Neo
Ewan ni Neo kung bakit bigla may kurot sa kanyang puso ng makita nya ang larawan ng lalaki na kasama si Halene sa cellphone nito. At para na lang makabawi at naging pormal na lamang siya. Sinabi na lang niya na may meeting siya na sa totoo ay wala naman siyang kikitain. Nakabakasyon sya ngayon sa trabaho. Nakabase siya ngayon sa U.S. at pumunta muna ng Pilipinas para maipagawa ang bahay nya. Anytime kasi ay lilipat na uli ang trabaho niya dito sa Pilipinas.
Maganda ang disenyo ni Halene, kaunting pagbabago na lang ang ipapagawa dito. Dalawang araw ang mabilis na dumaan, naipadala na nya kay Halene ang mga revisions na nais nya. Agad naman ito sumagot na tatapusin nya ito hanggang Biyernes. Nakatitig siya sa kanyang laptop, ng maalala nya na dito rin pala nakatira ang dalaga sa building na tinutuluyan niya, kasama siguro ang lalaki sa cellphone nito. Naputol ang pag-iisip nya ng biglang mag ring ang telepono nya. Si Carlo iyon.
“Brad” sabi nito
“Yes. Napatawag ka?” tanong nya kay Carlo
“Kamusta nga pla ung meeting nyo ni Halene? Siya pala may gawa ng bangas ng sasakyan ko ah..” natatawang tanong nito.
“Oo nga eh, small world. Okay naman ung proposal, maganda. May kaunting revisions. Baka magsite tour next week bago magsimula construction” saad nya.
“Ganun ba, sabi sayo she is a great architect. You should see pa some of her projects. Anyway, humingi uli siya ng sorry sayo.”tuloy pa nito.
“Pangalawang beses na pala siya nakakabungo, sabi ng Ninong yang pulis”
“Ay oo, nakuwento sakin yan ni Nessie. Ewan ko ba, asa grieving period pa rin ata sya Brad” pagkukuwento pa nito.
Napakunot ang noon niya at bigla inatake ng kuryosida “Grieving period?” paglilinaw niya
“Oo brad, namatay boyfriend nun two years ago, car accident. Mahal na mahal nya eh, un ang kuwento sakin ni Nessie, pero ngayon may improvement naman na.”
“I see” un na lamang ang nasagot nya.
“Why asking brad? Gusto mo ba? It’s about time na rin naman” biro nito.
“Gago, natanong ko lang” mura nya dito.
“Pero seriously brad, kung gusto mo naman, simulan mo na, maraming umaaligid dun sa bar eh” banta nito.
“Sa bar? Anung bar?” naguguluhan nyang tanong
“Ay oo nga pala. Sama ka na lang sakin ng Sabado ng gabi para malaman mo..haha.. Sige na bye” pagtatapos nito.
Biyernes ng tumawag sa kanya si Halene.
“Hello, Ms. Halene” he said calmly.
“Sir, I have sent the revised design to you. I confirm ko lang po kung nacheck nyo na?”
“Yes, nareview ko na, need lang to double check. “ he answered her nicely.
“Thank you sir, just let me know if there are still changes. Hahabulin ko na lang po.”
“I will let you know before the site tour Miss Halene” tugon niya
“Okay sir, thanks again and good bye” pamamalam ni Halene sa kabilang linya.