves niya daig pa ang Hokage. Pero Mar, sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan?"
"Wala na akong choice, Gina. Tapos na ang operasyon ni Lukas. Buhay siya at kasalukuyan na siyang nagpapagaling. Nabayaran ko na rin ang lahat ng gastusin sa ospital kaya kailangan kong tuparin ang isang pangakong aking binitiwan"
"Paano ang relasyon n'yo ni Lukas? Labis siyang masasaktan kapag malaman niyang ipinagpalit mo siya sa iba. Sleeping beauty lang ang peg niya ang kaibahan lang, nang magising si Sleeping beauty mula sa mahabang pagkakahimbing, nakatagpo siya ng isang prince charming. Eh, siya, nang magising, 'yong prince charming niya, kinulembat na ng iba, ang ending nganga. Hindi kaya papangarapin na lang niyang sana makatulog na lang siyang muli at di na magigising pa?"
"Iyan nga rin ang isa mga kinatatakutan ko, Gina"
"Eh, paano kong makatagpo na siya ng bagong mamahalin, kakayanin mo ba?"
"Ewan ko!"
"See? Ibalik mo na lang kaya 'yong isang milyon na ibinigay niya para tapos na ang usapan. Nai-stress na ako sa lovestory na ito ah. Mukha yatang mapapahaba pa!"
"Saan naman ako kukuha ng gano'n kalaking halaga? At kung meron man, hindi rin naman siguradong tatantanan ako ni Keith. Sa sobrang obsessed niya sa akin, sigurado akong may mga plan B na siyang naihanda upang paghiwalayin kami. Paano kung isa sa plano niya ang itumba si Lukas? Walang hindi nagagawa si Keith, Gina. Kaya mas mabuti na sigurong ganito atleast nakikita ko si Lukas ng buhay.
"Eh, mga puso n'yo naman ang pinapatay!"
"Bahala na!" Ang huling sinabi ko na sinabayan ng isang malalim na buntong-hininga.
Sa totoo lang hindi ko pa naihanda ang sarili sa nalalapit na pakipaghiwalay ko kay Lukas. Ngayon pa lang naiiyak na ako. Paano pa kaya sa mismong araw na iyon?
Matapos ng aking klase ay dumeretso ako ng ospital dala ang mga prutas at pagkain na aking pinamili para kay Lukas at kay Aling Teresita na nagbabantay.
Naratnan kong natutulog si Lukas sa kanyang silid. Wala ang kanyang ina at naisip ko na baka may binili lang ito sandali kaya sinamantala ko ang pagkakataon na mayakap si Lukas at dampian ng halik ang kanyang mga labi. Napaluha naman ako nang maisip na baka iyon na ang huling yakap at halik ko sa kanya.
Kumuha ako ng malinis na bimpo. Binasa ko iyon ng alkohol at pinunasan ko ang kanyang mukha, leeg pababa sa kanyang dibdib.
Titig na titig ako sa kanyang gwapong mukha habang ginagawa iyon. Dinidetalye ko sa aking isip ang lahat ng anggulo niya nangsaganun, magkahiwalay man kami, ang kabuuan pa rin niya ang tatatak sa aking puso at isipan.
Sobrang mahal ko si Lukas. Mas gugustuhin kong kahumian niya ako kaysa tuluyan siyang bawian ng buhay ng may Likha. Nangsaganun, makikita ko pa rin siyang buhay maski papaano.
Isa sa pinakamahirap gawin ang magpaalam sa taong tunay na itinitibok ng iyong puso. Ngunit kailangan kung gawin iyon alang-alang sa kanyang kaligtasan. Sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko, ito na ang masasabi kong pinakamatindi sa lahat. At sana kakayanin ko pa.
Biglang nagising si Lukas kaya naman dali-dali kong pinahid ang luhang nanulay sa aking pisngi ngunit hindi na iyon nakaligtas sa kanyang paningin.
"Wala namang lamay ah, bakit ka umiiyak?" Pabiro niyang bungad sa akin. Hayun na naman ang ngiti niyang bumihag sa akin.
"M-masaya lang ako, Koy dahil nakaligtas ka!" Ang simpleng tugon ko.
Gusto ko pa sanang idagdag ang, "Hindi ko kakayanin kapag tuluyan kang mawala sa buhay ko!" Ngunit sa isip ko na lang iyon. Mas lalo lamang kasi akong magmukhang sinungaling dahil ilang araw na lang ay hihiwalayan ko na siya. Pati ang salitang I LOVE YOU ay sinisikap ko ng huwag bigkasin para hindi na siya lalong umasa pa na may babalikan siya sa kanyang pagising mula sa mahaba-habang pagkakahimbing.
"Akala ko nga madadali na ako sa bala ng mga ulol na iyon eh. Pero dahil sa pinilit kong lumaban dahil sa'yo, hayun nakaligtas ako mula kay Kamatayan. Walang sinuman ang makapaghihiwalay sa atin, Koy maging ang kamatayan man. Mahal na mahal kita at salamat na hindi mo ako pinabayaan!"
Idinaan ko na lamang sa matinding paghikbi na sinabayan ng pagyakap sa kanya upang hindi ko mailabas ang mga katagang MAHAL DIN KITA. Sobra na kasing dinudurog ang aking puso sa kanyang mga sinasabi dahil alam kong ilang araw na lang ay hindi na namin pag-aari ang isa't- isa.
"Kahit kailan, iyakin talaga itong si Koy ko. Pasubo nga ng saging, nagutom tuloy ako sa pagiging senti mo"
Nakuha pa niya ang magbiro. Kung alam lang niya ang mga dahilan ng aking pagluha ay natitiyak kong maging siya man ay ganoon din ang gagawin.
Tuluyan ng gumaling si Lukas kaya inilabas na namin siya ng ospital. Isang linggong pahinga sa bahay ay pwede na siyang bumalik sa kanyang trabaho. Masaya ako sa nakikitang mabilis niyang recovery ngunit hindi ang aking damdamin.
"Balita ko, gumaling na si Lukas at nakabalik na siya sa trabaho. Siguro naman nasabi mo na sa kanya ang pinangako mo sa akin" Ang paalaala ni Keith matapos naming magniig sa loob ng isang hotel.
"H-hindi pa. Pero pinaparamdam ko na ang unti-unti kong panlalamig sa kanya!" Ang sagot ko naman.
Naalala ko nang minsang binisita niya ako sa aking inuupahang silid ay nagkunwari akong busy sa pagawa ng mga homeworks.
Pagkatapos no'n, nilabhan ko ang aking mga damit kahit na hindi ko pa naman iyon nasusuot para lang hindi ko siya matapunan ng pansin. Pati na ang niloto niyang paborito kong pagkain at maging ang suman niyang dala ay hindi ko man lang ginalaw.
Ang aking katwiran, masama lang ang aking pakiramdam. At ang mas lalong nagpakonsensiya sa akin ay nagawa niya akong paniwalaan. Ni wala man lang bakas ng pagdududa sa kanyang mukha kahit na di ko na tinutugon ang mga yakap niya at halik sa akin.
Pati ang pangangalabit niya ay tinanggihan ko sa kauna-unahang pagkakataon. Ngunit saludo ako sa kanya. Talagang pinakita niya sa akin ang kanyang respeto at lawak ng kanyang pag-unawa.
Hayun, umuwi siyang Mariveles na hindi man lang kami nagkausap ng maayos at nakapag-bonding na siyang dati naming ginagawa.
Labis naman ang aking pag-iyak ng makaalis na siya yakap-yakap si Marlu, ang teddy bear na bigay niya sa akin noon. Sa totoo lang gusto ko ng sabihin sa kanya sa panahong iyon ang totoo ngunit tila yata binusalan ang aking bibig. Hindi ko pa rin kaya ang makipaghiwalay sa taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.
"Kailan pa? Huwag mong hintayin na maubos ang pasensiya ko, Baby Boy dahil kung hindi mo kayang sabihin sa kanya, ako na mismo ang gagawa nito"
"Kunting panahon pa, Keith, please. Naghahanap lang ako ng magandang idadahilan sa pakikipaghiwalay ko sa kanya!"
"Siguruhin mo lang dahil alam mo na kung ano ang mangyayari...!"
Muli siyang pumaibabaw sa akin. Binuka niya ang aking mga hita. "...akin ka lang Baby Boy. Tumupad ako sa ating usapan kaya naman I am expecting that you won't break our deal or else...!" Sabay ulos sa akin.
"...Somebody will be send to heaven!" Ang huling sinabi niya saka niya ako muling inangkin nang tuluyan.
50th Monthsary na namin iyon ni Lukas kaya naman panay ang tawag niya sa akin ngunit hindi ko naman siya sinasagot. Gusto kong iparamdam sa kanya ang aking panlalamig nang saganun siya iyong maunang magbukas ng usapan at nang magkaroon ako ng lakas ng loob na masabi sa kanya ang totoo.
Ngunit hindi naman niya iyon ginawa bagkus, lagi pa rin niyang pinaparamdam sa akin ang kanyang pag-unawa at pagmamahal. At dahil sa hindi ko sinasagot ang kanyang tawag, nag-text siya sa akin.
"Koy, mukhang hindi ako makaluwas ng Maynila ngayon dahil hindi ako pinayagang mag-leave. Pwede bang sa susunod na araw na lang natin i-celebrate ang ating monthsary? Promise, babawi ako"
"Ok"Ang tanging reply ko.
Mas mabuti na rin iyon dahil may usapan din kasi kami ni Keith na lumabas. Sana lang makahalata na si Lukas para siya na mismo ang makipaghiwalay sa akin. Hirap pa rin kasi akong magsabi sa kanya ng totoo. Napipipi ako kapag kaharap ko na siya.
Matapos naming kumain ni Keith sa restaurant ay humabol pa kami sa last full show ng inaabangan niyang Hollywood film. Tapos deretso na kami sa hotel na kung saan madalas naming pinupuntahan para magpaalpas ng init ng aming mga katawan.
Kapapasok pa lang namin sa loob ng silid ay malahayok na niyang sinunggaban ang aking mga labi kasabay ng paghubad niya sa aking damit. Hindi na nga niya nagawang isara iyong pinto.
"Keith, 'yong pinto, bahagyang nakabukas!" Ang sabi ko sa kanya sa kasagsagan ng panglalamutak niya sa akin.
"Hayaan mo na, wala namang maninilip sa atin eh!" Ang tugon lang niya na tila walang pakialam kung may tao mang makakakita sa amin sa labas na may ginagawang kahalayan sa loob.
Inihiga niya ako sa kama. Pumaibabaw siya sa akin. Ako nama'y bagamat nag-aalangan dahil sa bukas iyong pinto ay nagawa ko na lang nagpatianod sa kanyang kagustuhan.
Nasa kasagsagan na kami noon sa aming p********k nang biglang bumukas ang nakaawang ng pinto. At laking gulat ko nang tumambad sa aking paningin ang galit na galit na si Lukas. Nanlilisik ang mga mata nito at nakakuyom ang mga palad na tila ba nakahanda ng manuntok.
"Matagal n'yo na pala akong niloloko, Koy?"