Chapter 15-Past and Present

885 Words
Neo Matapos niyang halikan si Halene ay laking pasasamalat niya ng tumugon ito. Nagkaroon siya ng pag-asa na magkakaroon siya ng puwang sa puso ng dalaga. Hindi na siya puwede magkamali sa nararamdaman, mahal niya si Halene ngunit gusto niyang mahalin rin siya ng dalaga hindi dahil panakip butas lang siya kung hindi dahil mahal siya nito ng buong buo. Umalis siya sa unit ni Halene, sapagkat kung hindi pa siya tumigil ay malamang sa iba na napunta ang mapusok na halik na iyon kaya minabuti na niyang magpaalam. Nang sumunod na araw, balak niya sanang puntahan si Halene, ng makatanggap siya ng tawag mula kay James. Karla has been diagnosed with chronic leukemia, stage 3. Biglang nanlumo ang kanyang pakiramdam ng malaman ito. Dali dali niyang tinawagan ang dating kaibigan at inalam kung asan sila ngayon. Napagalaman niya na nagtitigil sila sa isang probinsya sa Palawan, kaya walang pagdadalawang isip ay pinuntahan nya ang dalawa. Isinantabi muna ang pagaayos nila ni Halene at mas pinili na huwag muna ipaalam dito kung anung nangyari upang makapagisip din ang dalaga mabuti. Nagtagal siya dito ng isang linggo dahil gusto niyang tulungan ang dalawa na naging parte ng buhay nya. Alam niyang mahirap para kay James ang mga pangyayari. "Tol, salamat sa lahat ng tulong" lumuluhang sabi ni James sa kanya "Matapos ang ginawa namin sayo, ito ka ngayon kaagapay namin" "You are my family. Just be strong. Update me from time to time." pag-alo nito sa kaibigan. "I'll try to come back here" Present time "What happened to you in the past week Neo?" tanong ni Halene sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan. "I'll explain later babe" matipid niyang sagot. Makalipas ang isang oras ay nakarating na sila sa site kung saan itatayo ang kaniyang bahay. Umikot siya ng saksakyan upang ipagbukas ng pinto ang dalaga. Ngunit bago pa makababa si Halene ng sasakyan ay mabilis siyang yumuko at dinampian ng halik ang labi nito. Nagulat naman ito at sinaway siya " Neo, may makakita sayo" "Eh ano naman, hayaan mo sila" ngisi kong sagot dito. Kinuha niya kamay nito at naglakad patungo sa isang tent na naroon malapit sa site. Nakita niya ang kanyang engineer na nirekomenda naman ng kaibigan niya. Nakatalikod ito at tila may tinitipa sa cellphone. "Mr. Rivero" tawag nya dito. Lumingon naman ito sa kanya. "Mr. dela Pena, good morning" binitawan niya ang kamay ni Halene at saka nakipagkamay kay Mr. Rivero. Ipapakilala na sana niya si Halene dito ng bigla nagtanong ito. "Tots?" pagtitiyak ni Mr. Rivero ng nakita si Halene. Mismo si Neo ay nagtaka. "Eric?" bahagya lumaki ang mata ni Halene. "Ikaw ang engineer ni Neo?" "Oo, so ikaw ang architect?" tanong ni Eric sa dalaga. "Ahumm" pagtikhim niya ng mapansin na magkakilala ang dalawa. Bigla siyang nakaramdam ng inis o selos at dahil dito ay kinuha niya uli ang kamay ni Halene ng lumingon ang mga ito sa kanya. "So, obviously magkakilala na kayong dalawa ng girlfriend ko Mr. Rivero." pormal nya tanong kay Eric. Ngumiti ito at tiningnan ang magkahawak nilang kamay. Hindi naman nagreklamo si Halene ng sinabi na girlfriend niya ito. "Apparently, hindi lang magkakilala, magkababata pa kami nyan. Di ba tots?" sabay kindat nito kay Halene "Ay oo, Neo" tugon ng dalaga. "So could we start the discussion and the tour" putol ni Neo "Sure Mr, de la Pena. Let's talk later Tots". tumalikod at naglakad na papunta sa field si Eric. Nagulat siya ng bumitaw sa kanya si Halene at humarap sa kanya. "Mr. de la Pena, hindi ako makakapagtrabaho kung hahawakan mo ng buong araw ung mga kamay ko" bulong nito. "Let me do my job as your architect okay?" at tumalikod na ito at sinundan si Eric sa field. Walang nagawa si Neo, kung hindi pagmasdan ang dalawa na naguusap sa may tent. Ang kinaiinis nya ay kapag nakikita na tumatawa ang dalaga. Parang nagsisi tuloy siya na si Eric ang nakuha niyang Civil Engineer. Paglapit nya sa tent, ay nagliligpit na ang dalawa ng mga plates na ginamit nila sa pagdidisscuss ng mga plano. "Mr. de la Pena, as per agreed, with Hal, the construction may start next week. Pag uusapan na lang namin ni Tots kung sino bibisita sa site during construction para macheck ung ginagawa." paliwanag ni Eric. Tumango tango lamang siya. "So, I think we could wrap up" pagtatapos ni Eric "Tots, I call you na lang" baling nito kay Halene. Tumango naman ang dalaga dito. Nang matapos sa pagliligpit ng gamit ay tinulungan na niya si Halene sa pagpasok nito sa kanyang sasakyan. Tahimik lang sila habang nagmamaneho siya. Si Halene naman ay nakamasid lang sa labas ng bintana. "Bakit Tots?" hindi niya mapigilan na itanong. Nilingon siya ni Halene. "All this time kaya ka tahimik, yan iniisip mo?" balik na tanong ni Halene sa knaya. "Masama bang tumahimik habang nagmamaneho?" "Tots for Butot balat. I was so skinny nung high school. Happy?" ismid ni Halene sa kanya. Inihinto niya ang sasakyan saglit at walang anu ano ay kinabig niya ang dalaga at saka hinalikan sa mga labi. Katulad pa ng ilang pagkakataon sa tuwing hahalikan niya ito ay hindi man lang siya nakakaramdam ng pagprotesta. Pagkatapos nun ay nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Nanatili na silang tahimik hanggan makadating ng condo building.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD