BOOK 2 CHAPTER 2

1490 Words
Bago pa man matapos ang pagpapatalsik kay CEO Martin ay nagpumilit na si Randy na umalis na dahil may nalaman daw itong mangyayari kapag ang naging resulta ng botohan ay ‘di naaayon sa kagustuhan ng incumbent na chairman. May narinig kasi itong pag-uusap ng mga kasanggang stockholders ni chairman Martin sa may CR. Kaya naman, bago pa man hintayin na may mangyari ay agad na nilayo ni Randy sa kapahamakan ang kan’yang amo. Nagtaka ang lahat sa biglang pagtayo ni Ruth habang ‘di pa natatapos ang botohan pero sinabi lang ng dalaga na may emergency na nangyari kaya kailangan n’yang umalis. Naniwala naman ang panig nila chairman Martin at chairwoman Leticia sa dinahilan ng dalaga kaya nakaalis agad ito. Napansin ni Ruth na nakatingin lang sa kan’ya si Mr. Randel kaya agad s’yang nag-text dito at sinabing pagka-drop ng boto nila ay agad na lumabas para malayo sa maaring mangyari. Agad naman itong ibinahagi ni Randel sa mga kasamahan kaya sabay sabay na silang nag-drop ng kanilang mga boto. Gaya ng napag-usapan ay nag-abstain silang lahat. Ibig sabihin, wala silang nilagay na pangalan sa kanilang card. Nauna nang umalis sila Ruth kela Mr. Randel at bago lumayo ay sinabi ng dalaga na magsi-set s’ya ng date para magkaroon sila ng meeting. Pumayag naman ang lahat at nag-request din na baka maaring isama ni Ruth si Ray sa magiging conference nila. Pinaliwanag naman ng dalaga ang schedule ni Ray kaya ‘di nito kinumpirma sa mga kasamahan ni Randel na sa sunod nilang pagkikita ay makakasama rin ni Ruth ang pinakaamo nilang lahat. Mabilis ang naging pagmamaneho ni Randy sa BMW. Halos ‘di sila inabot ng thirty minutes sa daan. ‘Di rin naman napansin ni Ruth na sobrang bilis na pala ni Randy dahil bukod sa naka-seatbelt s’ya ay nakatutok lang s’ya sa kan’yang phone. Kausap n’ya kasi si Ren na masyadong excited sa muling pagdalaw ni Ray sa bahay nila. “Miss Ruth, malapit na po tayo sa mansion,” pag-aabiso ni Randy sa dalaga. Napalingon na lang si Ruth sa labas at napansin n’yang nasa gate na pala sila ng mansion. Agad na hinanap ng dalaga si Ray at ‘di nga s’ya nabigo. Nakita n’ya mula sa tinted glass window na nakadungaw sa sasakyan si Ray mula sa balcony. Napakalapad ng ngiti nito sa mukha. Bigla namang umalis ito dahilan para matunaw rin ang mga ngiti sa labi ni Ruth. Pagkaparada ni Randy sa tapat ng main entrance, ay agad na bumaba si Ruth at kasabay ng kan’yang pagsara ng pinto ng sasakyan ay s’yang pagbubukas naman ni Ray sa frameless glass door para salubungin ang mahal n’ya. “You’re early. Just like you promised,” nakangiting saad nito sabay niyapos ang baywang ng dalaga at hinalikan ang mahal n’ya sa labi ng sobrang tamis. Ngumiti lang ng kaunti si Ruth at napansin agad ni Ray na may bumabagabag sa isipan ng mahal n’ya. “What happened? You seem in despair,” pag-aalala ni ray sabay kinuhanan ng temperature ang ilalim ng baba at noo ng dalaga. Agad namang napakunot ang noo ni Ruth sabay muling napangiti. “I don’t have fever, baby,” natatawang saad ng dalaga sabay hinawi ang kamay ni Ray na patuloy pa rin sa pagkama sa mukha n’ya. Maya-maya’y napansin ni Ruth na ginagawa na lang ni Ray ito pata asarin s’ya kasi pati mata, taynga at ilong n’ya ay kinakapa na rin ni Ray. “Stop it,” natatawang saad ni Ruth sabay inipit ang mga kamay ni Ray sa may baba ng kili kili n’ya. Dahil dito ay napatawa na rin si Ray. "Please tell me. What's on your mind right now? I don't like seeing you upset." Paglalambing ni Ray kay Ruth. Bago sumagot ay bumuntong-hininga muna si Ruth at pagkatapos at tumitig din kay Ray. "I'm still unfamiliar with the world of conglomerates. I've noticed that people turn evil because of money." Ray simply grins. “Money is the source of all evil, baby,” saad ng binata sabay hinalikan sa noo ang mahal n’ya. Napapikit naman ni Ruth ang mga mata habang dinadama ang pagdampi ng labi ni Ray sa kan’yang balat. “Don’t turn evil because of money, okay?” biglang saad ni Ruth. Mabilis namang hinaplos ng binata ang pisngi ng dalaga dahilan para maimulat ni Ruth ang kan’yang mga mata. Nakatitig lang sa kan’ya si Ray at pagkatapos ay unti-unti itong ngumiti sa kan’ya. "I'm certain I won't. And, besides, if I ever turn evil, I know you'll spank the s**t out of me and force me to reconsider my life choices." Napa-shrug ni Ray ang kan’yang balikat dahilan para mapabungisngis si Ruth. Dahil sa nakakahawang pagtawa ng dalaga sa harapan ni Ray ay napatawa na rin si Ray at habang natutuwa ay pinaulanan n’ya rin ang maliliit na halik sa leeg at mukha ng dalaga. “Stop it,” saad ni Ruth sabay tinulak ang labi ng binata palayo sa kan’ya. Pero nagpupumilit pa rin si Ray kaya naman tinodo na ni Ruth gamit ang buong lakas n’ya. Pero dahil likas na mas malakas sa kan’ya si Ray ay nabigo rin s’ya sa huli. Dahil ‘di n’ya kaya si Ray ay napahiyaw na lang si Ruth habang napahalakhak dahil nakikiliti s’ya sa pag-nuzzle ni Ray sa kan’yang ilong at labi sa leeg at ilalim ng taynga ng mahal n’ya. Dahil tuluyan nang nawala ang lakas ni Ruth dahil sa sobrang pagtawa ay agad s’yang sinalok ni Ray at mabilis na dinala sa taas patungo sa balcony. Dahan-dahan namang binaba ni Ray si Ruth sa may sofa at pagkatapos ay tumabi s’ya rito. “I have something to tell you.” Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ni Ruth dahil sa sinabi ni Ray. Kahit na nakangiti ang binata ay iba ang dating ng sinabi nito para kay Ruth. ‘Di n’ya maiwasang mag-alala. “What do you want to talk about, baby?” pagtataka ni Ruth. Nakita ng dalaga ang isang baso ng tubig na nasa may center table kaya inabot n’ya ito’t ininom. Alam n’yang kay Ray ito kaya nakita n’yang masaya itong nakikitang iniinom ng mahal n’ya ang tubig na ininuman din nito. “Uhmm.. I made up my mind. I will hire personal security for you and me.” Biglang nasamid si Ruth dahil sa pabigla-biglang desisyon ni Ray. “What caused this sudden decision of yours, baby?” tanong ni Ruth sabay pinunasan ang kan’yang bibig. “Randy called a while ago. He mentioned that you lacked security while attending a meeting that is very dangerous for a woman alone. He also mentioned about what he heard from Martin’s henchmen.” Bigla namang napalunok si Ruth dahil sa sinabi ni Ray. Nakaramdam din s’ya ng pagkainis dahil tinanong pa s’ya ni Ray tungkol sa kung anong bumabagabag sa isipan n’ya gayong alam na naman pala nito ang nangyari. "You already knew, but you still asked me how I was feeling?" tanong ni Ruth na medyo naiinis. Pero imbes na matakot ay nakangiti lang si Ray. "I was hoping you'd tell me what you're thinking. Instead of telling me everything that happened in the meeting, you withheld some crucial information." Biglang na-guilty si Ruth dahilan para mapatungo ito at tinago ang kan’yang mukha kay Ray. Agad namang inabot ng binata ang baba ng dalaga at itinaas ito ng dahan-dahan. “I know why you did that,” saad ni Ray na nakangiti kay Ruth. ‘Di namang maiwasan ni Ruth na malungkot dahil sa pagka-guilty n’ya. “You did that, so I won’t worry, right?” tanong muli ni Ray. Nag-nod lang ng dahan-dahan si Ruth. “I want to know the truth next time, baby. Okay?” Saad ni Ray sabay sinalok ang dalagang nakaupo sa couch at pinaupo ito sa kan’yang hita. “Don’t keep me in the dark, baby,” saad ng binata sabay hinalikan sa ilalim ng kan’yang taynga ang mahal n’ya. “No more secrets between us, okay?” Agad na nilapat ng binata ang kan’yang noo sa noo ng dalaga. Nakapikit lang silang dalawa. “Promise me, baby.” Naramdaman ni Ray na napalunok muna si Ruth bago sumagot, “I promise, baby,” sagot naman ng dalaga. Nanatili silang ganun ng ilang sandali. Pagkatapos ay pinag-usapan nilang maigi ang tungkol sa plano ni Ray na mag-hire ng mga personal security para sa kan’ya at kay Ruth. Ginugol nila ang buong araw pa dun. Sumabay na rin sa pagpaplano nila ang iba nilang kasama sa mansion. Tinanong ni Ray sa mga ito kung ano ang kailangan nila at iisa lang ang ni-request nila sa kanilang amo. Gusto nila ng kaalalay sa mga gawain sa bahay. Pumayag naman si Ray. Sa dayong magdidilim na ay mabilis na naghanda ang dalawa dahil papasyal sila sa bahay nila Ruth. Na-miss daw kasi ni Ray ang luto ng mama at papa ng mahal n’ya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD