Agad bumungad kay Ruth ang nakangiti at kumakaway na kapatid sa loob ng fast food chain. Napansin din ng dalaga na may in-order itong pagkain kaya naman natuwa si Ruth. Alam n’ya kasing matipid ang bunsong kapatid. Siguro dahil nasanay na ito sa kahirapan ng buhay, kahit na kakarampot na salapi ay tinatago nito.
Mabilis na pumasok si Ruth upang damayan ang kapatid. Sumunod lang sa kan’ya si Randy pati na rin ang limang PSG na pinasama ni Ray upang masiguro ang seguridad ng nobya.
Dali-dali namang niyakap ng bunso ang kan’yang ate. Pagkatapos ay hinawakan n’ya ang magkabilang braso nito at nilayo ng kaunti upang masuri ang kapatid.
“Ate, okay ka lang po ba? Ang putla mo kasi,” saad ni Ren.
Marahan namang pinalis ni Ruth ang pagkakahawak sa kan’ya ng kapatid pagkatpos ay umakbay sa balikat nito. “Oo, bunso. Okay lang ako. ‘Di na kasi ako nakakalabas nitong nagdaang mga araw at nakakulong lang sa loob ng bahay.”
Matutunghayan ang lungkot na nadarama ng kapatid ni Ruth nang marinig ang mga salitang ito mula sa kan’yang ate. Napatiim ito na wari’y pinipigilan ang sariling magalit.
“Is that the reason why you have so many people hovering near you?”
Agad namang napalingon si Ruth sa kan’yang paligid at isa-isang tinignan ang mga kasamahan. Binigyan n’ya naman ito ng ngiti at pagkatapos ay lumapit kay Randy at inabot ang kan’yang credit card.
“Go to the counter and buy everything you like. Take the PSGs with you, Randy,” nakangiting saad ni Ruth.
Pilit namang tinatago ni Randy ang kasiyahan. Minsan lang din naman ito kaya kahit na nahihiya ay tinanggap n’ya ang inabot na card ni Ruth at sumenyas sa mga kasamahan na sumama sa kaniya.
“Ray, he wants them to come with me. Ayaw n’ya akong payagang lumabas nang walang kasama,” paliwanag ng kapatid.
Bigla namang napangiti si Ren at bumuntong-hininga.
“I’m just glad that you’re here with me, ate,” saad ng bunso.
Agad na naramdaman ng dalaga ang bukol sa kan’yang lalamunan kaya imbes na magpakalunod sa emosyon ay ginulo n’ya na lang ang buhok ng kapatid sabay tumawa.
“How are you feeling? Naninibago ka ba bunso dahil ‘di mo na nagagawa ‘yung usual habit mo dati?”
Napangiti lang si Ren. “Ganito pala ‘yung feeling kapag naka-graduate na, ate. Ang sarap sa pakiramdam dahil tapos ka na sa pag-aaral pero may parte rin sa’yo na gusto pang magpatuloy kasi ‘yun na ‘yung nakagawian mo.” Napakamot lang sa tuktok ang bunso at ngumiti ng tipid.
“Ang tanong eh, ‘yun ba talaga ang rason? O baka may na-miss ka lang?” pang-aasar ni Ruth kay Ren.
The latter simply frowns, oblivious to what his sister is implying. Napatawa na lang si Ruth sa naging reaksyon ng kapatid.
“Baka miss mo lang si Trisha,” patuloy na pang-aasar nito.
Napaismid na lang ang bunso sabay ininom ang pine apple juice sa kan’yang harapan. Mas lalo namang natawa si Ruth dahil dito.
“Si ate, minsan na nga lang tayo magkasama, nang-aasar pa,” bulalas ng bunsong kapatid sa ateng napatakip na sa bibig sa sobrang tuwa.
“Ang cute talaga ng bunso ko,” patuloy na pang-aasar ni Ruth. Napabuntong-hininga na lang si Ren at umiling habang tinatapos ang pagkain.
Ilang beses na inaya ng kapatid si Ruth na kumain pero ayaw nito dahil busog pa s’ya. Busog na rin s’ya habang pinagmamasdan si Ren na kumakain.
Sa mga ganitong pagkakataon n’ya naiisip kung gaano s’ya ka swerte sa buhay dahil kahit na ilang taon din silang nagdusa, ang binalik naman na swerte sa kanila ay lubos.
Pagkatapos kumain ni Ren ay nagsimula na sila sa paghahanap ng review center para sa kapatid.
Mabuti na lang talaga at ‘di masyadong tirik ang sikat ng araw ngayon kaya ‘di sila pinagpapawisan ng husto mula sa paghahanap. Para ngang nakisabay ang panahon sa muling pagkikita ng magkapatid.
May ilan silang review center na napuntahan. Kulang ang mga pasilidad kaya mura lang ito. Gusto ni Ren na dun na lang mag-review sa pinakamura upang makatipid pero ayaw ni Ruth na mahirapan ang kapatid.
May isang napuntahan din sila na labis ang mga pasilidad. Kompleto at may sariling canteen and lodging space at mahal ito. Kaya lang, puno na dahil marami na ang nakapag-reserve at saka, ito ang pinakasikat na review center na may passing rate na lagpas sa 90%.
Medyo nalungkot si Ruth nang malamang puno na ito. Si Ren naman, swak na sa kan’ya ‘yung pinakamurang napuntahan nila pero ayaw tipirin ni Ruth ang bunso. Kaya naghanap sila ng paraan kung paanong makapag-review si Ren sa review center na ito at magkaroon ng apartment na malapit lang din dito.
Agad na napansin ni Ruth na may malaki pa lang condominium sa harap nito kaya naman pinarehistro at in-enroll n’ya na ang kapatid kahit wala pa silang nakikitang accomodations. Iilan na lang din kasi ang natitirang slot kaya ‘yun ginawa ng dalaga.
Tinawag ni Ruth sa Randy at pumunta sila sa sulok kung saan distansya na sa kapatid. Alam n’ya na kasi ang mangyayari kapag narinig nito ang sasabihin n’ya. “Randy, pwede po bang makisuyo? Habang nagfi-fill up po kami sa mga forms dito, paki-puntahan po ‘yung condo sa harapan. Itanong n’yo po sa mga receptionist kung may mga owners ba na nagpapa-rent ng kanilang unit.”
Nahihiya man ay kinapalan na ng dalaga ang mukha at humingi ng tulong kay Randy. Ayaw n’ya rin kasi iwan ang kapatid na may maraming forms pa na fini-fill-up-an.
“Sige po, Miss Ruth,” saad nito at bago umalis ay pinayuhan ang mga PSG na bantayan ang dalaga at ‘wag hayaang mawala sa kanilang paningin.
Maya-maya’y nagkataka si Ruth kung bakit parang pumakla ang expression sa mukha ng bunso. Kaya tinignan n’ya ang nasa form nito.
May nakasulat dito.
PAYMENT TERMS
One (1) Month Advance and One (1) Month Deposit
Others (________)
PAYMENT METHODS
1. Cash
2. Cheque
3. Debit Card
4. Credit Card
“Uhm, Miss? Magkano po ulit kung monthly po ‘yung pagbabayad?” tanong ni Ren.
“Sir, twenty thousand po ‘yung review kapag i-cash n’yo po ngayon. Kapag naman po monthly, five thousand for s’ya for six months,” sagot ng babae sa likod ng counter.
Agad na napatigil si Ren sa pagfi-fill-up ng form at akmang tatayo nang hawakan s’ya sa balikat ng ate.
“Kuya, sige lagay mo d’yan sa may others under Payment Terms, one-time payment. Tas sa Payment Method naman, Debit Card,” saad ng kapatid.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Ren nang marinig ito. Agad s’yang napalingon sa kan’yang ate.
“Ate, sobrang mahal naman po rito. Lagpas kalahati rin po ‘yung masi-save natin kung ‘dun na lang po ako sa may Recto.”
“Bunso, hayaan mo na. Ang importante ay maganda ‘yung review center at kompleto ‘yung facilities nila. Centralized ‘yung aircon kaya ‘di mainit kahit na sobrang dami ninyong mga reviewee dito. May sariling canteen pa kaya ‘di mo na kailangang lumabas pa para kumain,” patuloy na pagkukumbinse ng kapatid sa bunso.
“Kaya lang…” ‘Di na pinatapos ni Ruth ang kapatid at imbes na hintayin itong mag-fill-up ay s’ya na ang tumapos nito.
“Miss, ito na po ‘yung mga forms, at ito po ‘yung card ko,” saad ni Ruth habang inaabot ito sa babae sa may counter.
Agad namang trinansact ng babae ito.
“Ma’am thanks po for trusting us,” nakangiting saad ng babae. Kanina ang sungit sungit nito ngayon, ang tamis tamis ng ngiti.
“Sir, magsisimula po ang review after po ng holyweek. Iti-text po namin kayo kapag may fixed date na pong binigay si Director,” paliwanag nito.
“Sige, Miss. Salamat po,” saad ni Ruth at nagpaalam na.
Sinalubong naman sila ni Randy sa labas na nakangiti.