Nanatiling natutulog sa tabi ni Ray si Ruth. Nasa loob sila ng kanilang kwarto at nagkukulong. Nakaharap si Ray sa kan’yang laptop. Naghahanap s’ya ng trusted at subok nang mga security agency and manpower services upang mag-hire sana ng karagdagang po-protekta sa kan’ya at ng kan’yang mahal.
Nahihirapan s’ya ng husto sa paghahanap sapagkat ngayon n’ya lang ito nasubukang gawin. Dati-rati kasi ay pinapasa kay Steffan n’ya lang ang mga ganitong Gawain dahil likas itong may mas maraming connection kaysa sa kan’ya.
Sa mga pagkakataong ito n’ya talaga maiisip at mas lalong na-a-appreciate ang naging pagsisilbi sa kan’ya ni Steffan dati dahil ‘di pala madaling gawin ang mga bagay na ito.
Gayunpaman ay ginagawa at pinagpatuloy n’ya pa rin ang paghahanap sapagkat kaligtasan at proteksyon ng mahal n’ya at ng pamilya nito ang nakasalalay sa kan’yang paghahanap.
Paminsan-minsan din s’yang sumusulyap kay Ruth na mahimbing na natutulog sa kan’yang tabi. Napapangiti s’ya minsan dahil kumukunot ang noo nito na wari’y may bumabagabag sa kan’yang pagtulog.
Kaya naman tuwing nangyayari ito ay pinipindut ng binata ang pagitan ng kilay ng dalaga sabay inuunat ito paitaas.
Maya-maya’y may biglang kumatok sa kanilang pinto kaya nagambala si Ray sa kan’yang ginagawa. Agad naman s’yang tumayo upang tukuyin kung sino ang kumatok.
“Sir, magandang hapon po,” magalang na pagbati ni Pedro na yumuko nang buksan ni Ray ang pinto. May phone itong dalaga sa isang kamay kaya nagtataka si Ray.
“Humihingi po ako ng paumanhin kung nadisturbo ko po kayo. Pero nasa linya po ng telepono si Sir Steffan. Nais n’ya raw po kayong makausap.” Nanlaki ang mga mat ani Ray sa kan’yang narinig kaya naman mabilis na inabot sa kan’ya ni Pedro ang phone.
“Ray! Ray! Are you there?” maalalahaning bulalas ni Steffan mula sa kabilang linya ng phone.
“Steffan!” Mahinang sigaw ni Ray at lumabas na ng tuluyan mula sa loob ng kwarto. Dahan-dahan n’yang sinara ang pinto at pagkatapos ay naagtungo sa couch.
“How are you? How’s Miss Ruth doing?”
“She’s fine. How are you?”
“I’m good. My mother passed on last week and she got cremated.” Unti-unting nanlaki ang mga mat ani Ray sa balitang sinaad sa kan’ya ni Steffan.
‘Di n’ya kasi alam na wala na ang ina nito. ‘Di man lang s’ya nakapagsabi ng condolence sa tapat at magiting n’yang butler sa pagdadalamhati nito.
“Ow, sorry to hear about that news, Steffan. I didn’t know that she passed on. Condolence to you and your bereaved family.”
“I appreciate your sympathy, Ray,” sagot nito. “Totoo bang nakatakas si Pauline? At dahil dun ay pinatay n’ya at ng mga kasamahan n’ya yung mga pulis na nag-escort sa kanila para malipat s’ya sa mas malaking detention facility?”
Napakunot ng noo si Ray nang marinig ang mga salitang ito sa bibig ni Steffan. Nagtataka s’ya kung pano n’ya nalalaman ang mga ganitong pangyayari.
“How did you find out about that?”
“Mr. Godric called earlier this morning and told me about this very unfortunate news.”
“Ow! So it’s you that he’s talking with earlier this morning?”
“Yes, how did you know?”
"He invited Ruth and me to join them for an early breakfast at their rest house. That's also when we found out what had happened when Apollo arrived pallid and befuddled. He explained everything to us, including how he learned about it," paliwanag ni Ray. "As soon as Apollo finished speaking, Master Godric took out his phone and dialed a number."
Napatawa na lang si Steffan mula sa kabilang linya. "Every so often, he gives me an update on how things are going. He was also the one who called me when Ruth was harmed in your taping set by Pauline."
“What a tattle tale old man!”
Dahil sa sinabing ito ni Ray at pareho silang bumulalas ng pagtawa ni Steffan. Kahit na ganun ang sinaad ni ray patungkol kay Master Godric ay nagpapasalamat pa rin s’ya dahil tinutulungan s’ya nito ng walang kahit na anong kapalit.
Kung tutuusin ay para itong kapit-bahay na nag-aalala at nag-aalaga ng apo ng kapitbahay n’yang umalis.
‘Di nagtagal ay humupa rin ang tawanan ng dalawa at bumalik sa pagiging seryoso ang kanilang pag-uusap.
"Hey, Ray, I wasn't planning on returning too soon after my mum passed away. However, due to the current situation, I will resume my role as your butler." Biglang napalunok si Ray nang marinig ang ganitong pag-aalala ni Steffan. Pakiramdam n’ya ay pinangakuan s’ya ng matandang kapatid na pprpotektahan s’ya nito hanggang sa dulo.
"Are you certain?" Don't you want to relax and unwind for a while?” Ayaw ni Ray na mapipilitang bumalik si Steffan dahil lang sa kan’ya. Ayaw n’yang i-obliga ito dahil umalis naman na rin ito sa kan’ya.
"Even if I take a vacation, I won't be able to enjoy it knowing that you're in danger." "I guess it's implanted in my system to take after your mess," pagbibiro ni Steffan. Ang lakas ng naging pagtawa nito mula sa kabilang linya. Dahil dito ay bumalik ang pagkunot ng noo ni Ray.
“Bastard!” sigaw naman pabalik ni Ray.
“Spoiled brat!” counter naman ni Steffan.
Pagkatapos nito ay muli silang nagtawanan. Si Pedro na nasa tabi ni Ray na nakikinig sa patutsada ng dalawa sa isa’t isa ay napapangiti rin. Dati pa man ay alam n’yang sobrang malapit ang dalawa kaya sinusunod nila lahat ng utos ni Steffan dahil alam nilang kung si Steffan ang magdesisyon ay sasabay lang at aayon agad si Ray.
“When are you coming here, Steffan?” biglang malumanay na tanong ni Ray.
Bumuntong-hininga muna si Steffan mula sa kabilang linya bago sinagot si Ray. "I'm actually getting ready right now. I'm leaving this evening and will reach there in two days. I’ll be having a long lay-over in Japan, that’s why.”
“How did you know that you will have a long lay-over in Japan?” pagtataka ni Ray.
"I've already purchased my ticket, but there appears to be a scheduling difficulty between Japan and Manila. Despite this, I persisted in booking it, and you'll probably see me on Tuesday afternoon."
“If you want, I can order Gerald to fetch you in Japan with my private jet.”
“No. I already asked him. They’re fully book this week and they have no experienced pilot available to fly your private jet.” Napailing na lang si Ray. Yung akala n’yang mas advance s’ya mag-isip ni Steffan pero mas advanced pala itong mag-isip kaysa sa kan’ya. Kaya s’ya bilib dito eh.
“So, see you in the coming days, then,” saad ni Ray na nakangiti.
“Yes, Ray.” Pagkatapos ay tumahimik silang dalawa saglit na para bang may dumaan na diyos sa pagitan nila.
“Hey Steffan, how about it? Maria also resigned.”
“Hey!! You!!!” Dahil sa reaksyong ito ay tumawa ng malakas si Ray. Si Pedro naman na nasa tabi ng binata ay waring nahihiya nang marinig n’ya ito. Alam n’ya rin kasi ang tungkol dito pero tahimik lang sila.
“I know about you two. I saw you hitting the goal once,” patuloy na pang-aasar ni Ray kay Steffan.
“Hey! How dare you! I don’t pry on your…. activities, how dare you pry on mine!”
Mas lalong tumindi ang naging pagtawa ni Ray. Maya-maya rin ay sumabay na rin ng tawa sa kan’ya si Steffan.
“I have needs too, you know.” Halos masiraan ng bait si Ray nang marinig ito. Hinahampas n’ya pa ang couch kung saan s’ya nakaupo.
“Owww, I see,” mapang-asar n’yang sabi.
“You little prick!” ‘Di pa rin tumigil sa pagtawa si Ray at patuloy na inaasar si Steffan.
Sa loob ng kwarto naman, ay unti-unti nang nagigising si Ruth dahil sa ingay ng naging pagtawa ni Ray sa labas. Agad s’yang hinanap ng dalaga sa tabi nito pero ‘di s’ya makita.
Kaya naman, nagpunas muna ng mata si Ruth saka tumayo at tinungo ang pinanggalingan ng boses.
Pagbukas n’ya ng pinto, napangiti s’yang makita na sobrang saya ng nobyo n’yang may kausap sa phone.
Nanatili s’yang nakasandal sa may door jab at mayuming pinagmasdan ang lalaking bumihag ng kan’yang puso. Tila nakalimutan n’ya ang sitwasyon kinakaharap nila nang makitang sobrang saya ng mahal n’ya.
Patuloy pa rin ang pakikipag-usap ni Ray kay Steffan habang sa likod n’ya naman ay nakangiting nagmamasid ang dalagang tuluyang nagpabago sa kan’ya.