"Wanna have fun?" Nakangiti niyang wika sabay kindat sa akin. Naiintindihan ko naman ang kanyang sinabi subalit hindi ko lang makuha ang ibig niyang ipakahulugan. Kaya naman, "Sir?" "Napansin kasi kitang nagmumukmok diyan sa waiting shed at nag-iisa, kaya naisipan kong hintuan ka ng sasakyan. Nag-iisa lang din kasi ako, walang makakausap kaya naisipan kong alukin kang mag-roadtrip para naman may makakausap ako" Inilawan niya ang loob ng kanyang sasakyan at pansin ko kaagad ang gwapo niyang mukha. Ang pino at manipis niyang balbas ang siyang lalong nakagdag sa kanyang s*x appeal. "Hey, sasama ka ba, o titigan mo na lang ako hanggang mag-umaga?" Nahimasmasan naman ako at kaagad nakabalik sa tamang huwisyo. Nagi-guilt tuloy ako sa aking sarili dahil pakiramdam ko isang pagtataksil na pa

