Neo
Kinakabahan na nagdoorbell si Neo sa harapan ng pinto ni Halene. Para siyang binatilyo na sasabak sa first date ng first crush niya. Ilan segundo pa ay binuksan na ni Halene ang pintuan.
"Hello Neo" bati nito, niluwagan nito ang bukas ng pinto. Lalo yata siyang nabighani kay Halene sa suot nito. A simple shirt and jeans, matching with a sneakers. Nakalugay ang buhok nito at medyo basa pa and she doesn't wear any make up but still for his eyes ay napakaganda nito. "Pasok ka muna, I just forgot something, kukunin ko lang." nagulat siyang wika nito..
Pumasok siya loob ng unit nito. "Sige lang willing to wait naman ako" biro pa nya sa dalaga. Maya maya lamang ay lumabas na ito.
"Let's go." yaya pa nito.
"Tara" at lumabas na sila ng unit.
********
Napagkasunduan nila na maglakad na lang sapagkat malapit lang naman ang restaurant na pinuntahan nila. Pagkatapos kumain ay naglibot libot na lang sila sa lugar.
"So, ang dami mo ng alam sa akin. Ikaw naman magshare" pagbubukas ng topic ni Halene.
"Gusto mo talagang malaman?" challenge nya sa dalaga.
"Oo naman, sabi mo naman nakamove on ka na, so okay lang pagusapan?" natigilan ito at tumingin sa langit "Pero, sa tingin ko kailangan na natin bumalik ng building" pigil nito.
"Ha bakit?" tanong niya.
"Baka umulan, walang bituin"
"Baka ayaw mo lang marinig ang kuwento ko?" biro nya
"Sira, tara sa unit ko na lang, marami akong pagkain at kape dun" pagyaya nito. Napansin na rin nya na nakakagaanan na sya ng loob ni Halene
"Edi sana, doon na lang tayo nagdinner" natatawa niyang sagot dito.
Natawa na rin ito "Oo nga noh, marami pa naman sigurong next time" nakangiting usal nito.
Nang makabalik sila sa unit ni Halene ay pinagbuksan agad siya ng pintuan ng dalaga.
"Feel at home, pwede ka muna maupo sa sala" wika ni Halene "Gusto mo ng kape?"
"Sige"
Iyon ang pagkakataon na nalibot niya ng tingin ang buong unit. Malinis at mabango ito. Halatang babae ang may ari, Naupo siya sa living area nito, malapad ang L type sofa, malaki para sa nagiisang tao nakatira dito. Wala naman masyadong litrato nakadisplay sa unit ng dalaga puro libro ang makikita sa estante malapit sa malaking TV. Maganda ang disenyo, halatang may kaalaman ang nakatira dito
"Ito na ung kape mo Neo" sabay abot ng tasa na may kape.
Naupo si Halene malapit sa kanyang tabi at nagsimulang magsalita..
Halene
Sa totoo lamang ay kinakabahan siya sa inasal nya. Parang gusto niyang magsisi kung bakit niya niyaya ang binata sa unit nya. Ngunit may isang parte ng isip at puso na patuluyin ang binata. "Bahala na si batman, mukha naman mabait eh" sabi ng isip niya habang nagtitimpla ng kape at ng matapos ito ay inabot niya ang kape kay Neo at marahan tumabi ng may pagitan sa dito.
"Sabihan mo lang ako kung anung lasa ha, hindi kasi ako magaling magtimpla ng kape" biro niya dito.
Sinimulan higupin ni Neo ang kape mula sa tasa "O, masarap naman" ngiti nito.
"Talaga ba" at nagsimula na rin siyang inumin ang kanyang kape. "So, anu ng kuwento mo?"usisa niya sa buhay ni Neo.
"Okay, Ms, Kulit" panimula nito. Naupo siya sa sahig at nangalumbaba sa sofa para makinig. "Dyan ka talaga naupo" sabi pa ni Neo.
"I was about to get married two years ago" panimula nito
"Ha? anung nangyari bakit hindi natuloy?" nagtataka niyang tanong. Nawala na ang kaba niya kanina at napalitan ng curiosity sa nangyari sa binata
"Hindi natuloy, my ex fiancé and my ex bestfriend were cheating on me before the wedding. I found out and called the wedding off sa mismong kasal" malumanay na kuwento ng binata "Karla was serious to marry me, she chose to end her not so forbidden relationship with my ex best friend and marry me instead. Kahit alam ko na mahirap sa kanya" Naupo na rin ito sa sahig upang ipagpatuloy ang kuwento "During the wedding day I gave up Karla, set her free because I knew it was the right thing to do"
"Was that hard?" Nakatitig na tanong ni Halene kay Neo.
"It was" wika nito. "Really, but like what I said, I have to endure the pain and let it go" Inubos nito ang kape at akmang tatayo siya ay parang nanginig ang kanyang mga hita na tila mabubuhal buti na lamang ay naalalayan siya sa bewang at naitayo agad siya ng binata. Ngunit ng bibitawan na ni Neo ang kanyang bewang ay nagkatama ang kanilang mga mata. "Those eyes, Lord please help me". Hindi nila mai-alis ang titig sa isa't isa at napansin niya na paunti unti ang pagbaba ng mga labi ni Neo sa mga labi niya.
Napapikit siya at dinama ang halik nito, marahan. At ng ibuka niya ng kaunti ang kanyang mga labi ay agad naging malalim ang halik ni Neo na kanya naman tinugon. Hindi niya namalayan na naiangat na niya ang kanyang mga kamay sa batok nito. Ilang segundo pa ng matapos ang isang malalim na halik. Magkadikit ang kanilang mga noo ang pinakikinggan ang t***k ng kanilang mga puso. Maya't maya pa ay ibinalik ni Neo ang mga labi nito sa labi nya para bigyan uli ng isang malalim na halik. Halik na siya naman muli niyang tinugon.