Nang makahinto na ang sasakyan sa may car bay sa mismong harap ng Liargao Company Building ay mabilis na lumabas ng sasakyan si Ruth. Agad na may sumalubong sa kan’yang dalawang lalaki. At sa nakikita ni Ruth ay nagmula ito sa magkalaban na partido dahil kamuntikan nang magkasakitan ang dalawang ito. Huminto lang sila nang napa-clear ng kan’yang lalamunan ang dalaga.
“Miss Ruth, thank you for coming,” saad ng isa na unang lumapit kay Ray. “I am Mr. Nigel Alesor, chief secretary to the chairman Martin who wants your help once again--”
‘Di pa man natapos sa pagsasalita si Nigel at sinapawan agad ito nang katabing lalaki at umabante sa harap dahilan para mapaatras sa likod si Nigel sa takot na baka masagi nilang dalawa ang dalaga.
"Good day, Miss Ruth Labella. It's great to finally meet you. My name is Henry Sarcena, and I work as the private secretary to Chairwoman Leticia Lairgao,” sabi nito sabay muling nilingon si Nigel at tinignan ng masama. “My lady has directed me to accompany you to the function hall so that no annoyances obstruct you on your way to the venue and to make sure that your moral ascendancy is not influenced by some immoral people who will do anything to have your vote.” Sa bawat mga masasakit na adjectives na binibitawan n’ya ay nililingon nito si Nigel na napapakuyom na ng kan’yang kamao.
Bigla namang kinabahan si Ruth dahil s’ya lang mag-isa. Ayaw n’yang maipit sa gulo ng dalawang panig. Mabuti na lang at biglang sumulpot si Randy sa tabi n’ya. Unti-unti namang tumahan ang naging malakas na pagtibok ng puso n’ya.
“Oh Randy, nai-park mo ba ng maayos ang sasakyan?” tanong ni Ruth na nakangiti pero agad na napansin ni Randy na ‘di umabot sa mata nito ang kan’yang pagtawa.
Sinagot muna nito ang tanong sa kan’ya at pagkatapos ay isa-isang tinignan ng masama ang mga lalaking nagdulot ng pagkailang kay Ruth. Mabilis namang umabante si Randy dahilan para maging harang sa pagitan ng dalwang lalaki at bago n’yang amo na pumalit kay Steffan.
“Miss Ruth, let’s head inside,” saad ni Randy sabay pinakiusapan ng maayos ang dalawang lalaki na tumabi sa daanan. Agad namang lumayo ang dalawa at agad itong nakaramdam ng takot kay Randy dahil likas itong mas malaki sa kanila at mas matangkad.
Mabilis na pumasok sa loob ng building ang dalaga at pagkatapos ay napabuntong-hininga na lang ito. Napansin naman ito ni Randy kaya ‘di maiwasang magtanong nito, “Okay ka lang po ba, Miss Ruth?” Tumango lang ang dalaga sabay naglabas ng maikling pagngiti.
“Ano kaya ang mangyayari sa meeting ngayon, Randy?” tanong ni Ray sa kasama habang naglalakad silang dalawa papunta sa may elevator.
“’Di po ako sigurado sa kahihinatnan ng event na’to, Miss Ruth,” sagot ni Randy na mahahalatang nag-aalinlangan din. “Dati kasi nung si Sir Steffan pa ang pumupunta dito, lagi s’yang inaabangan at sinusundo ng mga kasamahan n’ya sa labas. ‘Di n’ya rin ako sinasaba sa mismong function hall kung saan idinadaos ang casting ng mga boto.” Napatango na lang si Ruth nang mapagtanto ang ibig na ipahiwatig nito.
Maya-maya’y biglang napansin ni Randy na may mga halos magdadalawampung lalaki ang papalapit sa kanila. Nagbubulungan ito habang sinasalubong sila Ruth kaya naman, ‘di maiwasan ni Randy na maging overprotective sa amo n’ya.
Bunsod dito ay ‘di nakalapit ang mga lalaki kay Ruth. Nagtinginan lang ito ay agad na nabasa ng dalaga ang expression sa kanilang mukha. Nagtataka ang mga ito dahil sa ginawa ni Randy kaya naman hiniling ng dalaga na hayaan ang mga lalaking lumapit sa kan’ya.
Nang nasa harap na ni Ruth ang mga ito ay bigla itong ngumuko sa harapan ng dalaga. Dahil sa pagkailang at pagkagulat sa nangyayari ay mabilis na naikot ni Ruth ang kan’yang paningin sa buong paligid. Napagtanto n’yang may iilang taong nakasaksi sa nangyayari kaya naman daglian s’yang lumapit sa mga lalaking nakayuko sa kan’ya at hiniling sa mga ito na umayos na sa pagkakatayo.
Ginawad naman ng mga ito ang hiling ni Ruth at pagkatapos ay muling nag-uusap ng mahina ang mga ito. Pagkatapos ay muling lumingon sa dalaga at isa-isang nagpakilala.
“Good morning, Miss Ruth. We heard from Mr. Steffan about his circumstance, and he also told us that you’ll be replacing him,” sabi nung lalaki na parang lider sa grupo. Ngumiti na lang si Ruth dahil ‘di n’ya alam ang nangyayari.
“You might be wondering why we’re here in front of you,” saad nung lalaki sabay lumingon sa mga kasamahan n’ya. "You must have heard from Mr. Steffan that the master Ray is the major shareholder in this company. He's only concealing the truth by using borrowed names,” pagpapaliwanag nung isa. Bago n’ya pinagpatuloy ay muli itong lumingon sa mga kasamahan n’ya.
“We’re the borrowed names, Miss Ruth.” Bigla na lang napalunok si Ruth nang malaman ang tungkol dito. ‘Di n’ya inakalang napakarami pala ng taong ginamit ni Steffan para lang itago ang totoo sa kompanya. Agad namang napatingin sa paligid si Ruth at napabuntong-hininga na lang s’ya nang mapansin abala ang mga tao sa paligid sa pakikipag-usap sa mga ka grupo nila.
Agad namang hiniling ng dalaga sa mga lalaki na sundan s’ya sa may gilid. Nang mabatid ni Ruth na wala na sigurong ibang makarinig sa kanila ay isa-isa n’yang tinanong ang mga lalaki patungkol sa kanilang mga portion sa total stake holds ni Ray sa buong kompanya. Agad namang nakaramdam ng pagkalula si Ruth dahil sa dami ng numbers na narinig n’ya.
"Could you please tell me why you approached me? I thought your deal with Sir Steffan was supposed to be a closely guarded secret?” Dahil sa tanong ni Ruth ay muling nagtinginan ang mga lalaki.
“We need your opinion about this meeting, Miss Ruth.” Biglang sabi nung lalaki na nasa gitna. Pabulong ang pagkakasabi nun nito. “Who will you choose? Kasi kung sino ang pipiliin ninyo ‘yun din ang ibuboto naman,” saad naman nung lalaki sa may gilid.
Tinignan lang ni Ruth isa-isa ang mga lalaki at pagkatapos ay sinabi n’ya sa mga ito ang totoo, “Truth is, I have no idea who I will support on this sudden stockholder’s meeting.” Muling nagtinginan ang mga lalaki at mababatid ang kanilang pag-aalala. “What I’m planning is, after settling in the function hall, I will call Steffan and ask his advice about this matter. ‘Di pa ako masyadong sanay sa mga ganitong matter.” Napatango na lang ang mga lalaki sa pagtatapat sa kanila ng dalaga.
Muling nagbubulungan ang mga lalaki habang si Ruth naman ay sinusubukang i-reach out si Steffan.
Maya-maya’y biglang tinawag nung nagngangalang Randel si Ruth. Agad namang nilingon ni Ruth ang lalaking nais na makipag-usap sa kan’ya.
“We’re planning to abstain from voting, Miss Ruth. Hangga’t di pa tayo sigurado kung sino ang papanigan natin, mas mainam na mag-abstain na lang tayo. Kung maging dahilan man ito para ma veto ang re-election ng CEO ngayon, mas mabuti. Kailangan nating pag-isipang mabuti ito. Ayaw kong initan ng mas malaking kompanya dahil lang sa desisyon kong ‘di pinag-isipan ng mabuti,” pag-amin ni Randel. Sumang-ayon naman sa kan’ya ang mga kasamahan.
“Ganito na lang, susubukan kong i-reach out si Sir Steffan.”
“Bakit ‘di si Sir Ray na lang ang diretso po nating hingan ng opinion?”
Napabuntong-hininga muli si Ruth. “Ray won’t meddle in this matter. I’m sure he’ll let me handle this issue.”
Tumango naman ang lahat. Ayaw ni Ruth na sabihin sa mga lalaki na walang kaalam-alam si Ray tungkol sa kung paano ang ginawa ni Steffan sa pagpapalakad ng mga investments n’ya, dahil baka magkaroon ang mga ito ng silly ideas. Baka angkinin ng mga ito ang ‘di naman sa kanila. Kaya pinili ng dalaga na itikom na lang ang kan’yang bibig.
Kahit ‘di pa tapos sa pag-uusap sila Ruth ay agad namang napansin ni Randy na unti-unting lumapit si Nigel kaya agad n’yang sinenyasan si Ruth na itigil na muna ang mga confidential na pinag-uusapan nila.
“Miss Ruth, please follow me po sa may function hall. Malapit na pong magna-nine. Gusto ka raw pong makausap ni Chairman Martin, please.”
Naramdaman ni Ruth ang panginginig sa boses ni Nigel habang sinasabi n’ya ito. Si Ruth naman na napaka-kindhearted ay ‘di nakatiis at sumunod na lang kay Nigel.
Ramdam ni Ruth na nagtataka ang grupo nila Mr. Randy kaya naman tumigil muna s’ya sa tapat nito at pagkatapos ay inayos ang kan’yang sarili. Pero bago s’ya umalis ay binulong n’ya kay Randel na ipagpapatuloy nila ang pag-abstain sa gaganaping botohan mamaya. Tumangong muli si Mr. Randy at pagkatapos ay ibinahagi n’ya rin ito sa mga kasamahan.