"Mildred's POV"
After that celebration the connection between gray,and i become stronger.
" Saan mo ba ako dadalhin" sambit ko sa kaniya natawa naman siya dahil sa reaction ko, ewan ko ba sobrang moody ko talaga this past few days.
" Just stay there and relax" malumanay nitong sambit saakin, ngumiti nalang ako bilang tugon sakaniya, ambilis talaga ng mga pangyayari kung noon Panay bardagulan kami ngayon halos langgamin na sa kasweetan itong lalaking ito but I thank God for everything he did to me, lahat ng ito ay siyang nag papasaya saakin ngayon hindi ko alam kung bakit ganito nalang kabilis lahat ngunit isa lang ang alam ko , Mahal ko siya... Mahal na mahal.
Binuksan niya naman ang pinto ng sasakyan at pumasok na ako sa loob ng kotse kanina pa niya Kasi ako kinaladkad ewan ko ba sa lalaking ito hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.
" Bat panay ngiti ka? May kalokohan ka na namang gagawin sakin ano?" Sambit ko sa kaniya tumaas naman ang isang kilay Niya na para bang hindi Siya natutuwa sa sinabi ko sa kaniya, nilapit niya ang mukha niya saakin at liniitan niya ang kaniyang mga mata na para bang may kakaiba saakin.
" Ang moody mo ngayon Mrs Willows" sambit nito, napalunok tuloy ako ng laway dahil amoy na amoy ko ang bango ng hininga niya.
Lumayo naman ako sa kaniya dahil nagsimula ng uminit ang pisnge ko , ang lakas talaga ng epekto ni gray sakin.
" You're cute when you blush like that wife" sambit nito tiningnan ko naman siya.
" Di pa ba tayo aalis" sambit ko natawa naman siya dahil Malayo ang isinagot ko sakaniya.
Pinaandar niya na ang kotse at pinaharurot na ito.
" Do you really love me Mildred ?" Walang ano ano'y sambit nito sakin, tiningnan ko naman siya seryuso itong nagmamaneho bumuntong hininga naman ako Bago sumagot
"Y-yes" sambit ko
"Bat parang napipilitan ka!" Sambit nito, natawa naman ako first time ko kasing nakita na naka nguso si gray ang oa niya ha Ang Arte Arte niya naman.
" Nahihiya Kasi ako" sambit ko, bigla niya namang inapakan ang break muntik na akong masubsob.
"Hoy!! mag Dahan dahan ka nga!" Sambit ko
"Sabihin mo nga ang iloveyou" sambit niya nabigla naman ako, pumarada talaga itong lokong to para sa iloveyou lang
"Tsk. Iloveyou " sambit ko
"Walang emosyon gusto ko yung maganda ang pagkabigkas at tingnan mo ako sa mga mata para malaman ko kung totoo ngang Mahal mo ako" natawa tuloy ako sa kalokohan ni gray grabe ang kacornyhan niya
"Iba ka talaga mainlove Mr. Willows kakaiba ka" sambit ko habang iiling iling, humarap ako sakaniya at hinawakan ang kamay niya tiningnan ko siya sa mga mata.
" Ehem. I love you very much My love, my bestfriend, my home " Sabi ko ng Dahan dahan bigla nalang itong napayakap sakin at hinalikan ako sa labi naputol lang ang paghahalikan namin ng biglang may bumusinang mga sasakiyan.
"Hoooy!! bilisan niyo naman jan kanina pa kami dito!!" Sigaw Ng Isang driver natawa nalang kami at humarurot na si gray paalis.
Nagtungo kami sa Isang magandang cafe na kung saan Makikita mo Ang kabuoan ng syudad nakangiti lang ako ng makita ko ang sobrang gandang tanawin.
" Wait until you see where i will take you" sambit ni gray, na excite naman ako at hindi maikakaila na sayang saya ako sa mga nakikita ko.
Ng makarating na kami sa tuktok mas sumaya pa ako dahil sa mga nakikita ko.
" Ang ganda" yan lang ang nasabi ko, hinawakan niya naman Ang kamay ko at kinaladkad ako papunta sa loob ng cafe, yumuko naman ang mga staff pag pasok namin sa loob.
" Magandang hapon, Mr. And Mrs Willows" nakangiting bati ng owner ng cafe na Ito ngumiti naman ako at bumati ng pabalik sa kaniya.
" Everything is ready?" tanong ni gray
" Yes master" sagot naman ng babaeng kaharap namin.
" Let's go wife" sambit ni gray at inalalayan ako papunta sa labas nag tungo kami sa labas at nagtungo sa may puno di ko maipaliwanag ang saya na akong nadama ngayon gusto kung maiyak dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganito.
"How was it?" Sambit ni gray habang inaakay ako papunta sa table.
" I was speechless" sambit ko at niyakap siya.
"Thank you hubby" dagdag kung sabi
" Paki ulit nga wife " sambit niya
" Thank you hubby" malakas kung Sabi natawa naman siya dahil sa sinabi ko at hinalikan ako.
Umupo na kami at nag simula ng mag serve ang mga waiter, nagsimula narinig tumugtog ang violin, Dahan dahan naring inaangkin ng dilim ang kalangitan kaya sobrang ganda ng tanawin walang makakapantay sa lugar na ito.
" Wife, gusto kung maging masaya ka lang sa piling ko" sambit ni gray
" Im so happy right now hubby" sambit ko, sinubuan ko naman siya ng stake nag aalangan pa itong isubo ngunit kalaunan ay gustong gusto niya ng subuan ko siya.
"Akala ko ba ayaw mo?" Tanong ko sa kaniya habang natatawa
" Basta Ikaw bat aayaw ako" sambit niya at kinuha ang wine, kumuha na din ako at nag cheers kami.
Nagkwekwentuhan Naman kami tungkol sa mga nakakatawang pangyayari sa buhay namin Kasi nung una ayaw na ayaw ko sa kaniya inamin Niya Rin Naman saakin na napilitan lang din Siya dahil Kay Mitch pero kalaunan ay nafall din Siya sakin, aba sa gandang kung ito? Di na ako magtataka kung nafall Siya sakin ng ganun ganun lang.
" You're really amazing Mildred, you make me laugh like this binago mo lahat ng nakasanayan ko" sambit niya
"Hindi Kita binago, our love changed us" sambit ko, tumayo naman siya at inilahad ang mga kamay niya sakin, tinanggap ko naman ito.
Nagsimula Kaming sumayaw sa ilalim ng buwan Kita nadin ang city lights Mula sa itaas dahil Gabi na sobrang saya ko hindi ko naramdaman noon Ang ganitong klaseng saya Kay Luhan aaminin kung mas masaya ako Kay gray kaysa sakaniya noon.
" Wife I hope you really love me genuinely, at kung dadalawin ka na naman ng lalaking yun I surely cut her head!" Sambit nito, natawa naman ako sa sinabi niya sobrang brutal naman ata niya.
" I really love you gray wag mo ng isipin si luhan you are 10 times better than him" sambit ko natawa naman siya umupo na ulit kami at nagpahinga muna Maya Maya pa ay may naisip na Naman ako kalokohan.
Pinuntahan ko Yung may Ari at nag request ng speaker na dalhin Doon tiyaka ipatugtog yung mga budots sinsayaw Kasi namin to ng mga pinsan namin noon sa probinsya tuwang tuwa pa kami noon dahil sobrang hatawan kami sa dance floor.
Sinunod naman nila ang utos ko, pagkarating ko sa kinaroroonan ko ay nawala naman si gray.
" Asan si gray ?" Takhang tanong ko, sa mga tumogtong ng violin
" May hinabol ma'am, doon banda pumunta" sambit naman ng tumugtong ng violin, susunod na sana ako ng biglang nakita ko naman si gray na bumalik patungo sakin.
" Hubby asan ka galing?" Sambit ko, pilit naman itong ngumiti at umiling nagtaka naman ako sa inasta Niya grabe namang mood swing Niya nahawa na ata Siya sakin.
" Ayaw mo naba dito?" tanong ko pinilit Niya naman Ang mga mata niya.
" Can you go back to the mansion may pupuntahan pa Kasi ako let's call it a day susunod ako" sambit niya at hinalikan ako.
"Ipapasundo kita Kay Aries" dagdag pa niya, di na niya pinakinggan ang sasabihin ko at dali dali na siyang umalis, naiwan naman akong nakatulala sa upuan.
What happened? Yan nalang ang naitanong ko sa sa isipan ko.
Umupo nalang ako pabalik sa upuan ko at nagmukmok di ko Kasi maintindihan kung ano bang nangyayari kanina lang ang saya saya namin tapos ngayon ganiyan na.
" Miss Mildred!" Bungad ni Aries nakita ko naman na mukhang pagod na pagod ito at hingal na hingal.
" Anyare ba sayo?" Tanong ko sakaniya
" W-wala, t-tara na uwi na tayo" sambit nito tumalikod na siya ngunit pinigilan ko naman siya agad.
"Umupo ka muna" sambit ko sa maawtoridad na tono, nagtaka naman siya ngunit sumunod parin ito umupo siya habang nakakunot ang noo na nakatingin sakin.
" Waiter bigyan mo kami ng pinaka matapang na inomin tiyaka dala ka narin ng pampulutan namin yung speaker ilagay niyo dito at kakanta kami!" Sambit ko.
" Wala po Kaming-"
" Sundin niyo na" sambit ni Aries Wala naman silang nagawa at sumunod nalang, tinanggal ko ang takong ko at ipinatugtog ang budot sumayaw naman ako, natawa nalang si Aries hinila ko Siya upang sabayan ako sa trip ko at sumabay naman siya sakin.
Tumalon talon pa kami enjoy na enjoy kami sa ginawa namin natigil lang kami ng dumating ang mga inomin.
Tumagay na kami at naka ubos agad kami ng anim na bote lasing na Kaming pareho dahil sa sobrang tapang ng alak.
" A-alam mo *hik* yang- yang si Gray ano yan duwag yan!" Sambit ko habang papaiyak na
"Okay lang naman kami kanina tapos punyeta bigla nalang akong iniwan!!" Sigaw ko, umiling naman si aries habang tatawa tawa
"Ako - ako di nireplayan Ang sakit sakit!!" Sigaw din Niya, kinuha ko na ang micropono at nagsimulang kumanta.
"~~Palayain Ang isa't isa kung Tayo, Tayo talaga, kung Tayo, Tayo talagaaa wooohhhh!!" Kanta ko sumasabay din si Aries, kakanta na sana ako ng bigla nalang pinatay ang speaker.
"Let's go!!" Malamig na tugon ni gray at inakay ako tinulak ko naman siya
" Umalis ka!!" Sigaw ko, ngunit para lamang siyang bingi agad niya akong binuhat at isinakay sa kotse, inakay Naman ng mga waiter at waitress si Aries pasakay sa kotse tiyaka humarurot si gray nakatulog narin ako sa sobrang pagod dahil sa kakasigaw at iyak ko kanina.