Chapter 14- I Miss You

611 Words
Halene Isang linggo ang lumipas matapos ang mainit na halik na pinagsaluhan nila Neo ay hindi man lamang ito nagparamdam matapos ang gabing iyon. Nahihiya naman siya na gumawa ng unang aksyon para tanungin ang binata. Hindi na siya muna bumalik ng bar, nagpaalam muna siya sa pinsan ni Nessie na magpapahinga ng ilang buwan bago uli bumalik. Paulit ulit naman ang paghingi ng tawad sa kanya ni Mark at nangako na hindi na mangyayari noon sa sa bar. Pinatawad naman niya ito agad at sinabing naiintindihan nya ito. Bigla niya naalala ang huling gabi na asa unit niya si Neo. Matapos ang pangalawang halik sa kanya ng binata. ay tumahimik ito na parang may iniisip. "I think I should be going so you could rest" mahinang wika nito. Magkadikit pa rin ang kanilang mga noo. "Yes I think so. Thank you for the night Neo" tumingala siya rito. Malamlam ang tingin nito sa kanya at dahan dahan dinampian ng halik ang kanyang noo. "Goodnight" ito ang huling katagang sinabi nito at umalis na sa kanyang unit. Ang huling update nito ay nangyari pa sa pamamagitan ng email. Email tungkol sa bahay na pinapagawa nito. Ngayon ay inaasahan na makikita niya ito sapagkat ito ang araw ng site tour ng tatayuan ng bahay. Naghanda na siya, para pumunta sa address nakalagay sa email. Bago umalis ay bumalik siya ng kanyang kuwarto upang kunin ang kanyang cellphone. Nagawi siya sa larawan ng dating kasintahan. Nakaramdam siya ng guilt dahil nitong nakaraan isang linggo yun ang unang pagkakataon mula sa loob ng dalawang taon na hindi niya ito iniisip. Naputol ang kanyang iniisip ng tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot noo niyang tinitigan iyo. Si Neo. "Hello" pormal niyang sagot. "I'm in the front of your door" sabi nito sa kabilang linya "I think, hindi mo naririnig ung doorbell, kaya napatawag ako" Napatayo siya, ganun kalalim ang kanyang iniisip na hindi man lang nya narinig ang doorbell nya o talagang mahina lang ito. "Why are you there?" pagiiba nya ng topic. "Open the door and I'll answer you" Pinuntahan niya ang pintuan at binuksan un. Pagkabukas nito ay mabilis pumasok si Neo at bigla siyang kinabig nito at hinalikan ng malalim. Nanghihina siya sa halik nito kaya walang anu ano ay sinukbit niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito, hudyat ng kanyang pasgsuko. Tinugon niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito na tila sabik na sabik sa paghalik. Naramdaman na lamang niya ang paghagod ni Neo sa kanyang likod. Dahan dahan siya nitong sinandal sa pinto at patuloy ang paghalik sa kanya. "God, I miss you" sambit nito sa gitna ng paghalik "I don't want to stop" narinig nya pang sabi nito. "Then don't stop" hamon nya pa dito at tila nakalimutan ang hindi pagpaparamdam nito ng isang linggo. Napatigil na ito sa ginagawa at biglang ngumti. "We will talk and continue this later, I promise" kinuha nito ang isa nyang kamay at saka hinalikan. "But for now we have to stop and meet my civil engineer sa site, and you must be there too, dahil ikaw ang architect ko" nangingiting turan ni Neo. "Sabay na tayo pumunta. Let's use my car" Magkahawak kamay silang lumabas ng unit ni Neo. Tahimik lang ito habang asa elevator sila. Hawak pa rin ang kanyang mga kamay hanggang sa makarating sa kotse nito. Habang umaandar ang sasakyan ay naglakas loob siyang tanungin ito. "What happened to you in n the past week Neo?" Kinuha nito ang kamay nya at hinalikan "I'll explain later babe" Kinilig naman siya sa pagtawag sa kanya ng "babe" nito at hindi na sumagot. Nagtiwala na lamang siya magpapaliwanag ito mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD