BOOK 2 CHAPTER 7

1565 Words
Lumipas na ang ilang linggo buhat nung inimbitahan sina Ray at Ruth ng breakfast ni Master Godric. Wala silang ibang pinag-usapan kung hindi ay patungkol sa kung matutuloy pa ba ang ginagawang movie ni Ray. Masyado na kasing malaking purwesyo kapag mag-recast pa sila. Bukod pa run, kakailanganin ulit nila ng limpak-limpak na salapi para sa promotional videos at kung anu pa. Naiintindihan naman ni Master Godric ang sitwasyon kaya sinabi nitong kung talagang wala na silang iba pang magagawa ay tuluyan nang ikansela ang movie. Nalulungkot man ito dahil regalo sana n’ya ito kay Lady Aphrodite ay suportado n’ya pa rin kung ano man ang magiging desisyon ni Ray. Ilang mga sandali matapos makapagdesisyon sina Ray at Master Godric ay s’ya naming pagdating ni Apollo. Lulan ito sa sasakyang minamaneho ni Kevin. Pinagpawisan ito ng husto kahit pa man sobrang aga pa. Namumutla rin ang buo nitong mukha at bumaba ng sasakyan na sobrang tahimik. Agad itong napansin nina Master Godric, Ray at Ruth. -- “Apollo, are you alright? You’re not looking pretty good,” bungad na bati ni Ray sa nakatungong si Apollo. Nakabuka ang mga mat anito na wari’y natatakot. Si Ruth naman, agad kumuha ng isang baso ng tubig at pagkatapos ay inabot ito sa lalaking nababagabag ng husto ang isipan. Agad itong umupo sa bakanteng upuan sa gitna nina Master Godric at Ray. “Is everything alright, Apollo?” Maging si Master Godric ay nagtataka na rin sa ikinikilos ni Apollo. Si Kevin naman, pagkatapos i-park ang sasakyan ay agad na nagtungo kung saan naroroon ang kan’yang amo. ito ay balisa rin kaya mas lalong umigting ang pagtataka ng lahat. “Ano bang nangyayari? Can someone explain what’s wrong with you two?” saad ni Ray na medyo naiinis na. Kinakabahan s’ya sa inaasta ng dalawa at maging s’ya ay ‘di mapatahan ang malakas na naging pagtibok ng kanyang puso. Ilang sandali nun ay nagtinginan muna sina Kevin at Apollo at pagkatapos ay sina Ray at Ruth naman ang kanilang tinignan. Ininom muna ni Mr. Apollo ang tubig na binigay sa kan’ya ni Ruth at pagkatapos n’yang laklakin ito ay huminga muna s’ya ng malalim at nagsimula nang magsalita. “Kaninang madaling araw, ginising ako ng isang doorbell. Ang lakas lakas nito at paulit-ulit. Tumayo na ako at naglakad patungo sa main door naming at tinignan ko ang intercom kung sino ito, pero nagulat ako nang walang anino ng taong makikita sa screen. Kaya naman, napagpasyahan kong matulog ulit kasama ng aking misis,” muling lumunok si Apollo. Mabilis na natuyo ang kan’yang lalamunan kaya naman s’ya na mismo ang nagsalin ng tubig sa kan’yang baso. Dahil sa sinabi ni Apollo ay napayapos si Ruth sa kan’yang mahal. Pawang kinakabog ang kanilang dibdib sa lakas ng naging pagtibok ng kanilang puso. “Makalipas muli ang ilang sandili ay muling tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong ito ay parang pinaglalaruan ng kung sino man ang button,” dagdag pa nito. “Kaya naman sa inis ko ay padabog akong nagtungo sa pinto at muling tinignan ang intercom pero wala pa rin akong makitang tao mula sa labas.” “Masama na ang kutob ko sa kung ano ang nangyayari kaya naman, agad akong pumunta sa server room at dun ni-review kung sino ang walang mudong gumising sa’kin ng alas tres ng madaling araw.” Napalunok si Apollo matapos isaad ito. “Sa cctv footage, napansin ko ang isang taong naka-hoodie. Naka-pajama rin ito at tila’y may tinatago sa kan’yang bulsa. Agad akong pinalibutan ng lamig sa buo kong katawan nang napagtanto kong maaring may baril itong dala.” Dahil dito ay naalarma na sina Ray at Ruth. “Tumawag ka ba ng pulis? Anong ginawa mo pagkatapos na tignan ang footage?” Sa pagkakataong ito ay dahan-dahang itinaas ni Apollo ang kan’yang mukha hanggang sa mag-abot ang kanilang tingin ni Ray. “Actually, the police came before I could even call them. Nakita ko sa intercom si Chief Jovanni kaya agad ko silang pinagbigsan ng pinto.” Huminga muna ng malalim si Apollo pagkatapos ay pinunasan ang pawis sa kan’yang mukha gamit ang isang kamay. “Dun na nila sinabi sa’king ang katotohanan. ‘Di ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko nung nalaman kong nagkaroon pala ng aksidente nung ilipat ng piitan si Pauline at mga alipores nito.” Dahil dito ay napakunot ang nuo ni Ray. Mas lalo naming humigpit ang naging pagyakap ni Ruth sa kan’yang mahal. “WHAT?!” Tuluyan nang nakalimutan ni Ray na nasa harapan pala sila ni Mr. Godric. “Is she dead?” biglang sabat naman ni Master Godric sa usapan. Napailing muna si Apollo bago sumagot ng, “Buti sana kung ganun na lang ang nangyari, Master Godric. pero mas malala pa sa sitwasyong ganun ang tunay na nangyari.” Bumuntong-hininga muna si Apollo bago nagpatuloy. “Nakatakas si Pauline! In-ambush ng militanteng grupo ang mga prisoner transport vehicle ng pulis. ‘Di napansin ng mga ito na inaabangan na pala sila sa kanilang harapan dahil sa lakas ng naging pag-ulan nung gabing ‘yun.” “ANO?!” “She and her group killed three men-in-uniform that night, Ray,” sabi ni Apollo na parang unti-unting nawawala sa kan’yang katawang-lupa ang kaluluwa. "WHY DIDN'T THEY TELL US THEN?!?" ‘Di mapigilan ng binata ang kan’yang frustration. Buong akala n’ya ay ligtas na sila ni Ruth sa kapahamakan pero mukhang ‘di pala. Si Ruth, dahil sa pagkagulat sa kan’yang narinig ay natulala ito. At nang sumigaw si Ray ng sobrang lakas ay napatalon ito sa kan’yang kinauupuan at maya-maya’y ‘di na napigilan ang sariling mapaluha. Sinubsob n’ya ang kan’yang mukha sa dibdib ng kan’yang mahal at binuhos ang lahat ng mabibigat na damdamin sa kan’yang pag-iyak. "They didn't inform us about it sooner since they assumed everything was fine. However, when they lost another officer to her, they realized that things were out of hand, and they could no longer conclude that Pauline was sane." “s**t!” Napasubsob ni Ray ang kan’yang mukha sa kan’yang mga palad at pagkatapos na bumulalas ng mga malulutong na mura sa kan’yang isipan ay tinuon n’ya ang buong atensyon sa nobyang kanina pa humuhikbi habang nakayapos sa kan’ya. Hinalikan ng binata ang tuktok ni Ruth at pagkatapos ay niyapos ito ng sobrang higpit. “I won’t let her hurt you ever again. I will protect you.” Nagtila dasal ang mga sinasambit na salita ni Ray kaysa pangako. Si Master Godric naman ay bigla ring nataranta kaya tumayo ito sa kan’yang upuan at may tinawagan. Nilahad n’ya rito ang sitwasyon. Walang ideya sina Apollo, Ray at Ruth kung sino ang kausap ni Mr. Godric basta ang alam nila ay nangako itong tutulong sa seguridad nina Ray at Ruth, maging ni Apollo. Nais na sanang umuwi nina Ray at Ruth matapos malaman ang nakakagimbal na balitang ‘yun pero pinigilan sila ni Master Godric. Saka lang daw sila hahayaan nitong makauwi kapag dumating na ang mga security personnel na ipapahiram n’ya sa mga ito. Ray, Ruth and Mr. Apollo stayed with the Beaurlingtons for several hours before lunch until the additional security personnels that he requested came and introduced themselves. There are fifteen of them, meaning five security personnel per person. Nahihiya si Ray na tanggapin ang alok ni Mr. Godric na mga tauhan n’ya upang magbabantay ng kanilang seguridad pero masyadong mapilit ito at muli na naman nitong binulalas ang litanya patungkol sa matalik nilang kaibigan ang yumaong lola ni Ray. Tinanggap ni Ray ang tulong ni Master Godric sa kondisyong s’ya na ang magpapasweldo sa mga ito. Nais pa kasi sana ng matanda na s’ya na ang susweldo rito gayung nasa kay Ray at Ruth naman ang mga ito nakadestino. Matapos kumalma at kumain ng inihandang dessert ni Lady Aphrodite ay nagpaalam na ang lahat sa mga ito at umuwi na sa kan’ya kan’yang mga tahanan. Habang papauwi ay tumawag si Apollo kay Ray at pinaalala rito na ‘wag muna sila masyadong lumabas kasama si Ruth. Saka lang lalabas kung may bibilhin na kinakailangan. ‘Wag daw rin munang bumisita sa mga magulang ni Ruth dahil baka ang mga ito rin ay madamay. Dahil may sariling security personnel naman si Apollo ay binigay n’ya sa kanila Ray at Ruth ang mga nakadestinong limang personnel na pinahiram sa kan’ya ni Master Godric. Napagdesisyunan naman ni Ray na ang limang ito ay ididestino n’ya malapit sa bahay nila Ruth upang magbantay sa seguridad ng pamilya ng mahal n’ya. Patuloy pa ring nakasubsob ang mukha ni Ruth sa dibdib ng mahal n’ya. Parang unti-unting nabasag ang puso ni Ray nang makitang muling lumuluha ang mahal. Kaya naman, bigla n’ya itong kinandong sa kan’yang hita mula sa pagkakaupo nito sa kan’yang tabi at hinalikan ang noo nito. ‘Di n’ya na lang ito kinausap at hinayaan lang na lumuha upang mailabas nito ang sama ng loob at bigat ng damdamin. Sa buong araw na magkasama sila pagkauwi nila mula sa luxurious breakfast ng mga Beaurlingtons, sobrang tahimik n ani Ruth. Paminsan-minsan ay natutulala rin ito at tila takot na takot sa kan’yang paligid. Nasasaktan si Ray na makitang nagiging ganto ang mahal n’ya kaya naman lagi s’yang tumatabi nito at kailanman ay ‘di s’ya lumalayo. He knows that superficial words won’t soothe her pain and uneasiness. But his dedication and love will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD