Neo
“Brad, sunduin kita dyan. Nga pala pareho pala kayo ng building ni Halene ah. Sign na yata un.” Tawa tawa nito wika sa kabilang linya ng telepono.
“Loko, what time you’ll pick me up. Ipahiram mo na kasi ung isang sasakyan mo” biro nya sa pinsan
“Yung kay dad ba? Paalam ka muna sa kanya. Sige na, I’ll pick up Nessie first, then punta na kami dyan.” Pagtatapos nito.
Makalipas ng 30 minutes ay dumating si Carlo. Nagulat siya ng makita asa passenger seat si Nessie. Bumukas ang bintana nito.
“Brad, halika na” tawag ni Carlo, sabay senyas na sa tabi nya sya umupo
“Oh bakit, asa likod si Nessie?” nagtatakang tanong ko.
“Okay lang yan” sabi pa nito, sabay lingon sa nobya “Okay lang di ba Hon?”
“Oo naman” nakangiting sabi nito.
Pumasok si Neo sa saksakyan at pormal na pinakilala ni Carlo sa nobya.
“Hon, si Neo pinsan ko fresh from America yan” pagpapakilala sa kanya “Neo, si Nessie love of my life” biro sabay kindat sa nobya.
Tumingin sya sa babae at pormal nakipag shake hands. “Nice meeting you”
Gusto sana niyang itanong kung asan si Halene, kung may ideya sila pero nahihiya siya baka matukso na naman ng pinsan.
“Hon, no need to pick up si Halene sa casa ha, sumabay na lang sya kay Mark nakita raw siya, hindi na nakatanggi” narinig nya sabi ni Nessie kay Carlo. “Loko tong babae to, sabi nya sakin sasabay sya, nagmamadali pa naman ako.”
“Persistent din si Mark ha Hon, baka naman stalker un ng best friend mo” biro ni Carlo.
Tahimik lang siya sa pakikinig sa dalawa. Interesado kasi siya sa mga impormasyon nakukuha niya kay Halene.
“Sira, mabait naman si Mark, very clear naman si Halene dun. Knowing Halene, malabo pang magjowa yun at hindi pa nakakaget over.”paliwanag nito na parang frustrated “Hindi ko na nga alam kung ano gagawin na pagkumbinsi ko dun na buksan na sa iba ang puso nya eh. Alam mo na..”hindi na naituloy ang sinasabi nito “ay sorry ang daldal ko Mr. Neo” natatawang sabi nito “nabobobroadcast ko ang buhay ni Halene”
“Okay lang, and call me Neo” nakangiting sabi nya
“Ay wait, ikaw ung nabunggo ni Halene?” nagtataka nitong tanong
“Oo” tango nya ng may ngiti
“Oh my, small world nga naman” ngiti nito “Kay Carlo ko lang nalaman na nabungo siya kasi nga kotse nya un…. Talaga tong si Halene, apaka masekreto” tuloy tuloy na sabi ni Nessie.
After 30 minutes ay nakarating na sila ng bar. Barrito ang tawag dito. Ang kuwento ni Nessie sa malayong pinsan daw nito ang bar at tuwing Sabado lang daw ganito karami ang tao.
“Brad, may dedicated place tayo dito don’t worry, doon sa taas mga VIP.” Sigaw na bulong nito. Maingay na ang lugar dahil nagkakasayahan na ang mga tao. Umakyat na sila sa taas na tinutukoy ng pinsan. Muka doon ay kitang kita ang stage. Wala pang nagpepeform doon. Gusto sana niyang tanungin kay Nessie kung nasaan ang kaibigan nito ng may makita siyang pamilyar na babae na umakyat sa stage, inaalalayan ito ng isang lalaki na may hawak na base guitar. Napakunot siya ng noo at kung may anu sa puso niya ang kumurot. Si Halene ang umakyat ng stage habang nakangiti at nagpupuyod ng mahaba nyang buhok. Naka puting T-shirt lamang ito ngunit hapit ang hugis ng katawan at loose na wripped jeans. Nagulat siya ng kinuha nito ang gitara na tila tinotono at tsaka lumapit sa mikropono.
“Hello. Hello. Mic test..” simula pa nito. “Good evening everyone and welcome again to Burrito. I am Hal with the dark shades band. I will be again their guest singer. Sana hindi pa kayo nagsasawa sa akin." biro pa nito. "Hope you enjoy our first set” pagsisimula nito. Nakita niya ang mga tao na nagpalakpakan, tumahimik ng bahagya hudyat na magsisimula na ang banda. May narinig pa siyang nag ‘I love you Hal!’ na sinagot naman ng nakangiti ni Halene..
“Thank you! This song is for you..”
Tumipa ito ng gitara…
“Kamukha mo si Paraluman, No'ng tayo ay bata pa… At ang galing-galing mong sumayaw, Mapa-boogie man o cha-cha.” Simulang kanta nito.
Napakalamig ng boses nito at bawat galaw nito ay lalo siyang nabibighani sa dalaga. Iba talaga ang dating sa kanya nito. Mukha ngang tama ang sabi ng pinsan niya na oras na para tumingin sya ng iba. Nagulat na lamang siya ng magsalita si Nessie mula sa kanyang tabi.
“See, parang walang tinatagong sakit noh Neo?!” nakangiting sabi ni Nessie. Napalingon siya dito. Lumabas saglit si Carlo para magCR.
Napatango na lang siya at napangiti. Kumuha siya ng beer at saka uminom.
“Sana sumaya na yang kaibigan ko” nakatingin sa kanya si Nessie na mukhang may gusting ipahiwatig. “You can never lie to me Neo, bet mo ba kaibigan ko noh?” tanong nito.
Nagulat siya sa tanong nito. Ganun na ba sya katransparent. Walang anu ano ay napatango na lang siya.
“Sabi na eh, I saw you how you looked at my friend from this far.” Kinikilig na sabi pa nito “Don’t worry about Mark, friends lang talaga sila. Mas bet kita para sa friend ko.” Natatawa nitong turan.
Natapos ang 3rd set nina Halene, wala sa stage ang grupo nito. Marami pa silang napagkuwentuhan ni Carlo. Dumating naman ang ibang kaibigan ni Nessie at ng makaramdam sya na kailangan niyang magCR ay bumababa siya para pumunta doon. Palabas na siya ng CR ng makarinig ng may nagtatalo sa labas.
“Mark, you know from the start. Paulit ulit kong sinasabi sayo na wala talaga.” Pamilyar ang boses nito, si Halene.
“Nasasabi mo lang yan kasi you never given me a chance. Let me prove to you please” sabi naman ni Mark.
Inuwang niya ang pinto ng kaunti.. asa may pintuan sila ng pambabaeng CR. Nakita nya na hinawakan ni Mark ang kamay ni Halene.
“No Mark, kahit bigyan kita ng chance, wala talaga akong mabibigay. What I could offer is only friendship. Please Mark, don’t make this hard for me and you.” Tugon pa ni Halene, sabay bitiw sa kamay ng binata.
“No! I will show you how it'll work” pikon na sabi ni Mark. Akmang hahalikan nito si Halene, ng tinulak siya ng dalaga. Hinawakan nito ang braso ni Halene. Doon siya lumabas ng pinto.
“Itigil mo na yan pre, If I were you” pormal niyang sabi kay Mark. Tinitigan niya si Mark ng masama
Napabitaw si Mark sa dalaga. “Away, magsyota toh pre, wag kang mangi-elam” banta ni Mark.
“I know the girl Mr. so back off” segunda nya
“Stop it Mark, I’m not your girlfriend” saway ni Halene
“Yes, because ako ang boyfriend nya. So back off or masasaktan ka.” Banta niya kay Mark, sabay tingin ng masama dito. Hindi naman nya nakita na hindi sumang-ayon si Halene. Tumingin siya dito “Are okay babe?” sinadya nya tawagin ito gamit ang endearment.
“Oo” tipid nitong sagot. Hindi na niyang hinintay na makasagot si Mark. Hinatak na niya ang dalaga at dinala sa labas ng bar.