Magtatanghali na at nakatunganga lang si Ruth sa mansion. Pabalik-balik lang s’ya sa kanilang silid ni Ray at sa balcony. Ang nobyo kasi ay nasa baba, laging kausap sila Steffan, PSG at mga pulis patungkol sa status ng kanilang paghahanap kay Pauline.
Marami nang napuntahang mga lugar ang mga pulis na pinaghihinalaang pinagtataguan nila Pauline at ng mga kasamahan nito. Pero tuwing pinupuntahan at sinusugod nila ito para bang alam ng mga ito na darating sila. Makailang ulit na itong nangyari kaya naman lubos nang nakababahala at nakapagtataka.
Sa ikalawang palapag naman, nasa loob lang ng kwarto nagkukulong si Ruth. Nakaharap s’ya sa kan’yang phone upang mag-browse sa internet nang biglang may tumawag sa kan’ya.
Agad n’ya naman itong sinagot kahit na ‘di ito naka-register sa kan’yang contacts.
“Ate!” sigaw ng bunso mula sa kabilang linya.
The minute Ruth recognized the voice, her demeanor transformed in a split second.
“Kuya!”, masayang hiyaw ng kapatid. “Akala ko kung sino na ‘yung tumatawag sa’kin eh. ‘Di kasi naka-register itong bago mong number sa contacts ko,” saad ng panganay.
“Sorry, ate. Nasa labas na po kasi ako at magpapa-load na sana kaso wala na pong reception ‘yung dati ko pong sim. Kaya po bumili na lang po ako ng bago,” paliwanag nito.
“Nasa labas ka? Saan? Sino kasama mo?” pag-aalala ni Ruth.
“Opo, nasa labas po ako. Nasa Makati po ako ngayon naghahanap po ng review center na one-ride lang po mula sa bahay,” saad ng bunso.
Bigla namang nagtaka ang nakakatandang kapatid kung bakit ‘di humihingi sa kan’ya ang bunso kaya nag-aalala rin s’ya na baka ‘di sapat ang pera nito.
“Teka, ba’t di mo sinabi sa’kin, bunso? May pera ka pa ba d’yan?”
“Sorry ate, kaya po ako napatawag. Kinapos po kasi ako dahil ‘di ko pa po alam ang pasikot-sikot dito sa napuntahan ko pong lugar kaya nag-taxi na lang ako. Napalaki po ang nabayad ko sa taxi dahil sa sobrang traffic,” nakakaawang paliwanag ng bunso.
‘Di mapigilan ni Ruth na malungkot. Masyado kasi s’yang pre-occuppied sa sitwasyon nil ani Pauline at nakalimutan n’yang may ipa pa pala s’yang mas dapat pagtuunan ng pansin.
“Bunso, sorry. Nakaligtaan ko ring magpadala. Sobrang ang dami ko lang iniisip kaya nakalimutan ko,” pagpapaumanhin n’ya sa kapatid.
“Okay lang po, ate. Naiintindihan ko po ang sitwasyon ngayon.” Kahit pa man nasa ‘di kaaya-ayang sitwasyon ay nagawa pa rin ng bunsong kapatid na bumungisngis.
“Pasok ka muna sa mall o kahit na anong fast foodchain, bunso. Kain ka muna at magpalamig. Mag-aayos lang ako at pagkatapos ay pupuntahan kita upang samahan sa lakad mo,” maalagang saad ng kapatid.
“Okay lang po ba sa inyo na lumabas, ate? ‘Di po ba delikado?” pag-aalala ng bunso.
“’Wag mo akong alalahanin, kuya. Basta, magkikita tayo maya-maya. Mag-aayos lang ako pagkatapos ay tatawagan kita kapag nakabyahe na ako,” nakangiting saad ng panganay.
“Salamat, ate. May malapit pong fast-food chain dito sa area. Iti-text ko na lang po sa inyo ang pangalan at location, ate.”
“Oh sige, bunso.”
Pagkatapos nito ay pansamantalang nagpaalam ang kapatid sa bunso.
Agad namang nagbihis si Ruth. Nakangiti s’ya at panay ang pagbuntong-hininga dahil sa isip-isip n’ya ay sa wakas ‘di na s’ya mababagot na mag-isa na nakatunganga sa loob ng bahay.
Matapos n’yang mag-ayos ay agad s’yang bumaba dala-dala ang kan’yang phone at kan’yang maliit na slingbag.
Naka-baggy straight fit gray pants lang s’ya at naka-silk fabric na kulay puti na blouse. Nakalugay lang ang kan’yang buhok ay naglagay s’ya ng manipis ang kaunting kolorete sa mukha.
Nagtaka naman si Ray mula sa labas nang napansin nito sa gilid ng kan’yang mata na nakaayos ang nobya. Kahit na may kausap ito ay walang atubili nitong pinutol ang kanilang diskursyo at sinalubong at hinarangan ang pinto.
“Hey, baby,” ngumiti ito pero ‘di umabot sa mat anito ang kan’yang pinapakitang expression. “Are you going somewhere?”
Biglang kinabahan si Ruth sa naging expression ni Ray pero kahit na ganito ay pinanatili n’ya ang kalakasan ng looob at tapat sa nilahad sa nobyo ang kan’yang lalakarin.
“Yes, baby. I want to go out and help Ren look for the best review center that he likes,” saad nito at kinuha ang phone sa kan’yang maliit na slingbag dahil tumunog ito.
Agad n’yang binuksan ang message at nabasa ang location at pangalan ng fast food chain kung saan naghihintay si Ren ngayon.
“How come you didn’t tell me anything about this earlier in the morning?” Mapapansin ang pagkasusot ni Ray pero pilit nitong pinipigilan ang sariling magpakita ng mga unnecessary na expression.
“It was sudden, baby. Ren called a while ago. He wants to go and look for a review center on his own but he’s short on cash. Ayaw n’ya nga sana akong abalahin pero kinapos ‘yung ipon n’ya. Gusto kong puntahan at tulungan ang kapatid ko. Bukod pa ron, ilang araw na rin akong nagmumokmok dito sa bahay.”
Biglang napatiim si Ray at napansin naman ni Ruth ang paninigas ng panga nito.
“You stay here. I’ll tell Steffan to assist and help Ren with his undertaking,” authoritative na saad ni Ray.
May biglang kung anong naputol na sinulid sa loob ng utak ni Ruth nang marinig ito mula kay Ray.
“No! I’ll go.”
Biglang napa-click ni Ray ang kan’yang mga dila at nagdulot ito upang mapataas ni Ruth ang kan’yang kilay. Napansin naman ito ni Ray kaya naman bumuntong-hininga na lang s’ya at nagpaliwanag kung bakit n’ya ito nagawa.
“You know the situation that we’re in. I can’t let you go knowing that the culprit behind your almost demise is still on the loose. You stay here and that’s it.”
‘Di na napigilan ni Ruth na magalit. “NO! I WANT TO GO OUT FOR MY BROTHER!” Namumula na ang dalaga at biglang natigilan si Ray nang sumigaw sa kan’ya si Ruth. Unang beses kasi itong nangyari.
Si Ruth naman, nagulat din sa kan’yang naging pagsigaw at biglang na-guilty nang makita ang gulat at naninigas na expression ni Ray.
Agad na napaupo si Ruth sa malapit na upuan at dinaop ang kan’yang mga palad sa mukha. Ilang segundo makalipas nun, nagsimula nang humagulgol ang dalaga.
Si Ray naman, napalunok na lang at dahan-dahang lumapit sa nobya. Nagulat talaga s’ya ng husto sa nangyari. ‘Di n’ya inaakalang magagawa ni Ruth na pagtaasan s’ya ng boses.
Akmang hahaplusin sana ni Ray ang likuran ng nobya pero bigla s’yang napatigil. ‘Di n’ya alam kung ano na naman ang magiging reaksyon nito kapag ginawa n’ya ‘yun kaya napatigil sa hangin ang kan’yang kamay.
Maya-maya’y bigla n’yang naalala na hindi ganitong klase si Ruth. ‘Di ito sisigaw sa kan’ya ng wala itong kinikimkim. Kaya naman, nilunok n’ya ang takot at sinalok ang nobya at kinandong ito habang s’ya naman ay umayos ng upo sa couch.
Hinaplos n’ya ng marahan ang likuran nito at unti-unting nilambing.
“I’m sorry, baby. I’m sorry. Tahan na, okay?” paglalambing nito. He rubs her back gently while kissing her head lovingly.
Patuloy na humagulgol si Ruth.
“I-I’m s-sorry i-if I s-screamed a-at y-you, baby,” saad nito habang humihikbi,
“Shhh… I’m sorry too, baby,” patuloy na paglalambing ni Ray.
“I-I don’t k-know what t-to do. I-I’m bored. A-and then, R-ren called. I j-just want to f-fulfill my d-duty as a s-sister to him. I p-promised him t-that I’ll give h-him my f-full support when I got the j-job as your p-personal secretary,” paliwanag ni Ruth. “I-I c-can’t break t-that promise.”
Bumuntong-hininga na lang si Ray. Ayaw n’yang hahantong sa away ang diskursyong ito. Kapag wala ni isa sa kanila ang uurong at patuloy na magmamatigas, lalala ang pagtatalo at mauuwi talaga sa away.
“Do you really need to go?” ‘Di matiis ng binata ang nobya.
“Y-yes.”
“Fine. Tumahan ka na or I won’t let you go,” pagmamandar nito. Sing bilis naman ng kidlat na tumahan ang dalaga. Agad itong nagpunas ng kan’yang luha at pinindot ang kan’yang ilong upang punasan ang kaunting sipon.
Nakatitig lang sa kan’ya si Ray habang muling nag-aayos ang dalaga. Namumula ang mat anito pero mabuti na lang at ‘di namumugto.
“Even if you make me mad, I love you.” Saad ni Ray pero nagtitiim pa rin ito.
Ruth just caps her hand on Ray’s cheek. Agad namang sinubsob ng binata ang kan’yang pisngi sa kamay ng mahal.
“Don’t worry, I won’t run to the mountains, baby. I’ll just assist my brother on his next endeavor in life,” paliwanag ni Ruth. Sinubukan din nitong mag-joke. Namumula ang mga mata at ilong nito.
Ray replies by rolling his eyes at Ruth. Bigla namang napanganga ang dalaga at napadaop ang kamay sa dibdib.
“Why are you allowed to roll your eyes and I’m not? That’s not fair!”
“Try rolling your eyes right now. I promise you, you won’t be able to go,” saad ni Ray na nagsusungit pa rin. Bigla naman itong umayos ng upo at nilapat ang bibig sa taynga ng dalaga. “I’ll f*ck you so hard you won’t be able to walk for a week.”
Napalunok na lang ang dalaga dahil sa pagbabanta nito.
“If I knew that you’ll go out now, I should have f*ck you so hard earlier in the morning that’ll you’ll be able to properly think of your priorities at this point in time.”
Agad na tinakpan ni Ruth ang mukha ni Ray nang naramdamang umiinit ang buo n’yang mukha. Ayaw n’yang makita s’ya ni Ray na may ganitong expression dahil baka kung ano n a naman ang gagawin nito.
Nayayamot man sa katigasan ng ulo ng nobya ay wala s’yang magawa kung ‘di ang magparaya. Lulunukin n’ya na lang ang galit dahil ‘di matiis ang mahal.
"I should probably get moving. Ren anticipates my arrival."
Tumango lang si Ray at pagkatapos ay tumayo na silang dalawa at lumabas mula sa loob ng bahay.
Mahigpit na hinawakan ni Ray ang kamay ng nobya. Parang sinasabi ng isipan nito na payagan s’yang lumabas pero ang puso n’ya’y nagwiwelga sa loob ng kan’yang dibdib.
“Randy! Come here!”
Agad namang lumapit si Randy sa kan’yang amo.
“Sir?”
“Ipag-drive mo si Miss Ruth. Lalabas s’ya. Magsama ka na rin ng limang PSG para masiguro na ligtas s’ya.” Mas lalo namang humihigpit ang naging pagkakahawak ni Ray sa kamay ng nobya sa napipinto nitong pag-alis.
Agad namang kinuha ni Randy ang sasakyan. Dahil narinig ni Steffan ang sinabi ni Ray ay s’ya na ang nagkusa na mag-utos at pumili ng limang PSG upang sumama kay Ruth. Nang sa ganun ay makakaalis na ito agad-agad.
Nang nasa tapat na nila Ray at Ruth ang sasakyan, biglang humarap ang dalaga. Niyapos n’ya saglit ang binata at binigyan ng matamis na halik.
“I’ll go now, baby,” pagpaalam nito.
“Promise me you’ll be safe, baby.”
“I promise.” Binigyan muli ni Ruth ng isang smack si Ray at tuluyan nang lumulan sa sasakyan.
Pagkapasok sa loob ay agad n’yang tinext ang kapatid at pinaalam dito na papunta na s’ya.
Si Ray naman, naiwang mabigat ang pakiramdam ay wala sa mood. Pinagpatuloy nito ang kanilang pag-uusap kanina at ‘di pa rin maalis sa kan’yang isipan ang lubusang pag-aalala para sa nobya.