BOOK 2 CHPATER 9

1190 Words
Ruth remained standing by the door, lovingly admiring her dear boyfriend talking to someone on the phone. Masyado s’yang naaaliw makitang relax at chill lang ito kahit pa man may kinakaharap silang malaking dagok muli sa kanilang buhay. Ray continues to chat with Steffan and a little while after that, Pedro turns to the door and finds out that Ruth is already awake. Agad na napangiti si Pedro at akmang kakalabitin si Ray upang ipaalam dito na gising na si Ruth pero pinigilan ng huli ang matandang driver. Kaya naman, sumunod na lang ito at nakangiting nagpatuloy na tumayo. “Hey, Steffan, would your siblings be alright if you come back here?” Kilala kasi ni Ray ang ilan sa mga kapatid nito. “Of course, why wouldn’t they be?” Steffan refutes. “’Di ba sabi mo, na wala pang forty days mula nung pumanaw ang ina ninyo? Baka naman sabihin nila na ‘di na nagluluksa kapag babalik ka kaagad dito sa Pinas,” pag-aalala ni Ray. Ayaw n’yang maagrabyado si Steffan sa mga kapatid nito. “It’s alright, Ray. Alam naman nila na umuwi lang ako upang alagaan at pagsilbihan ang ina namin. Ngayon na wala na s’ya, alam nilang ‘di naman ako pipermi dito.” “But, will they be alright for you to come back too soon after your mother’s death? Won’t they chastise you?” Biglang tumawa si Steffan mula sa kabilang linya. “Wala silang maisusumbat sa’kin, Ray. So don’t worry. And besides, if I stay here, I have no place I can call my own.” Nang marinig ito ay tila nabunutan ng tinik si Ray. Sinigurado n’ya lang dahil ayaw n’yang malagay sa alanganin ang relasyon ni Steffan sa mga kapatid nito lalo pa’t sila na lang ang tanging magkakapamilya na naiwan dito sa mundo. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag si Steffan ng kan’yang kapatid mula sa kabilang linya. Narinig ito ni Ray at tila may pinag-uusapan sila patungkol sa kung ilalagay ba nila sa museleo ang abo ng kanilang ina o gagawa na lang sila ng altar sa bahay. Mukhang mahabang usapin ito kaya naman, nagpaalam na muna si Steffan kay Ray at muling sinabi rito na sa Martes na ang kan’yang pagbabalik. “I’ll tell Pedro to fetch you on Tuesday,” huling saad ni Ray bago n’ya ibaba ang tawag. “Okay, thank you,” sabi naman ni Steffan. ‘Di na nila pinahaba pa ang pagpaalam sa isa’t isa. Ganun naman kasi talaga ang mga lalaki, ‘di na pinapahaba ang lahat maliban lang sa isang bagay. Matapos ang kanilang pag-uusap ay marahang binalik ni Ray ang phone kay Pedro. Nakangiti ito at tila nagliliwanag ang buong mukha dahil sa balitang kan’yang natanggap. “Everything will be back to it’s place when he arrives,” bulalas ni Ray na tila gumagaan ang pasan nitong pag-aalala. “I hope so, Sir,” sagot naman ni Pedro na nakangiti rin. Maya-maya’y sumenyas si Pedro kay Ray na tignan ang pinto ng kan’yang silid. Nung una ay naguguluhan pa ito kung ano ang nais na ipahiwatig ng matanda pero sinunod n’ya rin naman ito. Mas lalong tumingkad ang ngiti sa mukha ni Ray nang nakita si Ruth na nakasandal sa door jamb ng pinto sa kanilang silid. Bigla itong namula na wari’y nahuli mula sa kan’yang ginagawa. Kaya naman tinago nito ang kan’yang mukha sa likod ng pader at napabungisngis na lang si Ray at agad na tumayo upang sunduin ang kan’yang pinakamamahal na nobya. “Hey, you’re already awake. Sorry, I didn’t notice you, baby,” paglalambing ni Ray sabay hinalikan si Ruth. Si Pedro naman, biglang nakaramdam ng ilang nang makita sila Ray at Ruth.’Di n’ya alam kung ano ang gagawin. Kung aalis na lang ba s’yang ‘di nagpapaalam o magpapaalam pa s’ya bilang respeto. Pero natatakot s’ya na baka magambala n’ya ang pagla-labing-labing ng dalawa kapag magsasalita s’ya kaya naman nanatili na lang muna s’yang nakatayo sa pwesto n’ya at umiwas na lang sa dalawa. Agad na hinablot ni Ray ang kamay ng mahal n’ya at dahan-dahan itong dinala sa may couch. “I have a very exciting new for you, baby,” masayang ika ni Ray. “Really? What is it about?” May inkling na si Ruth patungkol sa ibabalita ni Ray sa kan’ya pero nagkunwari s’yang ‘di n’ya pa alam upang sabayan ang kasiyahan nito. Nang makarating na sila sa may couch ay agad na umupo si Ray at pinaupo n’ya naman sa kan’yang hita ang mahal n’ya. “You know what, on Tuesday, Steffan will be back,” masayang pagbabalita ng binata sa dalaga. Nanlaki ang mga mat ani Ruth sa kan’yang narinig na napanganga rin s’ya. Kaya naman mas lalong naging masaya si Ray nang makita ito. “Really?!” ‘Di makapaniwalang saad ni Ruth. At unti-unti itong napatakip sa kan’yang bibig. Alam n’ya namang sinabi na dati pa ni Steffan na babalik s’ya pero ‘di n’ya alam na agad-agad itong babalik. Tumango lang si Ray na parang bata at ‘di pa rin naaalis sa kan’yang ngiti. Agad na dinaop ni Ruth ang isang palad sa pisngi ni Ray. “I’m so happy, baby,” mayuming saad ni Ruth. Tumango-tango lang si Ray muli na parang bata. “Why did he decide to come back sooner?” tanong ni Ruth. “Remember when Master Godric took out his phone and called someone earlier this morning?” Naguguluhan si Ruth pero tumango s’ya. “He was calling Steffan.” Unti-unting bumilog at nanlaki ang mga mat ani Ruth nang marinig ito. “Really?” Tumango muli si Ray. “It was him who’s feeding Steffan everything that’s been going on in here.” Napailing na lang si Ruth at dahan-dahang pinulupot ang kan’yang mga kamay sa balikat ng mahal n’ya. “I can’t believe it.” “Right? Even I didn’t know that that old man was always checking on us and telling on us to Steffan.” Dahil sa sinabing ito ni Ray at sabay silang tumawa ni Ruth. Maya-maya’y nagpaalam na rin si Pedro na nanginginig na ang mga tuhod dahil nag-aalinlangan itong pumagitna sa pag-uusap nila Ray at Ruth. Naiilang kasi itong sumabat sa usapan ng magnobyo at baka mapagalitan s’ya. “Maybe he’s just concern for you.” Nagkibit-balikat lang si Ray. “He’s always saying that he and mamo were very good friends. As far as my knowledge is concern, they did go to the same school – the Meopdiod Iallagang University.” “Maybe that’s the reason he looks after you,” turan ni Ruth. “I think so, baby,” sagot naman ni Ray. Nagpatuloy sila ng kanilang pag-uusap sa living area sa ikalawang palapag. Si Pedro naman sa baba, ay masayang tinipok ang kan’yang mga kasamahan at nakangiting binalita sa mga ito ang natatakdang pagbabalik ni Steffan bilang butler ni Ray. Agad namang napasigaw si Manang Lita at si Manong Nathan ay napaundag na lang sa saya. Matutunghayan ang saying nararamdaman ng lahat sa pagbabalik ni Steffan sa mansion ni Ray. Tanggap nila ang masayang balita na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD